Epilogue II

6.5K 234 50
                                    

SSFY EPILOGUE PART II

“Ano? Tungkol ba ‘to kay Ada?” Tres asked me. Inaya ko sila mag-inom ngayon, I just wanted to forget a bit. Dos even got my phone out of my sight so that if ever I got drunk I can’t drunk call or chat Adria.

“Obvious ba?” Dos drank his shot. We are at Tres' condo para hindi na raw hassle kung sakaling malasing na kaming tatlo, hindi na namin poproblemahin ang pag-uwi o kung sino mag-d-drive, mga gano’n.

Nakatingin lang ako sa sliding door ni Tres kung saan tanaw ang buhay na buhay na gabi ng Maynila. Tanggap lang din naman ako nang tanggap ng shot na binibigay nila Dos, gusto ko lang din talaga malasing para makatulog na rin ako kaysa sa iniisip ko pa si Ada.

She made her decision already so I should respect it, if she’s not ready then I shouldn’t force it.

“Takot sa commitment? Bakit daw? Baka naman tinakot mo,” pagtatanong ni Tres kaya sinamaan ko siya ng tingin at nag-peace sign lang siya sa akin.

Alam ko naman kung bakit ayaw niya, hindi naman talaga madali para sa kaniya, I just thought she would at least try with me.

“Hey, Lyrae.” I approached Lyrae kasi mas madali para sa akin kung siya ang tatanungin ko dahil nakasama ko naman na siya nang ilang beses, we became close somehow already.

Gusto ko sana na siya lang ang kausapin pero okay lang din naman kung kasama niya sila Ryezelle at Winona. Hindi ko alam bakit hindi nila kasama si Ada pero ayos na rin iyon dahil nga hindi ako makakalapit kung andiyan siya.

“Uy Uno!” she gladly greeted me with a smile on her face. Luminga-linga si Winona as if may hinahanap.

“Si Ada ata nasa library e,” Winona informed me, akala yata nila si Ada talaga ang pinunta ko.

Umiling ako and gave them a faint smile. “Is she okay? I mean she’s eating naman and having a rest ‘di ba?” I know I kinda gave her a hard time. Ang dami na nga niyang iniisip dumagdag pa ako. I just want to know if she's okay.

“Huh? Bakit kami tinatanong mo?” Ryezelle asked me, hindi tuloy ako nakasagot at iniwas ang tingin dahil feeling ko nakakaramdam na sila na may nangyari. I just can’t help but ask because I can’t ask her herself given our situation right now. Hindi ko rin siya nakikita kahit saan sa school kahit na iisa lang building namin.

“Parang okay naman siya, pero parang mas naging studious siya lalo,” sagot na lamang ni Lyrae and gave me a small smile.

“Wait!” Ryezelle titled her head and lift her index finger as if she remember something.

“Parang kaya laging nasa library ‘yon kasi para siyang may tinataguan hindi ko sure ah, pero ikaw ba tinataguan no’n?” Napahawak na lang ako batok ko at napayuko at tinignan na lang ang sapatos ko. Simula nang magpasukan halatang-halata ko naman na tinataguan ako ni Ada at tinatakbuhan. Pero pagkatapos ng huli naming usap hindi na rin ako nagpakita sa kaniya, pinilit ko na nasa classroom lang ako lagi, ‘yung mga plates ko tinatapos ko na sa bahay o kaya naman sa condo ni Tres para hindi na siya mahirapan na taguan ako. Masakit pero wala naman akong magagawa, gano’n yata talaga.

“Is there something we don’t know?” Winona asked me as she surveyed my reaction to what Ryezelle said but I didn’t answer. I parted my lips trying to find the right words but I failed to. I just closed my mouth and sighed.

“Hindi namin sasabihin kung kumakain ba siya, natutulog, kung okay ba siya o ano hangga’t hindi mo sinasabi anong nangyari,” mariin na sabi niya, bakas ang pag-aalala ni Ryezelle dahil palagay ko napansin din nilang may nag-iba kay Ada, hindi ko alam kung kasalanan ko o parte lang ako pero ginagawa ko naman ang lahat para hindi na niya ako makita at para bumalik na lang sa dati ang buhay niya.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon