SSFY 15
Nagbeer lang sila sa veranda at nagkwentuhan kami saglit bago nila napagpasiyahan na bumalik na sa hotel nila. Ipapahatid ko na lang sila sa driver namin dahil kadadating lang ni Papa nang paalis na sila.
“Oh aalis na kayo?” masiglang tanong ni Papa bago lumipat ang tingin niya kay Uno.
“Ikaw ‘yung nagbigay sa'kin ng gamot para kay Ada ‘di ba?” nakangiting tanong ni Papa na halata namang aasarin nanaman niya ako mamaya dahil nakita nanaman niya si Uno.
Ngumiti ng kaunti si Uno bago tumango. “Good evening po sir,” bati niya bago nakipagkamay kay Papa. Ganoon din ang ginawa no’ng tatlo at nagpakilala.
“Sayang naman uuwi na kayo, o siya ingat kayo ah,” paalala ni Papa bago umupo sa sofa sa gilid upang magtanggal ng sapatos.
Hinatid ko na sila hanggang sa may gate. “Aw I want to talk to your dad, he seems cool,” malungkot na sabi ni Thylene habang nakahawak pa sa kamay ko. Ngitian ko siya para hindi siya malungkot. “Marami pa namang next time,” I assured her.
“Tomorrow Ada ha! The wedding!” she reminded me. Oo nga pala muntikan ko na makalimutan.
“Ano isusuot ko?” I asked her dahil wala naman akong proper invitation siyempre hindi ko alam ang details ng wedding.
“Anything pastel, we’ll pick you up tomorrow by 4, oki?” Tumango ako sa kanila bago nagwave si Thy sa akin at sumakay na siya.
Sumakay na rin ang dalawa at naiwan si Uno sa labas.
“I always don’t get to properly greet your father,” nahihiya niyang sabi pero maayos naman niyang binabati si Papa everytime na nagkikita sila.
“Ha? Okay naman ah,” sagot ko sa kaniya. “I always need to go, I kinda like to talk to him like Thylene.” Napatango naman ako.
“Next time na ihatid mo ko na lasing kausapin mo siya,” I joked kaya he chuckled a bit and napailing na lang.
“Don—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya sa akin nang ibaba ni Tres ang bintana ng sasakayan.
“Ang tagal naman mag-ba-bye! Magkikita naman kayo bukas,” pang-aasar ni Tres kaya tinulak ni Uno ang ulo ni Tres papasok sa loob bago siya nagwave sa akin at pumasok na sa loob ng sasakyan.
“Ingat!” sabi ko bago nila tuluyan inangat ang bintana.
Bumalik ako sa loob at nakita si Papa na nakain sa dining habang may laptop na kaharap.
“Pa, kapag kakain, kakain lang,” paalala ko sa kaniya.
“Okay, okay madam ikaw ang masusunod,” natatawang sagot niya bago isara ang laptop niya.
“Kumusta? Nag-enjoy ba kayo ng mga kaibigan mo?” Ngumiti ako at tumango.
“Ay bukas pala may kasal kaming pupuntahan.” Tumango lang siya habang pinagpapatuloy ang pag kain.
“Ikaw kailan ka ikakasal ulit?” pagbibiro ko sa kaniya, hirap akong maniwala sa pagmamahal pero kung pagmamahal lang ang magiging dahilan para sumaya ulit si Papa ay matutuwa ako kung ikakasal siya ulit.
Kaso ang ikinatatakot ko nga lang ay baka iwan nanaman siya, baka hindi na niya kayanin at hindi ko na rin kayanin makita siyang nasasaktan.
“Bakit ako? Ikaw, kailan ka aamin na hindi lang kaibigan ang tingin niyo ni Uno sa isa’t isa?” Napaawang ang labi ko sa diretsong sinabi ni Papa at hindi nakapagsalita na naging dahilan para matawa siya.
“Hindi tayo araw-araw magkasama pero anak kita Adria.” Tumatango-tangong sabi niya, napanguso na lang ako at hindi na nagsalita habang siya ay pinagpatuloy lang ang pag kain niya.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...