SSFY 9
"Mayroon na kayong naisip?" Nagtatanungan kami kung may naumpisahan na kami para sa design 4 namin this midterms.
"Si Rae ang itanong mo," sagot naman ni Rye kay Winona kaya si Lyrae ang tinanong namin.
"Wala pa busy ako doon sa raket ko," sabi niya. Napagdesisyunan kasi niya na tumanggap ng art commissions para kumita siya ng extra na pera.
Ilang araw lang pagkatapos ng CEAT week balik na ulit sa dati ang lahat na akala mo walang nangyari.
Marami na ulit deadlines at mga activities sa mga professors. Medyo nag-wo-worry na nga ako dahil baka mag-cram nanaman ako doon sa design 4 subject namin dahil wala nanaman akong idea sa gagawin ko.
Kailangan din kasi ng interiors doon sa gagawin namin so pati furnitures iisipin ko pa kung ano itsura, ngayon pa lang na-s-stress na ako at ngayon pa lang sumasakit na agad ang likod ko.
Para tuloy kaming pinagbagsakan ng langit at lupa habang nasa canteen, nag-se-search na rin ako sa pinterest ng kung ano bang magandang idea.
Biglang tumayo naman si Lyrae. "Alis muna ako," paalam niya. Dinala niya ang gamit niya at umalis agad kaya hindi na kami nakapagsalita.
"Luh saan 'yon?" tanong ni Rye habang nakapatong ang baba sa lamesa.
"Baka doon sa client niya, alam ko madaming pinapagawa sa kaniya e," tumango ako at busy na sa paghahanap ng peg sa pinterest.
Pagkauwi ko as usual nagstart na ako gumawa, kapag kasi mga major plates hindi naman kayang tapusin ng isang araw dahil napaka daming perspective plus title and concept board pa kaya ilang araw na isang subject lang ang ginagawa ko.
Maaga ako pumunta sa school ngayon, bitbit ko ang canister ko na naglalaman ng mga tracing paper ko saka T-square ko kaya hirap na hirap nanaman ang likod ko.
Kailangan ko na talaga matuto magdrive dahil feeling ko magkakasakit na ako sa buto sa likod tsaka na-ha-hassle na rin ako magcommute nang madaming dala lalo na major plate.
Binilhan ako ni papa ng sasakyan nang mag-18 ako pero hanggang ngayon 'di ko pa rin nagagamit dahil nga hindi ako marunong at hindi na ako nakahanap ng time para matuto.
Pumunta ako sa library at pumwesto doon sa malawak na table na para sa anim at doon nilatag ang isang tracing paper na may lamang floor plan na hindi ko pa tapos i-techpen.
Dito ako sa school gagawa para in case na hindi ko mamalayan ang oras at least andito na ako sa school, tsaka mas lalo lang ako inaantok kapag sa condo.
Mag-iisang oras na akong nagawa nang may magtapat ng bottled water at chocolate sa mukha ko. Paglingon ko si Uno ang nakita ko.
After event hindi ko na rin siya nakausap, nakita or nakasama maski sila Kairo at ang iba pang members ng SC dahil siguro pare-pareho na kaming na-busy sa mga course namin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Uy!" pagbati ko bago ko kinuha sa kamay niya ang dala niya. Sumandal siya sa may table habang nakasuporta ang dalawa niyang palad sa lamesa.
"Paano mo alam na nandito ako?" tanong ko sa kaniya habang kinakain patago ang chocolate na bigay niya, bawal kasi kumain dito sa library. Ultimo water bottle bawal makitang nakalapag sa table.
"I just happened to see you here few minutes ago," he answered bago niya tinignan ang tracing na nakalagay sa table.
"Major plate?" he asked while looking at the floor plan. "Yup," I answered bago ko tinuloy ang ginagawa ko.
Umupo siya sa isa sa mga upuan kaharap ko. "Why?" he innocently asked nang tignan ko siya nang nagtataka.
"Bakit ka andiyan?" Nakaka-concious kaya na may nanonood sa 'yo tapos napakajudgemental pa niyang si Uno minsan.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...