XXI

4.3K 140 56
                                    

SSFY 21

Friday came, maaga ako sa office para madami akong matapos na trabaho dahil nga may pupuntahan pa ako mamayang gabi

"I'll send it to you tonight or maybe tomorrow morning." Kausap ko sa phone si Atty. Loyola ininform ko kasi siya na pupunta na kami ngayon sa site para i-check ang parameters tsaka zoning para maumpishan ko na ang massing.

"Okay, no pressure, Architect," natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako bago kami nagpaalam sa isa't isa. Kasama pala siya ni Mr. Ty sa Cebu para sa isang business conference kaya wala siya for almost a week.

"Can you please get me lunch, kahit ano na." Haley smiled and nodded at me.

"Thank you." I smiled at her also. Ang precious niya lang talaga, naalala ko sarili ko noon sa kaniya kaya siguro tinanggap ko pa rin siya kahit na palpak siya no'ng una.

Buti binigyan ko pa siya ng isang linggo pa para patunayan ang sarili niya, and thankfully hindi naman ako nagkamali.

After ng lunch kinuha ko na ang mga gamit ko, nagdala na rin ako ng flats para hindi ako mahirapan sa site.

I drove papunta doon sa property ng mga Ty, tinawagan ko rin si Uno para lang alam niya na on the way na ako.

"All right, I'll see you. Drive safely," paalala niya bago niya ibinaba ang tawag. Mabilis lang naman ay nakarating na rin ako at nakita siya na nakasandal sa sasakyan niya habang hinihintay ako.

Kaming dalawa lang ang narito dahil ang titignan lang naman ng iba ay kapag ginawa ko na sa computer ang massing ng lugar.

Pinag-usapan lang namin ang mga kakailanganin namin i-consider, 'yung parking tsaka mga landscape and such.

Tinignan namin ang kabuuan ng lupa, pati 'yung size no'n, kung saan siya malapit at kung ano 'yung mga main na daanan na nakapalibot sa kaniya.

I have my sketchpad with me, iniisip ko kung ano ang mga bawal at pwede kong ilagay.

"You put it on this side, para hindi makita," suggestion niya habang nakatingin sa sketchpad na hawak ko.

Ang lapit niya kaya amoy na amoy ko siya, bakit kahit mainit amoy bagong ligo siya? Naconscious tuloy ako baka naaamoy niya rin ako.

"Ah pwede rin, possible kaya na mapush 'to?" tanong ko habang may certain spot ako na binibilugan kaya tinignan niya iyon.

"We'll see, finish your pre-design and we'll discuss it," sagot niya. Napatingin na lang ako sa sketch ko.

"I just want to know your thoughts," sabi ko habang pareho na kaming nakatanaw sa kabuuan ng lupa na iyon.

"Why? Why does an architect wants my thoughts about her own design?" Nakahalukipkip siya habang nakatanaw sa malayo.

"Wala, baka sabihin mo nanaman nightmare niyo ang mga design namin," I seriously said. Naalala ko lang kasi 'yung nilagay niya sa IG story niya noon and I really searched for that quote at meron ngang lumabas na 'An Architect's dream is a Civil Engineer's nightmare'

Matagal na 'yon pero tumatak talaga sa isip ko 'yong quote na iyon dahil noong nagrereklamo rin si Kairo na masyadong out of this world daw ang mga ni-re-review niyang mga designs pero at the end of the day nagagawa naman din niya at ng team niya.

He chuckled at what I said kaya napatingin ako sa kaniya. "Tawa ka diyan?" pagtatanong ko

"That was 7 years ago, Ada, na-revise na 'yon." Kumunot ang noo ko. Ano nanamang quote na sasabihin niya this time?

"Oh e ano na 'yung updated version? Enlighten me, Engineer." Tumingin siya sa akin and the side of his lips rose.

"A Civil Engineer's dream is the Architect itself." Napaawang ang labi ko nang sabihin niya iyon na titig na titig pa sa akin.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon