VI

4.4K 168 35
                                    

SSFY 6

“Sa harap ka na Ada,” sabi ni Kai nang ipasok ang mga plywood sa back seat.

“Okay lang?” Kumpara kay Kai mas maliit at mas payat naman ako kaya okay lang kung katabi ko ang mga gamit sa likod.

“Oo, doon ka na.” Tumango ako at sumakay sa harap, andoon na si Uno sa driver’s seat.

Gusto ko kausapin si Uno kung bakit niya 'to ginagawa at kung bakit siya sasama pagkatapos niyang mairita sa akin, pero wala akong lakas ng loob. Parang bumalik lang kami sa dati na takot ako sa kaniya.

Sobrang tahimik lang ng buong biyahe namin papunta sa condo ko, hanggang sa makaakyat kami sa unit ko. Hindi ako kumportable sa sitwasyon namin ngayon, okay lang sana kung okay kaming lahat kaso pagkatapos ng nangyari kanina ay parang ang awkward lang para sa akin. Buti na lang din andito si Kairo, medyo nawawala ang pagka-awkward ng sitwasyon.

“Kailan ka papacheck-up?” tanong ni Kai sa akin nang mailagay na namin ang plywood sa may sala. Ramdam ko na napatingin si Uno sa akin at mukhang nag-aantay rin ng sagot.

“Ewan, baka kapag hindi na busy” tumango si Kai at nilibot ang paningin niya sa unit ko.

“Ikaw lang dito?”

“Oo, nasa province si Papa,” sagot ko ulit. Inilapag ko rin ang gamit ko sa may sofa at kinuha lang ang phone at wallet ko.

“Anong gusto niyo kainin? Bababa ako.” May convenience store kasi malapit sa baba para hindi na kami mag-order pa. Pero kung gusto naman nila mag-order okay lang rin naman.

“I’ll go with you.” Pareho kami ni Kairo na napalingon kay Uno na nakaupo sa may swivel chair ko.

“Ah osige,” maiksing sabi ko at humarap kay Kairo. Hindi na ako pumalag pa dahil nag-iingat ako na baka mainis nanaman siya sa akin. Lalong magiging awkward ang sitwasyon kung mag-aaway pa kami.

“Ano sa’yo?” Nag-isip pa si Kairo bago nagtanong. “Libre mo ba?” Pilyo siyang ngumiti kaya tumawa ako.

“Paano kapag hindi? Hindi ka kakain?” pagsakay ko sa trip niya at siya naman ang tumawa sa naging sagot ko.

“Damot!” pang-aasar niya pero agad niya rin sinabi kung ano ang sa kaniya at nagbigay ng pera. Ayoko na sana tanggapin pero mapilit siya e.

“Tara,” aya ko kay Uno nang hindi siya tinitignan dahil natatakot ako na makasalubong ang tingin niya.

May suot na siyang jacket ngayon dahil nga sa pintura sa uniform niya, white pa naman iyon. Gusto ko sabihin na bibilhan ko siya ng bago kaso kagaya ng sabi ko kanina ayoko na nga siya mairita sa akin kaya 'wag na lang. Kung sasabihin niyang bilhan ko siya, ay saka ko na lang siya bibilhan.

“What happened? Bakit ka magpapacheck-up?” bigla niyang tanong habang nakasandal siya sa pinakadulo ng elevator.

Napatingin ako sa pulsuhan ko at pinakita sa kaniya, he looked at me na parang hindi niya gets.

“Pipe ka na?” masungit niyang tanong. Tignan mo 'to napakataray talaga, masama ba lagi ang gising niya at parang galit siya sa mundo?

“Masakit,” maikling sagot ko na lang.

“Look, I’m sorry for what I said earlier.” This time tumingin na ako sa kaniya and I saw him looking down playing with his hands.

“Please don’t be mad,” almost bulong na lang niya iyon nasabi pero dahil nasa enclosed kami ay rinig na rinig ko ang simabi niyang iyon kaya napangiti ako.

“Hindi ako galit,” I said as the elevator opened. Lumabas na kami at sabay naglakad palabas para pumunta sa malapit na convenience store.

“Really?” he asked na parang hindi siya convinced. Hindi naman ako mabilis magalit at wala akong dahilan para magalit. Naiintindihan ko naman na nainis siya sa akin dahil sa nangyari kanina. Nadamay pa kasi siya imbis na tapos na ang ginagawa niya.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon