X

4.4K 172 77
                                    

SSFY 10

"Si Uno 'yon ah." Tinignan ako ng kakaiba ni Rae nang makita niya na hinatid ako ni Uno hanggang sa room tapos dala niya pa ang plates ko.

"Ah oo nakasabay lang." I don't even know if this is a lie pero kasabay ko naman talaga siya kasi same building lang naman kami.

"Sus." Ngumiti siya ng kakaiba bago siya bumalik sa pag pho-phone niya.

Buti na lang at hindi nakita ni Winona at Ryezelle na nasa likod ng upuan namin kung hindi mas malala ang aabutin ko lalo na kay Ryezelle na ang dami atang baon na pang-aasar lagi.

Nang maipasa namin ang major plate namin ay parang nabunutan nanaman kami ng tinik sa dibdib. May mga exams pa kami pero mas madali naman na iyon kaysa naman sa pag-d-drawing magdamag.

"After midterms ituloy na natin 'yung inom ah!" aya ni Ryezelle at sinamaan naman siya ng tingin ni Winona.

"Matutuloy na 'yan basta 'wag ka ng biglang pupunta doon sa bebe boy mo." Inirapan ni Rye si Lyrae dahil sa sinabing 'yon ni Rae.

"Minsan lang niya ako tawagan aba dapat lang puntahan ko siya agad." Hindi ko kilala kung sino ang pinag-uusapan nila basta ang alam ko isa siyang biktima ni Ryzelle.

"Hoy Ada! Wala ng SC ah," pagbabanta sa akin ni Win kaya tumango ako agad. Willing naman ako sumama sa kanila kahit na magdamag silang iinom.

Pag-uwi ko wala si Papa pero nag-iwan siya ng note na nasa pintuan na nagsasabi na may pinuntahan siyang meeting sa BGC at may niluto raw siya, kinuha ko iyon at dumiretso na sa kwarto para maligo bago ako kumain at mag-aral.

Siyempre bago pa ako maghugas ng pinagkainan ko ay nagphone muna ako at nakitang finollow ako ni Uno sa instagram.

Mayroon pala siyang instagram, napa-stalk tuloy ako nang wala sa oras. Tatlo lang pictures na andoon, isang silhouette niya tapos may sunset tapos 'yung next is plate niya pero matagal na, first year pa ata siya tapos 'yung last, picture niya kasama ang dalawa pang lalake.

Finollow back ko siya bago ko tinignan ang story niya baka kasi malaman niya na inii-stalk ko siya.

Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang nag-iisang story niya ngayong araw. Picture iyon ng board ko kanina tapos kita ang likod ko habang naglalakad tapos may caption na "An Architect's dream is a Civil Engineer's nightmare lol" nagreply tuloy ako sa story niya agad.

@adrchung: Paano 'yung "lol" tingin nga!

@UnoDF: Asa ka

@adrchung: Hater ka

@UnoDF: 'Di ah galing nga e

Natawa ako kasi damang-dama ko iyong pagka-sarcastic niya kahit sa DM lang grabe ang impact niya.

@adrchung: Kapag naging architect ako 'di kita kukunin na engineer

@UnoDF: Ayaw ko rin baka sumakit lang ulo ko

@adrchung: Sige ok lang sana masarap pa rin ulam mo kahit ganiyan ka

@UnoDF: Wala ka bang exams?

@adrchung: Meron. Aaral na ako byeee

Pagtapos no'n ay hindi na rin siya nagreply siguro ay mag-aaral na rin siya para sa exams.

Medyo mas maaga naman ako nakatulog that day kumpara kapag may mga plates ako na sabay sabay ang deadlines.

"Hoy 8 pm teh ah," pagpapaalala ni Rye sa amin dahil nga tapos na ang midterms kailangan na matuloy ng hang out namin pero dahil mga naka-uniform pa kami ay uuwi pa kami para magpalit ng damit.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon