SSFY 28
Tuluyang bumaba ang araw at binalot na ng dilim ang paligid. Andito pa rin kami, andito pa rin ako. Mukhang iba na nga ito kaysa sa una naming sunset na magkasama.
Pati ako iba na rin.
"Uno," I called. He's just looking up in the stars when he shifted his gaze towards me because I called his name.
Tinaasan niya ako ng kilay as if asking kung ano ba 'yun. "Ano ba tayo?" I asked bravely pero agad rin akong nahiya when the side of his lips rose and his face became amused by my sudden question.
Naisip ko lang naman, workmates don't hold hands and sleep together. We never talk about it actually but I believe that we should kasi matatanda naman na kami, kung dati ay takot akong pag-usapan at ayaw kong pag-usapan ang ganitong bagay, ngayon ay natutunan ko na dapat naman talagang pinag-uusapan ang bagay na ganito, especially kapag feelings ang involve.
"I don't know, what do you want us to be ba? Actually, it's up to you, Adria. Kung saan ka kumportable doon tayo because I don't want to pressure you. If you want us to be just like this then so be it." I can sense what he was pertaining to. He knew my issues kaya siguro he didn't initiate to talk about it. Maybe he was waiting for me, waiting for me to be ready.
"Ahh," tanging naisagot ko at tumatango-tango. Tumingin na lang ako sa view ng dagat sa harap namin. Lumalim tuloy ang iniisip ko habang nakatingin sa kalayuan ng dagat kahit na madilim na.
Medyo kulubot na ang mga daliri ko dahil kanina pa kami nakababad sa pool pero ayaw ko pa rin naman umahon dahil ang ganda lang ng moment na 'to.
I heard his soft chuckles nang makita ang reaksiyon ko pero hindi ko siya pinansin hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko e.
In the first place ako naman ang may problema sa aming dalawa. He was vocal about us, it was me who refused. It was me who's scared.
"Architect Adria Syrene Chung..." pag banggit niya sa buong pangalan ko kaya napatingin ako sa kaniya just to see na nakatingin na pala siya sa akin. Parang tinatantiya niya pa ako, parang may gusto siyang sabihin pero parang nag-iisip pa siya kung ano ba ang dapat na salitang lalabas sa bibig niya.
This time siya naman ang tinaasan ko ng kilay para ipakitang I'm listening to whatever he wanted to say.
"I like you," he said in the softest way possible and I saw how his eyes softened na parang maiiyak din siya. I really felt how genuine it was just by the look on his face.
Ang soft boy naman nito, parang dati bubugahan ako nito ng apoy ah!
I chuckled hindi ko iniwas ang tingin ko sa kaniya. "Do you want to be my... boyfriend perhaps?" Dahan dahan na sabi ko sa kaniya. Napaawang ang labi niya pagkatapos ay parang nasamid siya sa sarili niyang laway dahil sa pagakabigla sa tanong ko.
"What?!" natatawang tanong ko. "I told you I'm considering having a boyfriend already."
"Sure, deal," sagot niya nang makarecover sa tanong ko, napailing sa sagot niya sa akin.
He offered a hand to me na parang nakikipagdeal talaga siya sa isang kliyente, lalo tuloy akong natawa.
Tinanggap ko iyon pero imbis na magshake hands kami ay hinatak niya ako palapit at niyakap.
Niyakap ko rin siya pabalik. "You're not joking right?" Tawang-tawa ako nang tanungin niya iyon sa akin habang nakayakap siya ng mahigpit sa akin na akala mo tatakasan ko siya.
"Oo nga! I think I'm braver now." Sa loob ng 7 years marami na rin ang nagbago sa akin, nagmature ako may mga bagay ako na nakita na hindi ko makita noon.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...