XXIX

4.3K 130 27
                                    

SSFY 29

“Manang!” Excited akong yumakap kay Manang Tess nang makita ko siya, nabitawan niya ang plastik ng pinamili niya sa gulat nang makita ako.

“Ada!” masayang sagot niya at hinaplos-haplos ang likod ko habang magkayakap kami.

Gaano katagal na ba akong hindi umuuwi na grabe ang saya na nararamdaman ko.

“Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka!” pabiro niya akong hinampas sa braso ko at ngumiti lang ako bilang sagot. Hindi ko rin naman kasi akalain na sa ganitong paraan ko maiisipan na umuwi.

“Kumain ka na ba?” tumango ako pero inaya niya pa rin akong kumain, as usual wala pa si Papa. Gusto ko na nga magretire si Papa kasi kaya ko naman na, malaki-laki na rin naman ang sweldo ko pero ayaw niya kasi nga doon ako nagmana—workaholic.

Nagkwentuhan lang kami ni Manang habang kumakain, ang dami niyang kwento sa mga nagbago sa lugar namin. Nagkwento na rin siya ng mga ginagawa ni Papa noong mga nakaraang buwan.

“Tumatanda na ang tatang mo, hindi ka pa ba magpapakasal?” pabirong tanong ni Manang Tess sa akin pero alam ko naman na medyo umaasa rin siya na ikakasal ako at gagawa ng pamilya.

Kung hindi bumalik si Uno sa buhay ko ay baka agad ko nang kinontra ang sinabi niya dahil wala naman akong balak magpakasal noon, ang plano ko lang basta kasama ko si Papa.

“Depende po,” sagot ko sa kaniya na siyang ikinabigla niya. Napatingin siya sa akin at napatakip sa kaniyang bibig dahil sa pagkabigla.

“H’wag mong sabihin na may balak ka na?” hindi makapaniwalang tanong ni Manang Tess sa akin kaya natawa ako sa reaksiyon niya.

“Kung aayain niya ako?” dahan-dahan na sagot ko at napatayo na nga po siya sa sobrang tuwa sa sagot ko at pumalakpak pa.

"Sa wakas!" masayang sigaw niya. Gano'n ba kawalang pag-asa na magpapaksal ako noon kaya ganiyan ang reaksyon niya?

Nagtanong na nang nagtanong si Manang Tess tungkol kay Uno, at kinuwentuhan ko naman siya na nakilala na niya noon si Uno pero alam ko naman na hindi na niya naalala. Si Thylene lang ang naalala niya, hindi ko naman siya masisisi dahil halos isang beses ko lang nakasama nang matagal si Thylene pero ang close pa rin namin kapag paminsan ay sinesendan niya ako ng message sa IG.

“May tiwala naman ako sa pinili mo, isipin mo naiisip mo na magpakasal dahil sa kaniya.” Napailing at napangiti na lang ako sa sinabi ni Manang Tess sa akin.

Simula nang dumating ulit si Uno sa buhay ko hindi ko na alam paano ko nakayanan ang pitong taon na wala siya.

Maybe at some point in my life I'd rather choose a life alone but now, I’ll choose a life with him nang paulit-ulit pa.

I don’t regret what I did before because I knew I wasn’t sure if I could handle it. Time made me see things that I don’t want to see before and that made me sure about what I feel now.

All things must be put into its right place now.

“Akyat muna ako Manang, doon ko na antayin si Papa,” pagpapaalam ko at umakyat na ako sa taas.

Tinawagan ko muna si Uno bago ako maligo para itanong kung asaan na ba siya.

“Almost Manila na, why? Are you okay? Should I go back?” sunod-sunod na tanong niya. Ang paranoid naman nito, akala mo naman ngayon lang nawalay sa akin.

“Just checking! Ang OA naman,” sagot ko habang tumatawa pa rin dahil sa sagot niya sa akin.

“Malay mo lang pumayag ka,” he joked and laugh sa sarili niyang kalokohan.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon