XVII

4.1K 151 54
                                    

SSFY 17

May tama na ako pero nandito pa rin kami sa may beach, medyo pula na rin ang tenga ni Uno, feeling ko medyo lasing na rin siya pero alam ko na mas matino pa siya sa akin.

"Lasing ka na ba?" tanong ko sa kaniya at umiling naman siya sabay inom sa bote ng beer.

May ilang bote pa ng beer sa pail sa may table namin kaya hindi pa kami aalis dahil nga uubusin daw namin 'yon.

Nagsusulat ako sa forearm ni Uno gamit ang daliri ko at pinapahulaan ko sa kaniya. Tawang-tawa ako kahit wala namang nakakatawa dahil lang siguro sa tama ng alak sa akin.

"Ano 'yon? Intsik ka ba?" reklamo niya nang hindi maintindihan ang sinusulat ko sa balat niya.

"Oo! ¼ !" sagot ko sa kaniya, seryoso naman ako doon kaya nga Chung apelyido ko pero inirapan niya lang ako.

Tawang-tawa nanaman ako sa itsura niya dahil kunot na kunot nanaman ang noo niya habang inaalam ang sinusulat ko.

"Ako naman! Wala na akong maintindihan sa sinusulat mo," reklamo niya. Nilapag ko ang forearm ko sa table at hinatak niya iyon palapit sa kaniya.

I chuckled when I felt his finger on my skin, para akong nakikiliti na nakukuryente, alcohol does wonders talaga.

"Isa pa, hindi ko gets." Ako naman ang nagrereklamo ngayon at inulit naman niya talaga at pilit kong binubuo ang salita sa isip ko.

"May word bang ganiyan?" tanong ko dahil walang sense ang nabuo kong word sa utak ko.

Tinawanan niya naman ako dahil hindi ko makuha ang sinusulat niya, kinuha na lang niya ang kamay ko at pinaglaruan ang mga daliri ko habang nakasalumbaba ako gamit ang kabilang kamay ko.

"Lasing ka," tawang-tawa kong sabi habang nakatingin lang sa kaniya. He wrinkled his nose and chuckled a bit dahil sa kakulitan ko.

After 30 minutes siguro nagdecide na kaming bumalik na sa hotel, we're walking along the seashore holding each other's hand. I even swayed our hands while walking.

I feel so light and at peace, para kong nakalimutan lahat ng galit na nararamdaman ko kanina, akala ko kapag uminom ako at nalasing doon ko masasabi lahat ng hinanakit ko at baka nga umiyak pa ako pero hindi ko nagawa because Uno made me feel at peace and I'm thankful for that, nakakasawa na rin 'tong issue ko sa buhay. Ang hirap i-let go, maybe I expected too much from my mom that I refuse to see the reality that she's never coming back.

"I'm glad that you're happy," Uno almost whispered those words but I clearly heard him.

"I'm glad that you're with me," I answered and as I look at him he smiled and nodded looking satisfied.

Nang makabalik sa kwarto, I washed my face and brushed my teeth tapos diretso na ako sa kama since wala rin naman na akong ibang damit na pwede ipalit, unless matutulog akong naka-robe lang.

I drank the water on the side table that made me sober up a bit. Nakatingin lang ako sa ceiling, I don't know what to feel right now. It feels like my heart wants to burst dahil sa dami ng naramdaman niya sa isang araw lang.

I got my phone and searched kung naibalita na ba na kinasal na si Mama tsaka 'yung actor, and it is. Bumangon ako at chineck ang mga articles and pictures.

She's smiling brightly on the pictures na parang hindi niya nakita anak niya na pinanood siya while walking down the aisle.

Should I text Papa? For sure alam na niya pero hindi ko lang sure kung alam niya na 'yon ang pinuntahan namin nila Uno.

I was just staring on the pictures attached to the article with a caption "Alessandra Silvestre tied the knot today with Frederick Alcaraz"

I searched for my Mom's Instagram account, I refuse to stalk her nor follow her before kasi nga galit ako sa kaniya but this time I wanted to see how her life has been ever since she left us baka marealize ko na leaving us was for the better naman talaga.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon