XI

4.2K 146 56
                                    

SSFY 11

Napaawang ang labi ni Uno while he's fighting the urge to smile, he's still holding my forearms para alalayan ako.

"Say that again when you're already sober," he said before siya mag-start maglakad habang nakahawak pa rin sa akin. Paatras tuloy ang paglakad ko samantalang siya tuloy lang sa paglalakad nang diretso.

Nang makabalik kami sa table iinumin ko na sana ang natira sa baso pero pinigilan ako ni Uno at nagbigay ng tubig sa akin

"Finish that," utos niya at wala na rin ako sa wisyo para kumontra pa kaya ininom ko na lang rin ang tubig.

Pagkatapos ay hindi ko na alam ang nangyari basta nagising na lang ako nasa condo na ako. Ang sakit ng ulo ko at parang umiikot pa rin ang paligid ko, nakita ko na may nakahandang baso ng tubig sa side table ko.

Inom ka daw tubig tsaka gamot -Papa

Ininom ko ang tubig bago ako nagdecide na maligo dahil hindi man lang ako nakapagbihis kagabi o kaya naman hilamos at toothbrush man lang.

Nagsuot lang ako ng pajama kahit hindi naman ako matutulog para lang kumportable ako dahil ang sakit talaga ng ulo ko.

Habang nag-b-breakfast ako, tumawag si Rae sa GC kaya sinagot ko agad.

"How are you Ada?" bungad na tanong niya nang sagutin ko ang tawag.

"Ang sakit ng ulo ko." Nakarinig ako ng tawa mula sa kaniya at sakto sinagot na rin ni Winona ang tawag.

"Wala akong maalala, did I do something embarassing?" I asked them dahil curious ako dahil wala na talaga akong maalala at first time ko malasing kaya hindi ko pa alam paano ako kapag may tama.

"Wala, you just passed out minutes after you drank water," sagot ni Rae kaya nakahinga ako ng maluwag because I had a dream telling Uno that I like him baka masiraan ako ng bait if totoo iyon.

As I was drinking my hot chocolate napaisip ako bakit ko sinabi sa panaginip ko na gusto ko si Uno? Did I actually like him?

Or baka dahil lang sa kakaasar nila at sa kakabugaw nila sa akin kaya siguro feeling ko gusto ko siya or what? I feel like I won't look at Uno the same way as before dahil lang sa naiisip kong 'to.

Nagkwentuhan lang kami about sa ganap kagabi and what they did when I passed out, they even sent me videos ng mga kalokohan ni Rye at Winona and also me while sleeping soundly with Uno at my side just drinking beer.

Nang matapos ang call humiga lang ako sa kama ko ulit because I feel a bit sick pero thankful naman ako na hindi ako nasusuka because I hate the feeling of vomiting.

Nagphone lang ako as usual since wala naman akong kailangan gawin, besides it's Saturday.

Uno De Franco: Did you drink your meds?

Nagulat ako sa bigla niyang pag-cha-chat sumabay pa ang kabog ng dibdib ko. Naiinis ako bakit may ganito na siyang effect sa akin dati naman wala.

Adria Chung: What meds?

Napatingin ako sa side table ko, and nabasa ko ulit ang note ni Papa, did they met each other?

Galing ba sa kaniya 'tong gamot dito? Kaya ba may nakalagay na baso ng tubig sa tabi ko?

Uno De Franco: For hangover

Adria Chung: Galing sayo to?

Uno De Franco: Yes, why?

Napaawang ang labi ko nang makita ang chat niya sa akin. This guy is really something bakit ba siya ganito?

Adria Chung: You met my dad?

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon