SSFY 4
"Hindi 'yan pa thank you," panguna ko nang tignan ako ni Uno habang inaabot ko sa kaniya ang bote ng tubig na binili ko saglit sa canteen.
"Binibigay ko lang," dugtong ko pa bago niya kinuha at napailing na lang at ininuman iyon. Tumabi ako sa kaniya dahil hindi pa ako tapos doon sa dinadrawing ko dahil ang laki nga no'n.
Habang nagdadrawing tinignan ko siya na busy sa ginagawa niya. "Matagal mo na kilala si Paula?" hindi ko napigilan na itanong sa kaniya, kanina ko pa kasi iniisip bakit ang sama niya sa akin, baka may rason siyang maayos para malditahan ako.
"Uhm yeah, blockmate," sagot niya. Hindi man lang ako tinitignan kaya tumango na lang ako.
"If you're wondering why she's like that, hindi ko rin alam. We are not close," dugtong niya pa nang hindi ako umimik.
"Maybe hindi kasi ako natulong before?" He chuckled.
"Probably not," sagot niya ulit kaya napatingin ako sa kaniya nang nakakunot ang noo.
"Why not?" He stopped doing what he was doing and looked at me. "I was more useless than you before but she's not like that to me."
"Maybe she likes you," I mumbled kaya tumawa na siya nang malakas kaya nabigla ako ata napakurap ng ilang beses. Hindi ko alam ang mararamdaman ko na napatawa ko si Uno dahil sa buong pagkakakilala namin wala akong ibang ginawa kung hindi ang inisin siya unintentionally.
Napatingin sa amin sila Kuya Kairo, mukhang na shock din sila na tumatawa nang ganito si Uno. When Uno realized that he got all of our attention he cleared his throat and continued what he was doing. Laughing suits him, maagan ang itsura niya hindi katulad kapag 'yong usual na binabalot siya ng itim na aura.
"Ang saya mo ha," I commented pero sinupladuhan niya lang ako, bilib din ako sa bilis ng pagbabago ng mood nito.
"Bakit ka tumawa? Hindi naman imposible 'yong sinabi ko." Umiling lang siya sa akin kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagdadrawing ko, ni hindi ko alam kung ipapadrawing ba sa akin ni Paula lahat dahil kalahati pa lang itong tinatapos ko meron pang ibang karton at plywood na kailangan drawingan at paintingan.
Mga 8 na namin napagpasiyahan na umuwi na. Ang late na pero may gagawin pa akong plate mamaya kaso ang sakit na ng likod ko at antok na antok na ako. Lutang nanaman ako sa klase ko bukas for sure.
Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng campus ng iba pang members ng SC. "Diretso uwi ka na no?" tanong ni Kuya Kairo sa akin.
"Uhm baka dumaan pa ako McDo." Kumunot naman ang noo niya at nagtaka siguro kung bakit pa ako dadaan doon e late na nga at alam niyang may plates ako.
"Kakain ako tsaka kailangan ko ng kape." Siguro pagkatapos ng apat na taon ko bilang archi student, coffee person na ako.
"May plates ka pa kasi 'di ba? Sabi ko umuwi ka na kanina e." Ngumiti lang ako. Ayaw ko na mapag-initan ni Paula kaya ginagawa ko lahat para makatulong sa kanila.
"Isa lang naman 'yon kaya ko na 'yon," sabi ko bilang pagkumbinsi sa kaniya or more like convincing myself that it's not a big deal.
"Samahan na kita," he offered.
"Kuya, okay lang promise," natatawang sagot ko sa kaniya, mukhang naguiguilty kasi talaga siya.
"I feel guilty, kasi anong oras ko na rin kayo pinauwi." Wala namang masama kung kasama ko siya kaya umokay na lang ako but he doesn't need to feel guilty, lahat naman kami nahihirapan at gusto umuwi ng maaga.
"Pero wala ka bang plates Kuya?" Umiling siya bilang sagot and looked at me and smiled.
"Kairo or Kai na lang Ada, 'to naman!" Tumawa ako at tumango, he's three years higher kaya Kuya talaga ang tawag ko sa kaniya pero hindi rin naman halata dahil wala naman sa itsura tsaka sa ugali. Madali siyang pakisamahan at magaan kausap kaya okay kung gusto niya na tawagin ko na lang siya sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...