SSFY 22
Lumabas muna ako sa parang garden ng function hall dahil napapagod na ako kumausap ng kung sino-sino, nakakapagod pala ginagawa ng mga mayayaman ano?
Nakatayo lang ako at humalukipkip ako habang nakatingin sa tubig na nilalabas ng fountain dito.
"Hey." I heard Uno's voice in a soft tone.
Napatingin ako sa kaniya and gave him a small smile. "Are you okay?" tanong niya at tumabi sa akin habang tinitignan din ang fountain sa harap namin na napapalibutan ng mga bulaklak.
"Uhm, sakto lang," sagot ko. Kahit gaano pa ata katagal hinding-hindi ako natatahimik kapag nababanggit ang Mama ko, I want to get over this already nakakapagod na.
Gusto ko na umusad sa buhay ko pero sa phase na iyon ayaw talaga.
Hindi ko kaya magpanggap na okay ako kaya nagpapasalamat ako na tahimik lang si Uno sa tabi ko.
"Uno," I called, tumingin siya sa akin at inantay ang kasunod na sasabihin ko.
"You think ako na lang hindi nakakausad?" Kumunot ang noo niya at humarap sa akin.
"What do you mean?" I sighed, hindi ko dapat sa kaniya sinasabi ang lahat nang 'to dahil nasaktan ko siya noon dahil dito pero feeling ko kasi alam niya kung ano ang sasabihin dahil alam naman niya kung ano bang nangyari sa akin.
"I mean, my father already accepted everything, my mother has a family already they are all okay, ako na lang ang hindi." Inalis ni Uno ang ilang hibla ng buhok na napunta sa mukha ko at tinignan ako sa mga mata ko.
"Hindi naman ibig sabihin na okay na sila ay magiging okay ka na rin, that's what you feel, you own that so just take your time in healin, Ada," he said.
"As long as you're trying, you'll get there, wala naman time limit 'yon. You are their child, it's really harder for the children kapag nagse-separate ang mga magulang." I felt pain inside my chest as I was listening to what he is saying kahit na nasaktan ko siya, pinapagaan niya pa rin ang loob ko.
Where did I get the courage to hurt this man in front of me? Why?
That day was still so clear in my memory, that night 7 years ago, when I broke his and my own heart.
We are going home that time from La Union, tahimik akong nakatanaw sa bintana kahit na ramdam na ramdam ko ang pasulyap ni Uno sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan.
"I'm going back to Manila after," sambit niya. I don't know what to answer him and I also don't know what to do with that information.
We both knew that we have something to talk about but I was afraid, ayokong sabihin niya kung ano man ang nasa isip niyang sabihin sa akin.
I'm afraid I wasn't ready kaya mas okay na 'wag na lang pag-usapan iyon.
We remained silent pero ramdam na ramdam ko si Uno and it's breaking my heart, alam ko na inaantay niya lang ako at gusto niya talaga akong kausapin.
Hindi ako tanga, I know for sure that we already have feelings for each other and I know na alam niya rin iyon.
I was guilty that I became so selfish that I wanted to run away with him and then wala naman pala akong balak na panindigan.
It was happy until it last, until it wasn't anymore.
We stop in front of our house, the house was quiet ang maririnig mo lang ay mga ibon at kuliglig, lalong hindi nakatulong sa sitwasyon.
It was dark outside, walang gumalaw sa amin at nagsalita. Tinignan ko siya and he was already looking at me. I could sense pain into his eyes kahit wala pa man ding nangyayari pero sa sitwasyon naming dalawa alam naman na namin kung ano mangyayari, mukhang iniiwasan na lang din namin.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...