SSFY 2
"Sumali ka na kaya Rye, makapal naman mukha mo," sabi ni Rae kay Ryzelle dahil nga namomroblema ako na walang gustong sumali sa pageant.
"Hayop ka," tanging sagot ni Rye kay Lyrae.
"Tulungan niyo na lang ako humanap ng sasali." Ayoko rin naman kasi sila pilitin sa mga bagay na ayaw naman nilang gawin.
"Winona ikaw na lang, tutal sabi mo maganda ka diba?" nang-aasar na sabi ni Ryezelle. Inirapan siya naman siya ni Win.
"Kapag sumali ako kawawa ang iba, talo agad sila." Natawa na lang ako at umiling sa pinagsasasabi nila.
"Hahanap ka na lang namin ng sasali, Ada," sabi ni Winona at tumango ako.
Ayaw ko pa naman ng namimilit ng tao kaso kailangan may representative bawat isa.
"We got you!" pambibiro pa ni Rye sa akin napailing na lang ako at napangiti. Sana nga may mahanap kaming willing sumali dahil kapag wala baka mas lalong magalit sa akin ang ibang SC members dahil hindi naman daw ako tumutulong.
Pumapasok pa rin kami dahil may klase pa rin naman at preparations pa lang ang ginagawa for CEAT week, medyo matagal pa naman bago ang event.
Halos lagi rin kaming may meeting kaya kahit na walang plates naiistress pa rin ako although this time may tulog at ligo na ako.
"Baka naman may mga contact kayo sa mga banda or singer diyan para sa concert?" tanong ni Kuya Kai. As usual may meeting nanaman pero hindi na ako tumabi kay Paula baka ako nanaman ang pag-initan niya.
May kilala akong singer, kilalang-kilala pero siyempre hindi ko i-susuggest iyon.
"Uno, baka mayroon ka? May mga gig ka 'di ba?" tanong ni Kuya Kai. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa gawi niya. Musikero pala siya, wala sa itsura. Ayoko maging judgemental pero sa unang tingin kasi akala mo si Uno iyong taong puro aral ang ginagawa at walang kaibigan, pero baka nga aura niya lang iyon 'di ko naman siya gaano kilala e. Kailan ko nga lang nalaman ang pangalan niya.
"Sasabihin ko kapag meron," maikling sabi niya na hindi man lang tumitingin sa kausap niya. Ano kayang problema ni Uno at parang galit siya sa mundo?
"If ever, pwede lahat tayo kumuha ng contact? Kahit sino para lang at least marami tayong pagpilian," dugtong pa ni Kuya Kairo, tumango lang ako at hindi na inabalang isulat iyon dahil wala naman akong kilalang iba.
Kinamusta rin niya iyong sa pageant kaya nanahimik ako lalo dahil wala pa kaming representative. "Uno, may nagbigay na sa'yo ng list?" Tumango si Uno at may inabot na papel kay Kuya Kai. Sandali niya iyong tinignan at binasa bago malipat ang tingin sa akin.
"Wala pong may gusto sumali," agad na dipensa ko at ramdam ko nanaman ang tingin ni Paula, hindi ko talaga alam bakit ang laki ng galit sa akin nito, ngayon ngayon ko lang naman siya nakakasama. Dinamdam niya ba masyado na hindi ako nagpapakita sa meetings before? Lagi siguro siyang present.
"Meron 'yan kaunting pilit pa, antayin ko hanggang Friday." Napahinga na lang ako nang malalim, kung mismong mga kaibigan ko nga ayaw magsisali ano pa kaya 'yung mga hindi ko naman ganoon kaclose.
Nang matapos ang meeting nagstay lang ako habang iniisip kung paano ba gagawin ko at kung paano ba ako mamimilit. Gusto ko na lang matapos to.
"Oy." Napatingin ako sa tumawag sa akin, napalunok naman ako agad nang tignan siya.
"Why?" tanong ko nang makarecover sa presensiya niya, never ata talaga akong masasanay sa kaniya.
"Kaya ba today?" tanong niya sa akin. For sure iyong sa pageant ang tinutukoy niya. Mukhang ako na lang ang hindi nagpapasa ng list.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...