SSFY 3
“Where do we find these?,” maybe I said it out loud while looking doon sa list na binigay nila Kuya Kairo kaya napatingin si Uno sa akin.
“First time?” tanong niya sa akin kaya naman tumango ako.
“Mayaman,” he commented kaya napatingin ako sa kaniya, parang jinudge na niya ang buong pagkatao ko. Hindi ba pwedeng hindi lang makalibot sa buong maynila dahil puro school at condo lang ako?
“Sttereotyping,” I said. Sa sandaling nakausap ko si Uno, may pagkajudgemental talaga siya pansin ko lang, but I won’t use it against him.
He chuckled which I found really amusing akala ko lagi siyang galit sa mundo eh.
“Mayaman ka rin naman ah,” I said. I mean hindi naman ako nagmamayabang na may kaya naman kami, my father provided me everything I need pero alam ko naman na may mga mayayaman naman na nagpupunta ng divisoria.
“Hundi ah.” I looked at him with amusement in my face.
“Wow ha Range rover, really?” I don’t like to be sarcastic but he's making me do it.
He chuckled once again. Kung hindi galit, tinatawanan naman ako hindi ko alam kung anong mas gusto ko roon.
Napailing na lang siya sa akin at hinatak ako sa isang building na puno ng iba’t ibang mga stalls ng kung anu-ano.
May mga tela, school supplies, pailaw at mga bagay na cute pero alam mong hindi mo kailangan. Mabilis akong nadistract sa mga bagay na nakikita ko at mas lalong naentertain sa presyo. Nakakita ako ng mga bag na sobrang cute at naisip ko matutuwa si Winona dahil ang kikay noon e, kaso nga lang para akong may magulang na kasama dahil hinatak nanaman ako ni Uno.
“You really got short attention span huh,” he commented. Napanguso na lang ako sa sinabi niya at nagpahatak sa kaniya dahil baka mairita nanaman siya sa akin kapag hindi ako sumunod sa kaniya.
Pumunta na kami sa bilihan ng tela and nagtanong-tanong siya roon kung magkano per yard gano'n. Hinayaan ko siya hanggang makabili siya, malay ko ba kung alin doon ang kailangan, napakadami kasing klase e.
“Choose,” utos niya sa akin at pinakita ang dalawang klase ng tela sa akin. Kumunot naman ang noo ko kasi 'di ko alam bakit tinatanong niya pa ako.
“You’re more artistic,” he said na parang nabasa niya ang iniisip ko.
Tinignan ko ang dalawang tela.“Para saan ba yan?” Pinakita niya ang phone niya sa akin kung saan andoon ang peg namin for the stage kaya naman nakapili ako agad.
Aliw na aliw ako doon sa mga ilaw na sunod naming pinuntahan. May mga letters na may ilaw tapos mga fairy lights at christmas lights.
“Bili ka na ganda,” alok sa akin noong kuya na nagbabantay roon, sasagot pa lang ako nang hilahin nanaman ako ni Uno.
I feel bad baka isipin ni Kuya ang rude ko lilingon sana ako pero agad hinawakan ni Uno ang likod ng ulo ko. “Don’t look back tsk,” sabi niya kaya hindi na rin talaga ako lumingon.
Halos si Uno lang din naman talaga ang bumili ng kailangan namin, taga-check lang ako sa listahan at tagatingin kung magkano pa ang pera na nasa amin. At least medyo may ambag pa rin ako.
“Uno.” Busy siya sa pagcompare ng presyo ng mga paint at spray paint doon. Tinignan niya lang ako saglit bago ibinalik ang tingin sa mga paint. “Kain tayo.” nagugutom na kasi talaga ako, kanina ko pa tinitiis kasi nahihiya ako sa kaniya. 12:30 na kasi ilang oras na kami nag-iikot.
“Later,” tanging sagot niya bago ibinigay kay Ate kung ano ang napili niya. Grabe pa makangiti si Ate sa kaniya pero mukhang wala naman siyang pake.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...