XIII

4.2K 143 32
                                    

SSFY 13

Ilang araw akong inasar ni Kairo tungkol doon sa picture na pinost ni Uno, hinayaan ko na lang siya kung saan siya masaya hanggang sa hindi na ulit siya nagparamdam dahil nga graduating siya.

I never had the guts to ask Uno about it kahit na magkasama kami ngayon dahil nga magpapacheck up ako at ipaparead ang x-ray results ko.

Mukhang wala rin naman siyang balak mag-explain sa akin nang kusa or baka inaantay niya lang ako na magtanong sa kaniya na never naman mangyayari.

Habang nag-aantay para sa turn ko, hindi ako nagsasalita pero pansin na pansin ko ang mga tingin ng ibang mga babae kay Uno kahit na wala naman siyang ginagawang kakaiba.

I shifted on my sit at napatingin ako kay Uno kaya kumunot ang noo niya at tumingin pabalik sa akin. "Why?" iritableng tanong niya dahil tinapat ko talaga ang ulo ko sa mukha niya para makita siya nang maayos at ma-examine ang mukha niya.

Natawa tuloy ako. "What is it Adria?" ulit niya. Napaupo tuloy ako nang maayos dahil galit nanaman siya. "Wala" I answered.

Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin na para bang kailangan ko sumagot ng maayos sa kaniya kung hindi ay may lalabas na laser beams sa mata niya.

"Just wondering why they're looking at you." Sabay nguso ko nang kaunti doon sa mga babae sa paligid namin, sinundan niya ng tingin ang tinuro ko habang nakakunot ang noo. May mga babae pa na todo ngiti na parang kinilig dahil sa pagtingin niya sa kanila.

"See? Anong meron?" tanong ko. I feel like it's just about his looks and aura pero I just want him to know na ganiyan ang effect niya sa mga babae.

"I don't know, wala rin naman akong pake," he sanswered in monotone and binalik ang tingin sa movie na nag-p-play sa TV.

"Sanay ka na?" I asked pero hindi na niya ako nilingon ngayon at hindi pinansin pero alam ko naman na narinig niya ako.

"Hindi ka na-co-concious na ang daming tumitingin na babae sa'yo?" tanong ko pa ulit at mukhang nakulitan na siya sa akin.

"I only have two eyes Ada, and I've already laid them on one person," he said looking straight into my eyes na parang nakalimutan ko huminga for a moment.

"Kaya hindi ko na napapansin kung sino pang ibang tumitingin sa akin."

"What I only see is when that person is looking at me." Napakurap lang ako ng tatlong beses before I cleared my throat I don't even know how to respond.

Wala naman siyang sinabi na para sa akin 'yon but why do I feel like it's for me? Gano'n ko ba siya kagusto para maging assumera na ako?!

It's a lot going on in my head already, my finals, my feelings, that Instagram post and now his eyes!

Mababaliw na ata ako buti na lang tinawag na ako para sa check up.

Thankfully okay naman daw ang wrists ko, wala naman daw damage tapos 'yung sa likod ko raw ayusin ko lang daw ang posture ko especially kapag nag-d-drawing daw ako kasi mag-c-cause daw talaga ng back pain kapag mali ang posture ko palagi tapos ilang oras pa raw ang tinatagal ng pwesto kong gano'n.

After the check up umuwi na rin ako agad kasi ang dami ko pang gagawin kahit gusto ko pa naman kumain with Uno pero mas priority ko ang finals kaya ayon.

"Anak ng tokwa nga naman!" reklamo ni Rye habang nasa classroom kami at inaayos niya ang plate niya na hindi niya pa tapos pero title board na lang naman.

"Huwag ka kasi magpanic," pagpapaalala ni Rae sa kaniya.

Finals exam na lang at tapos na kami ng 2nd year! Hopefully umabot naman ng 3rd year.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon