V

4.6K 176 49
                                    

SSFY 5

"Why do you make Paula feel like what she's doing to you is okay?" bigla niyang tanong kaya nabigla ako buti na lang hindi ako nainom dahil baka mabuga ko sa kaniya. Paano ba naman kanina pa kami tahimik pero kumportable naman tapos bigla niyang itatanong 'yon.

"I just don't feel like talking back at her," I said. Sabi nga nila, kill them with kindness pero ayoko naman na literal na manatay siya. I believe in karma I know it will do its job in the future, but I hope she will just stop because everybody's patience has its extent.

"I know that she is mean, but I'm not," I said and he looked at me like he's judging me. Typical Uno the judgemental.

"Judgemental mo no?" Mukhang siya naman ang nabigla sa tinanong ko kaya napaiwas siya ng tingin. Uminom siya ng tubig before looking back at me.

"Pnagsasasabi mo?" he shot back and I laughed at him dahil kunot na kunot ang noo niya. Galit nanaman siya.

"Kung makatingin ka kasi sa akin," sagot ko na lang and not elaborating what happened in the past few days between us.

"I'm not judging you, ikaw ang judgemental wala pa nga akong sinasabi," inis na sabi niya kaya natawa na lang ako lalo dahil nainis ko nanaman siya like the usual.

As days go by nasasanay na ako kay Uno, lagi siyang inis sa akin pero alam ko naman na hindi 'yon seryoso katulad ng inis ni Paula sa akin. Palagay ko mabait naman siya kasi lagi niya akong tinutulungan sadiyan may sarili lang siyang paraan. Mabilis siyang mamisunderstood kaya kailangan makasama mo pa siya ng ilang beses para magets mo siya.

"Tara na akyat na tayo, sabihin nanaman ni Paula nag-aantay ako ng pasko," aya ko sa kaniya and he just laughed before standing up and follow me.

Feeling ko minsan kaya sinasamahan na lang ako ni Uno dahil natatawa siya sa akin at hindi naman talaga siya ganoon ka concern sa nangyayari, source of entertainment lang ganoon.

Paulit-ulit lang ang nangyari sa susunod na mga araw. Papasok akong lutang, uuwi akong pagod at matutulog ako ng ilang oras lang.

Malapit na ang CEAT week kaya double time na kami pero parang double time rin ang mga prof sa pagbibigay ng kung anu-anong gagawin.

Habang may inaayos ako sa laptop para sa CEAT week ay sinasabay ko na rin ang pagwawatercolor doon sa plate ko.

"Busy na busy ah." Kairo sat beside me habang nagwawatercolor ako at may inaantay na ma-download sa laptop

"Oo nga e no President?" I sarcastically said and he looked amused before he laughed.

Naniniwala na ako kila Lyrae na nag-iiba ako kapag stressed ako siguro kasi dahil nga hindi ako kalmado hindi ko nakocontrol ang iniisip at sinasabi ko.

"Need help?" Pilyo siyang ngumiti sa akin kaya tumango ako sa kaniya at hindi na umimik dahil nga nagwawatercolor ako ng plate dahil hindi lang naman ito ang plate ko na kailangan gawin, may gagawin pa ako mamaya pag-uwi ko, may rereviewhin pa ako.

"Madami-dami na rin pala to ah," kumento niya habang chinecheck ang mga nagawa ko sa laptop.

"Eto yung listahan." Inabot ko sa kaniya 'yong papel kung saan nakalagay lahat ng kailangan ko gawin ngayong araw na tungkol sa CEAT week.

"Bakit ang dami?" nagtatakang tanong niya habang inaanalyze ang mga nakalagay sa papel.

Natawa na lang ako sa itsura niya at sumandal sa upuan at nagstretching nang kaunti. "Si Paula nagbigay niyan." Tumingin siya sa akin saglit at unti-unting nagets kung bakit gano'n karami ang naka-assign sa akin.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon