SSFY 12
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko at wala akong balak gawin ang kahit ano na kahit buksan ang cellphone ko hindi ko magawa.
Iniisip ko lang ang sinabi ni Uno sa akin kanina. Ano kayang sinabi ko sa kaniya na hindi ko maalala?
Imposible naman na 'yong I like you dahil hindi ko naman 'yon nakalimutan sadiyang alam kong panaginip lang 'yon.
Buong magkasama kami ni Uno kanina kinukulit ko lang siya na sabihin sa akin kung anong kalokohan ang sinabi ko sa kaniya pero ayaw naman niya sabihin, ako raw ang magsabi sa kaniya.
Kinakabahan tuloy ako baka kung ano ang sinabi ko or more like baka similar sa panaginip ko ang sinabi ko kaya ko napanaginipan ang gano'ng bagay.
Masama nga yata talaga ang uminom at malasing, I better not do it again. Si Uno lang din naman ang dahilan bakit bigla akong napainom.
I immediately called Lyrae, but no'ng napindot ko na ang call at sinabing nag-ri-ring na, I decided na huwag na lang siya kasi kilalang kilala ako no'n so I decided na tawagan si Kairo.
Thankfully he answered agad. "What's up Ada, miss mo 'ko?" bungad niya kaya natawa ako at napaisip kung tama rin ba na siya ang tinawagan ko.
"My friend needs an honest opinion right now." I started.
"Your friend huh?" he suspiciously ask and I breathed heavily since magsisinungaling nanaman ako.
"Yup," I answered so he began to ask what's my friend's problem.
"She said she dreamed about herself telling this one guy that she likes him." Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa phone and he's still on the line so I continued.
"E lasing daw siya during that time so she wasn't sure if it was really a dream or maybe it is really a dream pero she did something similar to that in reality too," I explained carefully baka madulas ako na ako iyong tinutukoy ko.
"So what's the question?" Kai asked.
"Does she like him? Parang it's weird to have a dream like that 'di ba?"
"You want an honest opinion?" tanong niya ulit and I answered yes immediately dahil sasabog na ang ulo ko kakaisip.
"Then be honest with me also." Rinig na rinig ko ang pagkapilyo sa tono niya kaya napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Sobrang halata ko ba? Hindi kasi talaga ako magaling magsinungaling eh.
"Tell me first that it wasn't for a friend, that it's for you," he chuckled at napapikit na lang ako nang mariin.
"Okay fine, so ano na nga do I like the person?" I said in defeated tone at mas lalong siyang humalakhak. I'm desperate for answer to the point na I called for help already.
"Bakit ako tinatanong mo sa feelings mo Ada?" Gusto ko mainis sa kaniya dahil tinatanong ko nga ang opinyon niya tapos hindi naman niya ako sasagutin but he got a point so I fight the urge to be mad.
"Kasi nga 'di ko alam," I just simply answered.
"From what I'm seeing, I think you like him," he finally answered my question, tatanungin ko pa lang siya kung anong meaning ng what he's seeing dahil 'di naman niya alam kung sino tinutukoy ko pero bigla siyang nagsalita ulit
"You like Uno." Nanlaki ang mga mata ko nang idugtong niya iyon.
Napaawang ang labi ko at hindi ko alam ang sasabihin ko, literal na na- speechless ako at mukhang narealize niya 'yon kaya humalakhak na siya ulit.
"I just know Adria," sabi niya habang tumatawa pa rin hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya binabaan ko na siya ng phone.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko, do I really like him?
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...