SSFY 25
"What?" tanong ko kay Uno habang tinutulak ko ang cart papunta sa isang aisle sa may grocery.
Kanina pa kasi siya patingin tingin sa akin, na-we-weirduhan na ako sa kaniya at medyo na-co-conscious.
Ngumiti siya at yumuko bago umiling, hindi ko alam tuloy kung anong bibilhin ko dahil biglaan lang naman 'tong pa-grocery ko.
Nagtitingin ako kung anong kape ang kukuhanin ko nang magsalita siya.
"You still have coffee, hindi mo nga ata binabawasan," he commented, kaya napahinto ako sa pagtitingin doon sa iba't ibang brand ng kape.
"Umuwi ka na nga," nahihiyang sabi ko sa kaniya, feeling ko matatagalan pa kasi ako dito dahil nga wala naman talaga akong balak gawin 'tong maggrocery pero namiss ko din nga lang, parang ilang buwan nang umiikot ang buhay ko sa site at office.
Nakakasawa rin pala, natawa siya at kumuha bigla ng isang pack ng kape sa shelf. "Ayoko nga," malokong sabi niya bago niya kinuha sa akin ang cart at siya na ang nagtulak no'n.
Kumuha siya ng kung anu-ano na hindi ko naman alam kung ano ba ang mga iyon. "Kung anu-ano na lang nilalagay mo sa cart ko," reklamo ko sa kaniya kaya tumawa naman siya.
"That's the things you don't have in your condo." Isang gabi lang naman siya natulog doon pero bakit alam na alam niya agad kung ano ang kulang at kung anong mayroon sa condo ko.
"Nagsurprise inspection ka ba sa condo ko habang tulog ako?" I asked at casual pa siyang tumango.
"I was wondering if you have a lot of food because you eat a lot or you have a lot of food because you don't eat a lot," kwento niya sa akin.
"None of the above." I laughed. Tinignan niya naman ako saglit bago itinuon ang tingin sa isang product, tinitignan niya ata ang nutrition facts or ingredients.
"I have a lot of food in the condo because I always eat at the office tapos may nag-su-supply pa ng dinner ko," I joked na nakapagpangisi sa kaniya.
Totoo naman iyon actually, pag-uwi ko tuloy hindi na ako kumakain kasi nagdinner na ako tapos madalas late na ako nagigising hindi na tuloy ako nakakapagbreakfast.
"Hindi ka papasok ngayon?" he asked me. Kanina ko pa nga pinag-iisipan kung papasok pa ba ako o huwag na lang, sa condo na lang muna ako magtatrabaho.
"Hindi na siguro." Tinatamad na rin ako mag-ayos. Tinawagan ko na rin naman si Haley kanina na baka hindi na ako pumasok dahil may hangover ako.
"How about you?" Umiling naman siya at binubusisi bawat kuha niya sa mga items.
"Uhm tissue paper hmm..." Nakatingin lang ako sa kaniya habang nag-iisip siya ng mga bibilhin niya. Natatawa tuloy ako kasi ang cute niya, nakaturo pa ang daliri niya sa shelf habang hinahanp ang tissue paper.
Minemorize niya ba talaga lahat ng wala sa condo ko na essentials? Nakakaloka.
"Huwag ka na masyado mag-effort diyan, halos 8 hours lang naman ako araw-araw sa condo." Kung pwede lang hindi umuwi baka hindi na lang din ako umuwi, hindi rin naman ako excited umuwi. Matulog oo, pero the fact na uuwi ako, hindi masyado.
Tinutulugan ko lang naman ang condo or pinagpapatuloy ko lang ang trabaho ko roon so parang wala lang din.
"Why? You're too workaholic," kumento niya nang hindi man lang ako tinitignan dahil iniisa-isa niya pa yata ang mga tissue paper doon. Pinag-co-compare pa ata niya ang iba't ibang brands para ma-narrow down niya sa pinakamaganda.
"Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan, wala rin akong ibang gagawin."
"Na-bo-bored lang ako sa condo, nalulungkot gano'n," pagpapatuloy ko habang busy siya doon sa pag-go-grocery niya ng mga bagay na ako rin naman ang makikinabang.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...