SSFY 18
"Anong problema niya?" nakasalumbaba lang ako sa office ko habang iniisip si Uno. Ngayon na nga lang kami ulit nagkita gano'n pa siya, naging magkaibigan naman kami kahit papaano.
Tapos na ang meeting for the project, sa susunod na meeting sa Ty corporation na gaganapin and hopefully may designs na akong maipresent sa kanila, though hindi pa naman final agad dahil mag-co-conduct pa ng feasibility study sa lupa na gusto nila Mr. Ty kasi kung hindi feasible maghahanap ng panibago so malamang may mababago pa sa design na magagawa ko.
May kumatok naman bigla sa office ko kaya nawala ang pag-iisip ko, sinilip ni Kairo ang ulo niya sa pinto tinitignan kung busy ako.
Sa itsura niya pa lang ay sinamaan ko na siya ng tingin. "Hindi ako nagpapasitorbo," agad na sabi ko kahit na tapos na ako sa mga dapat kong gawin ngayong araw. Sadiyang ayoko muna umuwi.
"Para naman 'tong others," reklamo niya at pumasok pa rin sa opisina ko kahit na hindi siya welcome dahil alam ko naman na aasarin niya lang ako.
"Kumusta ang reunion niyo ni Uno este Engineer De Franco." Hindi ko siya pinansin at inayos lang ang folder sa harap ko at in-arrange sa bawat drawer.
"Ito naman! Para ka namang ex niyan." Napatigil ako and glared at him kaya tawang-tawa nanaman siya sa kalokohan niya.
I really didn't know I'll end up working with Kairo, he was doing well sa company na una niyang pinasukan, ewan ko bakit nandito na siya bigla ayaw naman niya sabihin kasi.
"'Wag mo kong inisin Engineer Esquivel I could contact Architect-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil kinontra niya na ako agad.
"Oh walang ganiyanan Architect Adria Syrene Chung sinasabi ko sa'yo." Umupo siya sa may couch sa gilid ng office ko.
"Akala ko ba busy ka ha?" reklamo ko sa kaniya, kung kailan naman hindi ko trip na andito siya saka naman siya nanggugulo.
"Hindi ah sino nagsabi sa'yo?" biro niya pa.
Halos pantay lang naman kami sa firm na 'to ni Kairo kahit na ahead siya ng year noon sa akin dahil nga kaka-apply niya lang dito noong matanggap ako at the same time, magkaiba naman kami since engineer siya.
"Big time project mo 'di ba? Libre mo naman ako." Ito nanaman po tayo, pero sabagay kapag siya naman ang may malaking project nagpapalibre din naman ako sa kaniya. Ganoon ata talaga kapag wala ka namang ginagastusang iba.
Pumayag na lang ako at agad inayos ang mga gamit ko para sabay na kami umalis.
"Naks madam na madam ka pala ngayon." Wala atang balak palampasin si Kai ngayon, gusto ata niya talagang pansinin lahat sa akin ngayon na maski suot ko inaasar niya.
"Haley, you can go na rin," sabi ko sa secretary ko bago kami naglakad ni Kairo papuntang elevator.
Pumunta kami sa isang restaurant na malapit lang sa firm para pwedeng lakarin na lang dahil pareho kaming may dalang sasakyan.
Nag-order kami sandali at inusisa na niya ako ulit. "Ano nga nangyari?" Sbrang tsismoso talaga ni Kairo pero kapag ako naman nakikichismis sa kaniya nagagalit sa akin dahil 'di naman daw ako kampi sa kaniya.
"Wala, professional naman kaming dalawa," sagot ko pero hindi siya naniwala.
7 years na ang nakalipas sa tingin ba ni Kairo may effect pa rin ako kay Uno? Hindi naman ganoon kalalim at katagal kung ano mang namagitan sa amin.
"Ang tagal na pero malisyoso ka pa rin," sabi ko sa kaniya at sumalumbaba habang nag-aantay ng order namin.
"Ikaw lang naman ang naniniwala na feelings fade through time." Humalukipkip siya bago sumandal sa upuan.
BINABASA MO ANG
Sweet Siren From You
Teen FictionTHE BLUEPRINT SERIES #1 (COMPLETED) Adria, a girl with the softest heart but has lost her trust in love ever since she witnessed how everything fell apart in her family, she thinks love will just fade through time, it will not last long as how you i...