VIII

4.5K 189 36
                                    

SSFY 8

"Ready na ba? Start na tayo in five," aligagang sabi ni Kai sa akin kaya I gave him thumbs up dahil nag-final check na kami no'ng isa pa naming member kanina.

Super aligaga rin ako dahil ginawa ba naman akong runner ng mga ito, kanina pa kung sino-sino ang pinapahanap sa akin pero hindi naman ako nagrereklamo ayos lang naman.

Nasa back stage lang ako habang pinapanood na i-brief ang mga kasali sa pre-pageant, though nagawa naman na nila iyon no'ng nag-general practice sila.

After nito, wala na kaming gagawin kung hindi ang panoorin sila, hindi rin kami pwede umalis kasi baka may mangyari at kailanganin kami.

"Ada, paki escort si dean dito sa backstage," utos sa akin no'ng isa pa sa member ng SC. Kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at hinanap ang dean namin sa crowd.

Tinignan ko ang unang row ng upuan kung saan sila dapat nakaupo pero wala doon ang dean kaya nagpanic ako kung saan siya hahanapin, napakadami pa namang tao.

Tumakbo na ako palabas habang kino-contact ko si Kai para itanong kung nasa office pa ba si dean.

"Wala pa ba dito?" stressed na tanong niya.

"Tinignan ko sa first row wala, paki double check na lang din baka nagkasalisi." Pumayag siya at ibinaba na ang tawag.

Halos sampung minuto rin akong nagtakbo-takbo papunta sa building namin at paaakyat mahanap lang si dean buti na lang tumawag sa akin si Kai na andoon na raw sa upuan and tapos na rin kausapin no'ng nag-utos sa akin kanina.

Pagod na pagod tuloy ako nang makababa sa first floor ng building namin pero tumakbo ako ulit pabalik sa grounds dahil nagsimula na ang first event ng week na 'to.

Umupo ako sa gilid malapit sa stage nang tabihan ako ni Uno, kanina pa kami nag-pe-prepare pero ngayon ko na lang siya nakita sa sobrang busy namin. Inabutan niya ako ng tubig at tinanggap ko naman iyon agad dahil hinihingal hingal pa ako.

"You're working so hard," kumento niya. Mukha ngang ako lang ang haggard sa aming dalawa, parang chill na chill lang siyang nanunuod sa tabi ko.

Buong araw magkasama lang kami ni Uno na naka standby lang sa event, dahil opening ng event siyempre mas may ganap ngayon pero sa mga susunod na araw hindi na masyado kaya matapos lang ang araw na ito, okay na ako.

Let's eat," aya ko kay Uno. Gutom na gutom na ako pero pinipigilan ko lang kasi hindi pa tapos 'yong first part ng event kanina.

He nodded and stood up. Agad kaming nakipagsiksikan sa mga tao, may nakaapak pa nga ng paa ko at ang sakit no'n pero siyempre hindi ko na alam kung sino pa ang umapak kaya hinayaan ko na, sana masaya siya sa kinalalagyan niya ngayon. Nauna na si Uno dahil ang dali lang niyang nakasiksik sa mga tao.

Hirap na hirap ako pero ayoko naman manulak, ang dami kasing pasaway, nilagyan na nga namin ng harang para may dadaanan ang mga tao pero wala e doon pa rin nagsitayo.

Nakita ko si Uno pabalik sa kung nasaan ako at agad niya akong inakbayan at sinama sa kaniya habang hinahawi niya ang mga tao.

"Bagal mo," reklamo niya at sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa pagrereklamo niya e hirap na hirap na nga ako.

"Inapakan kaya nila paa ko," reklamo ko rin sa kaniya habang tinataas ko pa ang paa ko para ipakita sa kaniya.

Ang magaling na Uno ay tinawanan lang ako. "Tingin nga," pang-aasar niya pa.

"Parang wala naman," natatawang dugtong niya. Ayan ata talaga ang kasiyahan ni Uno, masaya siya kapag alam niyang napipikon ako.

Pero pabirong pikon lang naman hindi naman ako naiinis sa kaniya, never pa nga ata akong nainis kay Uno nang totoo kasi sa totoo lang kahit na mataray siya at nakakatakot, thoughtful naman siya, lowkey nga lang parang may sarili siyang way.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon