XIV

3.9K 143 13
                                    

SSFY 14

“Why so grumpy? Nakakahiya kay Ada!” sigaw ni Thylene, hanggang ngayon hindi pa rin ako nalingon pero ramdam ko ang paglalakad ni Uno sa tubig papalapit sa amin.

“Stop teasing me with Ada already quota ka na.” Tawa naman nang tawa si Thylene obviously enjoying teasing Uno lalo na’t ako naman talaga ‘to.

“What? I’m telling the truth.” Thylene looked at me then shifted her gaze to Uno again before laughing.

“She told me she’s home so stop joking around,” sagot ni Uno at naramdaman ko na siya sa likod ko. Hindi pa rin ako lumilingon dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

“Well I guess, this is her home.” Hinawakan ni Thylene ang kamay ko at pinaharap kay Uno. Ngumiti lang ako ng kaunti, napaawang ang labi niya nang makita na ako talaga ang kausap ni Thylene.

“Hey,” sabi niya lang nang makarecover sa gulat na makita ako dito kung saan magkasama silang dalawa ni Thylene.

“She’s alone daw so I invited her to go with us.” Tumingin sa akin with hopeful eyes si Thylene while still holding my hand.

“Ha? I—” Hindi ko alam ang sasabihin ko that’s why I’m stuttering pero hinila niya lang ako agad while she’s laughing. I look at Uno and he just  smiled at me.

“Wait ‘yung gamit ko,” I said while hinahatak pa rin ako ni Thylene. She stopped walking and looked at Uno.

“Get it,” utos niya kay Uno, agad naman kumunot ang noo ni Uno kay Thylene bago tumingin sa akin. Okay lang naman na ako ang kumuha kaya maglalakad na sana ako papunta sa beach mat ko pero pinigilan ako ni Thylene.

“Dali na! Wow hindi ka pala gentlemen tsk tsk katurn off ka talaga!” maarte niyang sabi, naalala ko si Winona kay Thylene parehong pareho sila ng ugali, I kinda miss them tuloy.

Naglakad si Uno papunta sa beach mat ko at tumingin sa akin at tinuro iyon just making sure if sa akin ba talaga ‘yon kaya tumango ako.

Sinukbit niya ang beach bag ko sa balikat niya at at sa kabilang balikat naman ang beach mat ko.

Hinila na ulit ako ni Thylene papunta sa may volleyball net at may dalawang lalaki na nakaupo sa buhanginan ng magkabilang court.

“Guys! This is Adria or Ada, Uno’s just friend daw,” she said while air quoting the word just friend. Ouch, bakit niya kailangan sabihin pa ‘yon. Alam ko naman na 'yon pero bakit kailangan pagdiinan na magkaibigan lang kami ni Uno but I don't have the right to be mad about that because that's true in the first place.

“Stop it Thy,” inis na saway ni Uno sa kaniya, tumayo ang dalawang lalaki at pumunta sa gilid kung asaan kami.

“This is Dos and this is Tres,” pakilala niya sa dalawang lalaki.

Kumunot agad ang noo ko at inisip kung saan ko nakita si Dos. “I know you,” sabi ko sa kaniya habang nakaturo pa ang daliri ko sa kaniya.

Ramdam ko ang panonood sa amin ni Tres, Thylene at Uno. Pilyong ngumiti si Dos at tumango. “I know you too.”

Hindi ko maisip kung saan kaya hinayaan ko na lang, hindi niya rin naman inelaborate kung paano kami naging magkakilala.

Umupo ako sa beach mat ni Thylene at pinanood sila maglaro ng volleyball, nakakatuwa sila panoorin dahil feel na feel ko ‘yung closeness sa kanila ni hindi ko nga alam bakit ako nandito. Balak ko lang naman magswimming dahil mainit.

Inaya ako nila Thylene magvolleyball kaso hindi naman ako marunong, tsaka nag-e-enjoy rin naman ako panoorin lang sila habang nag-aasaran.

Maybe Thylene’s really perfect for Uno.

Sweet Siren From You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon