CHAPTER 11

2K 71 3
                                    

ALEXA's POV


KINABUKASAN, nagising naman ako dahil sa ingay na galing sa pinto ko. Someone's keep on knocking my door.

"Alexa, are you awake?" rinig ko namang tawag ni Kuya sa labas ng pintuan ko.

"Yes. Kakagising ko lang." sagot ko naman sa kanya.

"Just checking. Baka nakalimutan mo kasing wednesday ngayon. You have a PE class, right?"

"Yup, thanks for reminding" sabi ko naman.

I heard his foot steps which indicates na paalis na siya. Kaagad naman akong pumasok sa banyo at naligo and as usual doing my morning routine. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng PE uniform namin. Hmm. It's a white shirt then red jogging pants for girls then sa boys naman white shirt and blue shorts.

Pumunta na ako sa kusina and I saw my brother feeding our pets.

"Kumain ka na" sabi niya naman without looking at me.

"Wala kang pasok?" I ask him. Hindi pa kasi siya nakaligo.

"Wala"

"Edi sana all" natatawang sabi ko sa kanya.

So, ayon na nga. Kumain na ako ng breakfast na hinanda ni Kuya Zeus. After eating, toothbrush muna then punta sa garage. Instead of using a car, 'yong motor nalang ginamit ko tutal hindi naman ako nakasuot ng school uniform ngayon kaya okay lang.

Agad ko namang sinuot 'yong helmet ko at pinaandar na ang motor papunta sa school. Pagdating ko sa school, some students are staring at me. Like . . .hello? ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nagmamaneho ng motor?

Nang mapark ko na 'yong motor, dumaan muna ako sa locker room at nilagay 'yong helmet ko sa loob ng locker ko.

Himala yata at hindi ako sinalubong ng mga boys ngayon. Hindi ko nalang ito pinansin at nag patuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa GYM kung saan gagawin 'yong PE class namin.

Pagkadating ko sa GYM ay nagsimula na silang mag company call. Wews, muntikan pa akong mahuli ah.

"Ang aga niyo naman nag start" I said to Alucard nang makapunta ako sa linya.

"May pupuntahan daw kasi si Sir eh kaya maaga daw tayong magsisimula ngayon" he explained.

Tumango nalang ako at nakinig nalang sa instructions ni Si kung ano ang mga gagawin namin.

"Siguro, alam niyo na kung anong gagawin natin for this meeting. Well, sa mga hindi pa nakakaalam dahil absent that time when I announce this. Our activity for today is basketball" sabi ni Sir.

I've heard the reaction of boys na sobrang tuwa dahil basketball and some girls naman na parang sinakluban ng langit at lupa ang mga mukha.

"Wala ka yatang reaction, Pres ah?" biglang tanong ni Jane sa'kin.

"Huh? Ano kasi... Alam ko na kasi na basketball kaya hindi na ako nagulat" natatawang sabi ko sa kanya.

Sir gave us the instructions kung ano ang mga dapat naming gawin. He even gave us the sets of activities which are dribbling, shooting, and passing.

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon