ALEXA's POV
Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad naman akong sinalubong ng dalawang tigre. Feeling mga aso lang eh 'no? Gutom na siguro ang mga 'to.
"Hindi ba kayo pinakain ni Alexzeus? Naku! Malilintikan talaga sa'kin 'yong lalaking 'yon" sabi ko sa mga alaga namin.
Pumasok na ako sa bahay and sunod naman nang sunod sa'kin 'yong dalawa. Nilapag ko muna 'yong mga binili ko sa mesa tapos kumuha ng karne sa fridge. May sariling budget sa karne talaga 'tong dalawang 'to.
"Come on, babies" tawag ko sa dalawa.
Sumunod naman sila sa'kin sa labas. Tapos binigay ko na sa kanila 'yong karne. Sanay naman akong mag hand feed sa kanilang dalawa since they're both gentle. Well, others think it's dangerous pero parang wala lang naman ito sa'kin.
"Maiwan ko muna kayo. Enjoy eating and h'wag mag away dahil sa pagkain!" sabi ko sa kanila.
Bumalik na ako sa loob ng bahay at inarrange 'yong mga binili ko. Nasaan ba 'yong lalaking 'yon? Pass 12 na ah? He should be here by now.
Napansin ko namang may sticky note sa fridge. "Princess, if you're reading this nandito ako sa HQ ngayon. Don't worry tapos na ako kumain." basa ko sa nakalagay sa note. Kaya pala tahimik dito sa bahay.
"Leo! Aiden!" tawag ko sa dalawa.
Agad namang tumakbo papalapit sa'kin ang dalawang maliit na tigre.
"Aalis muna ako. Pakabait kayo ah? Bantayan niyo bahay natin" sabi ko sa kanila.
Nag roar naman sila. Aww ang cute. I kissed their head before heading to the garage. I didn't change my clothes. Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta na sa HQ. It took 15 minutes bago ako makarating doon.
"Good afternoon, Agent Eagle" bati ng mga guard sa'kin.
Bakit ang dami yatang guards na naka kalat dito sa labas? Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng HQ. Iwinaksi ko nalang sa isipan ko kung bakit madaming guards ang naka kalat sa labas ng HQ. Pagpasok ko sa Field Department bigla nalang akong natigilan nang biglang—"Bakit ngayon ka lang?"
Agad naman akong napatingin sa likuran ko. Sobrang familiar kasi 'yong boses at hindi ako pwedeng magkamali.
"Dad?" I ask him.
"Hi there, Princess." sabi niya and open his arms. Agad naman akong lumapit sa kanya at yumakap.
"So, siya lang yayakapin mo?" Mommy said. Natawa naman ako at niyakap din siya.
"Sus, eto naman si Mommy. Syempre kasali ka" sabi ko nalang sa kanya.
"Eh 'yong kuya mo? Hindi mo ba yayakapin?"
I just rolled my eyes at him. Natawa naman mga parents namin. Ngayon ko lang napansin na nandito rin pala ang ibang agent ng Adult Division. Kaya pala maraming guards sa lahat ng HQ.
BINABASA MO ANG
The President's Secret
AcciónAt the age of 18 years old, Princess Alexandria Daphne Fordeux or Alexa is already working on a secret organization called The Organization X. She's working as a junior secret agent and at the same time she's still studying in a well-known school...