ALEXA's POV
It's monday morning and on the way na kami ni Miya sa school na pinapasukan niya.
"Grabe kapagod . . ." reklamo ni Miya.
Natawa naman ako. She's referring to her department.
"Kaya mo 'yan, bunso" sabi ko naman sa kanya
Tumango nalang siya.
"Allowance mo oh!" Sabi ko sa kanya sabay abot ng 200 pesos sa kanya.
"Salamat, Ate! Ingat po, Bye" sabi ni Miya tsaka pumasok na gate.
Napabuntong-hininga naman ako bago ulit pinatakbo ang kotse papunta sa school.
Nang makarating ako doon agad naman akong nag park at lumabas na ng kotse.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa room dala ang isang paper bag na may lamang damit ni Glent. Isasauli ko kasi sa kanya 'to mamaya after our class.
"Princess, ano 'yang nasa loob ng paper bag na dala mo?"
Agad naman akong napalingon sa nagsalita.
Patay!
Ang boys...
"Ahhmm . . . Ano . . . Ahhmm . . .Damit . . . Oo, tama. Damit na p-pinadala sa'kin ni Kuya hihi" sabi ko sa kanila
"Weh?" sabi nilang apat
"Kung ayaw niyong maniwala, edi wag! Tsk!" kunwareng galit ko na pagkasabi at tinalikuran sila sila tsaka nagpatuloy na sa paglalakad
"Ito naman, 'di mabiro" Johnson said.
'Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad
"Bakit wala si Alucard?" tanong ni Grace nang makapasok sa room
"Na admit kasi siya dahil nilagnat, mukhang nahawa yata ni Vale" sagot ni Lance.
~~~~
Natapos naman 'yong klase namin as usual reporting na naman. What do you expect in Education Program?
Hayyss
Lagi namang reporting 'yan. Walang katapusang reporting.
"Alexa, pupunta ka sa bahay?" tanong ni Johnson sa akin
Napataas naman ang isa kong kilay
"Ano namang gagawin ko sa bahay n'yo?" tanong ko sa kanya
Pinadilataan niya naman ako ng mata. Ah! Alam ko na kung ano 'yong tinutukoy niya.
Taena Alexa. Nahawa ka na yata sa pagiging slow ni Alucard.
"Mauna nalang kayo, may kailangan pa kasi akong gagawin" sabi ko sa kanila.
Kailangan ko pang isauli 'tong t-shirt ni Glent.
"You sure?" Granger asked me.
Tumango naman ako kaya umalis na sila. Sinundan ko naman sila papunta sa parking lot to make sure na nakaalis na talaga sila. Mahirap na baka kasi susundan nila ako. Edi issue na naman. Ma issue pa naman 'yong mga mokong na 'yon.
Nang nasiguro kong naka alis na sila. Napabuntong-hininga nalang ako at naglakad na papunta sa building ng Business Ad.
Huta! Kinakabahan ako... Parang natatae ako na naiihi na ewan dahil sa kaba.
GLENT's POV
Right after our class agad naman akong pumunta sa office namin para tapusin ang mga paper works na pinagawa sa'kin. Walang katapusang paper works.
Kasama ko nga pala dito sa loob ang ibang officers na busy din sa mga paper works nila.
"Hey guys"
Agad naman kaming napatingin sa pinto.
Si Kent lang pala na sobrang laki ng ngiti. Problema nito? Na ulol na yata ng tuluyan.
"Ang ingay mo, Kent" sabi ni Marie.
"Pake mo? Mag-ingay ka din kung gusto mo" giit naman ni Kent.
"Nagsimula na naman kayong dalawa. Kayo ha?!" Roselyn said tsaka tinaas-taas niya 'yong kilay niya.
Lagi talagang nag aaway 'yang dalawang 'yan. Hindi na talaga ako magtataka if one day silang dalawa ang magkatuluyan.
Napatingin naman sa akin si Kent tapos bigla akong kinindatan.
Gago! Problema ng isang 'to? Gusto yata makatikim ng suntok ah?!
"Yuck!" Giit naman ni Marie nang makitang kinindatan ako ni Kent.
"Selos ka lang, kasi hindi ikaw ang kinindatan ko" Kent said at inirapan si Marie.
"Pag hindi pa kayong tumigil na dalawa, ibabato ko na talaga sa inyo 'tong printer. Mga hayop kayo" Inis na sabi ni Roselyn.
Nakaka highblood sila. The fuck!
"Ano?!" tanong ko kay Kent.
"May bisita ka sa labas" sabi naman ni Kent at bumalik na naman 'yong nakakaloko niyang ngiti.
Automatic namang nagsalubong 'yong dalawa kong kilay. Bisita? Kelan pa ba ko nagkaroon ng bisita dito? Parang ngayon palang ah?!
"Important transaction ba 'yan or not? Pag importante, papasukin mo dito pero paalisin mo then paki sabing busy ako kaya hindi ko siya ma e-entertain ngayon" sabi ko sa kanya at pinagpatuloy na 'yong ginagawa kong pag pirma.
"Nandito na siya, Glent" rinig kong sabi ni Glent.
"Anong kailangan mo?!" tanong ko sa kanya at tinaas ang tingin ko para makita ko kung sino 'yong bisitang sinasabi niya.
Pansin ko namang nakangiti nang nakakaloko 'yong mga demonyo kong kasama.
W-what is she doing here?
"S-sorry for the interruption... I-I just want to return this to you..." sabi nito pero nakayuko
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.
"Let's go outside" sabi ko sa kanya.
Na di-distract kasi ako sa mga tingin na pinupukol nila sa amin eh!
"Kaya ko namang lumabas nang mag-isa... Pumunta lang ko dito para isauli 'to sa'yo" sabi niya sa akin sabay abot ng isang paper bag.
Tiningnan ko naman kung anong laman nito.
'Yong damit ko lang pala na pinasuot ko sa kanya. Palihim naman akong napangiti dahil sa effort na ginawa niya. Hindi niya naman kasi kailangan isauli 'to eh.
Ang bait ng girlfriend ko hahahaha
Taena. Nababakla na yata ako pre."T-thank you, kasi 'di mo 'ko pinabayaan that night" Sabi ni Alexa
Napasinghap naman 'yong mga kasama ko. Maging ako ay nagulat din dahil sa sinabi niya.
"I mean... sa pagbayad ng bills" paglinaw niya.
I can see kung gaano na kapula 'yong mukha niya. Dahil siguro sa hiya?
Nagtuksuan naman 'yong mga gago kaya mas lalong namula ang mukha ni Alexa.
"Tsk!"
Hinila ko naman siya palabas ng office. Buti nalang at nagpahila naman siya.
"You don't have to do this, Alexa. Look at you?! Pinapahiya mo 'yong sarili mo oh?!" worried na tanong ko sa kanya.
Tangina.. Bakit worried ako nang napahiya siya? Glent. Umayos ka!
BINABASA MO ANG
The President's Secret
AçãoAt the age of 18 years old, Princess Alexandria Daphne Fordeux or Alexa is already working on a secret organization called The Organization X. She's working as a junior secret agent and at the same time she's still studying in a well-known school...