EPILOGUE

3.2K 76 7
                                    


1 year later...

ALEXA's POV

As usual maaga na naman akong nagising ngayon dahil sa masama na naman ang pakiramdam ko.

Agad naman akong tumakbo papunta sa CR at doon sumuka.

"Baby, are you okay?" tanong sa'kin ni Glent.

Sumunod pala siya dito. Tumango naman ako.

"Pa check up nalang kaya tayo mamaya? Almost 1 week ka nang ganyan eh" worried na tanong niya habang hinihimas 'yong likod ko.

Nandito na pala kami sa sarili naming bahay ni Glent ngayon. Dito na kami tumira kasi nakakahiya naman kung doon pa kami sa dating bahay namin 'di ba? Kasal na kami tapos makikitira pa kami doon? Nah!. Pumupunta parin naman kami doon para pumasyal at bisitahin si Miya.

After kong sumuka tumayo na ako at nag toothbrush. Sinabayan naman ako ni Glent

"Happy 1st wedding anniversary, Baby" nakangiting bati niya sa'kin after naming mag toothbrush

"Happy 1st anniversary sa'tin, Baby" sabi ko sa kanya.

"Oh, bakit ka malungkot?" tanong niya sa'kin.

"It's our wedding anniversary but it is also the death anniversary of Steffy and Justin" sabi ko sa kanya.

Yup, it's been 1 year simula no'ng kasal namin at nangyari ang hindi namin inaasahan na manyayari. Justin and Steffy saved us from Armando kahit buhay nila ang naging kapalit. Speaking of him. Patay na din siya ngayon kasi pinatay siya ni Kuya Alex.

"Dalawin nalang natin sila after ng check up mo" sabi niya sa'kin.

Tumango naman ako. Lumabas na kami ni Glent at sabay na pumunta ng kusina. He prepared the breakfast for us. As always, since no'ng kinasal kami siya na naging kusinero dito sa bahay hahaha. Lumapit naman ako sa fridge at kumuha ng white chocolate

"Kumakain ka na naman niyan! Hindi ka pa nga kumakain ng breakfast, kumain ka na ng chocolate" sabi niya sa'kin nang nakapamaywang pa

Inirapan ko nalang siya at nilantakan na ang chocolate na hawak ko. I don't know but lately naging matakaw na ako sa white chocolate kaya hindi kami nauubusan ng stock sa fridge hihihi

~~~~~

Nandito na kami sa Bry's International Hospital ngayon para sa check up ko. Nga pala, graduate na kami ni Glent ngayon kaya focus na kami sa trabaho namin as agent. Kahit busy kami sa mga mission namin hindi parin namin napapabayaan ang academics namin kaya naging Magna Cum Laude kaming dalawa ni Glent at Cum Laude naman ang ML Squad.

"Mr and Mrs. Montecarlos?" tawag ng doctor sa'min.

"Bakit po, Doc? Ano'ng nangyari? Masama po ba ang naginh result ng check up ng wife ko?" paranoid na tanong ni Glent sa doctor.

Napailing naman ito.

"Then what? Ano'ng nangyayari sa wife ko at bakit siya nagsusuka?" tanong niya. Kulang nalang kwelyuhan niya ang doctor.

"I would like to congratulate the both of you. Mr. Montecarlos you're gonna be a daddy soon. Your wife is 2 months pregnant" sabi ng doctor.

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon