GLENT's POV
Nandito kami ni Tito sa garden ng bahay nila kakausapin niya daw kasi ako
"Bakit po? Ano po pala 'yong sasabihin niyo sa'kin?" tanong ko sa kanya.
"Do you really love my daughter?" direktang tanong niya sa'kin.
"Opo, mahal na mahal ko po ang anak niyo. I love her more than I love myself" sagot ko.
Tumango naman siya at ngumiti.
"Ano'ng plano mo ngayon? Monthsary niyo bukas 'di ba?"
"Yes po, Tito. Actually I'm planning to surprise her" sabi ko.
Sinabi ko naman sa kanya ang buong plano na gagawin naming magkakaibigan bukas.
"Ito malupet na suggestion!" sabi niya at tumawa ng mahina.
Naguluhan naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ano'ng suggestion po?"
"Since, alam kong mahal na mahal mo talaga ang anak ko and actually nakausap ko na ang daddy mo regarding with this and pumayag naman siya" sabi ni Tito na siyang naging dahilan para mas malito ako.
Ano'ng ibig niyang sabihin at bakit madamay pa si Dad?
"Po?"
"Instead of surprising her for a monthsary. Make it a proposal" nakangiting sabi ni Tito sa'kin.
"Po? Masyadong maaga pa po para dito eh!" sabi ko sa kanya.
Tumayo naman si Tito at tinapik ang balikat ko.
"Wag ng mag inarte hijo, kami na mismo 'yong nag alok sa'yo na pakasalan ang anak namin oh!" sabi niya.
Tumango nalang ako at ngumiti.
Like woah? Seryoso? Panaginip lang ba ang lahat ng ito?
Sumunod nalang ako kay Tito sa loob ng bahay nila.
"Okay ka lang? May sinabi ba si Dad na hindi maganda?" curious na tanong sa'kin ni Alexa.
"Wala naman" sabi ko nalang at nginitian siya
"Sure ka? Eh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya.
"Bakit ano bang meron sa mukha ko?" tanong ko sa kanya.
"Para kang natatae na ewan" sabi niya at tumawa ng malakas
"Hoy! Di ah" sabi ko naman.
Natapos naman 'yong araw at hindi parin ako naka move on sa sinabi sa'kin ni Tito.
ALEXA's POV
Today is saturday and na bo-bored na din talaga ako dito sa bahay ngayon.
Walang mission na dumadating para sa'kin. Wala din akong makakausap kasi nasa Headquarters sina Mommy at Daddy kasama sina Kuya at Miya. I'm planning to go there kaso ginamit nila 'yong kotse at motor ko kaya wala akong masakyan. Tinatamad din ako and lastly, hindi rin nagpaparamdam sa'kin si Glent mula kaninang umaga. Kahit good morning man lang wala talaga. Nakaka bwesit lang eh!
*Phone rings*
Naka kunot noo ko namang nilapitan ang phone ko na naka charge malapit sa bed side table.
Steffy calling...
Agad ko naman itong sinagot.
"Yes? ... Ah sige... mag commute nalang ako...Sige sige... I'll just take a shower for a while" sabi ko kay Steffy at binaba na ang tawag.
Pumasok na ako sa banyo para maligo at mag ayos sa sarili ko. After kong magbihis, lumabas na ako ng bahay. Sinigurado ko namang naka lock ito pati 'yong gate. Mahirap na baka manakawan pa.
"Himala yata at naglakad ka lang ngayon, Lexa" sabi ni Kuya Guard sa'kin.
"Dinala nila lahat 'yong sasakyan eh" sabi ko nalang.
Natawa naman siya.
After a minute, pinara ko na 'yong papalapit na taxi.
"Kuya, sa Kevs mall nga" sabi ko sa driver.
"Okay po, Ma'am" sabi ni Kuyang Driver.
Habang nasa byahe nakatingin lang ako sa phone ko. Umaasang may darating na message galit kay Glent pero wala talaga eh, It's already 10 in the morning pero wala talagang text or missed call galing sa kanya.
Pagkarating namin sa mall agad ko namang inabot 'yong bayad at bumaba na sa taxi. Wala pa si Steffy kaya naman nag antay nalang ako sa kanya para sabay na kaming pumasok.
"Ahhmm. Excuse me, Miss" sabi sa'kin ng isang babae.
"Po?" I asked her.
"I'm going to have a flower shop soon..." panimula nito
"Wow, magandang business po 'yan" nakangiting sabi ko naman sa kanya.
'Di ako plastic ah? Baka isipin niyong nagpa-plastican lang ako dito.
"Can I ask your suggestion kung ano'ng magandant bulaklak especially for wedding celebration?" tanong niya sa'kin.
Napa isip naman ako bigla dahil sa tanong niya
"Hmmm. Kung ako ang ikakasal I would prefer pink roses" sabi ko sa kanya
"Thank you for the the suggestion, Miss. Have a nice day" sabi nito at nagtanong naman siya sa ibang babae.
After few minutes, dumating na rin si Steffy. Nakipag beso-beso naman siya sa'kin.
"Himala yata at hindi mo kasama si Justin ngayon"sabi ko sa kanya.
"Hay naku! Busy siguro 'yon sa kabet niya. Kaninang umaga pa hindi nagpaparamdam eh!" sabi niya sa'kin.
"Magkaibigan nga silang dalawa" sabi ko naman.
"So, hindi rin nagpaparamdam sayo si Glent. Simula kaninang umaga?" tanong niya sa'kin.
Tumango naman ako.
"Ano'ng kalokohan na naman kaya ang ginawa ng dalawang 'yon?"
BINABASA MO ANG
The President's Secret
ActionAt the age of 18 years old, Princess Alexandria Daphne Fordeux or Alexa is already working on a secret organization called The Organization X. She's working as a junior secret agent and at the same time she's still studying in a well-known school...