CHAPTER 34

1.4K 50 8
                                    

HENREX's POV

"Anak, sigurado ka ba d'yan sa gagawin mo?" worried na tanong sa'kin ni Mama

Tumango naman ako at nginitian siya

"Opo, ma. Malaki din ang sweldo nito ma. Sayang naman kasi 'yong opportunity kapag hindi ko 'to tinake" sabi ko sa kanya.

"Kung makapagsalita naman 'to. Bahala ka nga d'yan. Tutal malaki ka na to have your own decision. Nandito lang kami ng papa mo to support you" sabi ni mama.

Speaking of papa . . .

Kailangan ko pa palang magpaalam sa kanya

"Ma, asan po ba si papa?" tanong ko kay mama.

"Nasa company" maikling sagot nito.

Tumango nalang ako at nagpaalam naman ako sa kanya at pumunta na sa company owned by our family. Pagdating ko doon binati naman ako ng mga empleyado kaya naman nginitian ko nalang din sila at pumunta agad sa opisina ni papa.

"Pa, pupunta akon—"

Tinaasan naman ni papa 'yong kamay niya kaya napahinto ako sa pagsasalita.

"Tinawagan na ako ng mama mo, you may go. Mag-iingat ka lang and salamat na din sa pagpunta dito, anak" natatawang sabi ni papa.

Napa face palm nalang ako. Nagpaalam na ako kay papa at bumalik na sa parking lot tsaka sumakay sa kotse ko.

Papunta na ako sa ta-trabahuan ko ngayon. Actually first day namin ngayon. I feel so lucky na nakasali ako sa nabigyan nang pagkakataon na makapag trabaho dito kasi simula pagkabata gustong-gusto ko talaga 'to.
And it's a dream come true now. Kaya sobrang saya ko talaga ngayon.

Nag park na ako pagkadating ko doon at bumaba na agad tsaka naglakad.

"Trainee?" tanong ng guard sa akin.

Tumango naman ako

"This way, sir" sabi niya sabay turo ng daan

Nang makapasok ako sa isang GYM. Nagulat ako dahil sa sobrang dami ng tao na nandito na loob. Naabutan pa nga kami ng lunch dito buti nalang at may pa free lunch sila na buffet style. Nakaka bilib sila kasi na cater nila kaming lahat na nandito and I've heard na 300 kaming lahat na nandito sa GYM

It's almost 1 hour or two na paghihintay nang biglang bumukas ang pinto ng GYM.

May mga taong nakatayo doon. Parang mga officials yata dito. May mga ka edad lang din namin ang nandoon. Napako naman ako sa kinauupuan ko ng mapansin ko ang babaeng nasa unahan. Hindi ako pwedeng magkamali pero anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito?

Naglakad na sila papunta sa stage

"Good day! New Agents" sabi ng isang lalaki.

"Did you enjoy the free lunch?" tanong nito sa amin.

Nag yes naman kami as a response to him.

"Let me introduce our Departments first. We have Field Department, Medical Department, Monitoring Department and Technical Department." sabi nito sa amin.

"Let's start with our department first since I'm the one holding the microphone. Okay lang ba 'yon Agents?" natatawang tanong nito sa mga kasama niya

Tumango naman sila

"By the way, I'm Sir Bryan, your Field Information Officer. She's Miss Jane. Head Agent nang Field Department . . ." sabi nito sabay turo sa isang babae

Kumaway naman ito sa amin.

"She's Miss Angelica, your Field Strategy Officer" sabi ulit nito sabay turo sa isa pang babae.

Tumango lang 'yong babae sa amin tsaka ngumiti.

"And last but not the least, the beautiful, talented, strong and unstoppable woman when in comes to missions. Field Agent Alexa . . . " Kumaway naman si Alexa sa amin

"She will be the one who gonna handle the Field Agents. Field Agents be good on your instructor" Sir Bryan said.

Halata naman sa mukha ni Alexa ang pagkabigla sa narinig niyang magiging instructor namin siya pero agad naman itong nakabawi at tumango tsaka ngumiti.

Pa simpleng estudyante lang siya sa school pero isa pala siyang agent. Wow! Pa'no niya na ha-handle ang gan'on?

Nagpakilala naman 'yong iba pang departments.

Nang matapos sila pinapunta na nila kami sa mga departments namin. Mas marami kaming nasa Field department.

"Welcome to hell, babies" Alexa said.

Natawa naman kami.

"Just kidding. Welcome to Field Department, Agents!"  bati nito sa amin.

Binati naman namin siya pabalik

"Kindly follow me" sabi niya tapos naglakad palabas nang GYM kaya naman sinundan nalang namin siya.

Pumasok naman kami sa loob ng Head Quarter. Wow! Ang ganda dito sa loob tsaka ang laki.

Maraming agents na mga palakad-lakad na mukhang mga busy. Nakita ko pa nga ang kambal ni Alexa na may dalang folder habang kausap ang isang babae.

"Daph, gising na daw si Alucard sabi ni Doc Ella"

Napatingin naman ako sa nagsalita. ML Squad is also here pero hindi ko nakita si Vale and anong gising na si Alucard?

Tumango naman si Alexa.

"Bibisita nalang ako sa kanya mamaya. Just tell him na wag masyadong malikot and magpahinga lang muna siya" sabi ni Alexa kay  Lance.

Tumango naman ito at agad na tumakbo papunta sa isang pasilyo na may nakalagay na

› Infirmary ‹

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang room

Field Agent Lounge

Basa ko sa nakalagay sa itaas ng pintuan. Pumasok naman kami doon then Alexa told us to sit down na siyang sinunod naman agad namin.

Alexa gave us a brief orientation regarding on the department's rule and regulations.

Agad naman namin itong nakuha kasi hindi naman gan'on ka hirap e-memorize

"To those who wants to be part on the
Mission team, please occupied this side and to those who wants to be part of the Intel team, kindly occupied this side as well" Alexa instructed us.

Well, gusto ko sana sa mission team kaso mukhang life is on the line. Hindi naman ako takot sa mga gan'ong sitwasyon pero mas pinili ko nalang na sumali sa Intel team kasi mula pagka bata pangarap ko na talaga ang maging isang Intel Agents tulad ng mga napapanood ko sa mga movies.

Those disguise is so cool.
Pansin ko din na mas marami ang umupo sa side naming mga Intel Agents kesa sa Field agents and bruh! Wag ka. Maraming chix sa'min kesa sa Field Agents hahaha kaya okay na din na nandito ako sa Intel team.

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon