CHAPTER 80

1.7K 40 0
                                    

GLENT's POV

Finally, dumating na 'yong araw na pinakahinihintay ko. Ang araw na makikita ko ang babaeng pinakamamahal ko na lumalakad sa Aisle nitong simbahan kasama ang parents nila.

"Bro" sabi sa 'kin ni Justin sabay abot ng panyo.

Agad ko namang kinuha 'yong panyo at pinunasan ang mga luha ko.

Sinalubong ko naman sina Tito at Tita kasama si Alexa. Nagmano muna ako sa kanila.

"Ingatan mo, Prinsesa namin" Sabi sa'kin ni Tito.

"Pag 'yan sinaktan mo. Babalik ka rito sa simbahan na 'to para iburol" banta naman sa 'kin ni Tita.

Natawa naman ako.

"Hinding-hindi ko po sasaktan ang anak niyo, Tita" sabi ko sa kanya.

Tumango naman sila at binigay na nila sa 'kin ang kamay ni Alexa at pagkatapos umupo na sila.

"You look so gorgeous today baby" sabi ko kay Alexa tsaka ito nginitian.

"Alam ko" sabi niya at inirapan ako.

Maatitude pucha hahaha.

Nandito na kami sa harap ng altar ngayon.

"Good morning, Brothers and Sisters. Nandito tayo ngayon para masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Glent at Alexa" panimula ng Pari.

"Bago tayo tuluyang magsimula sa kasalang ito. Nais ko lang itanong kung may nais bang tumutol sa pag-iisang dibdib ng dalawang 'to? Sumagot na kung meron man" tanong ng Pari.

"WALANG TUMUTUTOL KAYA UMPISAHAN NA" sigaw ni Lance

natawa naman ng bahagya ang Pari dahil sa pagsigaw ni Lance. Tumango nalang siya at sinimulan na 'yong seremonyo hanggang sa pagpalitan namin ng I do's at tsaka Wedding vows ni Alexa.

"And now I declared you as husband and wife" sabi ng pari.

Tiningnan ko naman siya at tinaasan ng isang kilay kaya siya natawa

"You may now kiss the bride" sabi niya sa'kin at sumenyas na halikan ko  na si Alexa.

Agad ko namang tinaas ang veil ni Alexa at hinalikan ito

Napuno naman ng palakpakan at hiyawan.

"Sana all"

Natawa naman kami dahil sa sinabi ng pari

Nagpasalamat muna kami sa kanya at nag pa picture para remembrance.

At last! Alexa is my wife now. Picture taking muna kami with our parents tapos ninongs and ninangs then mga bisita and lastly hindi mawawala ang squad at mga jowa nila.

'Yong tipong maayos ang pose namin ni Alexa pero sila parang mga sinaniban kasi kung ano-anong klaseng pose ang ginawa

"Pre, apo na kasunod nito" sabi naman ni Daddy kay Papa.

"Sabi mo pa, pre" sabi naman ni Papa.

Excited sila masyado eh! Wala pa ngang reception at honeymoon. Nasa apo na kaagad silang dalawa. Advance mag isip eh hahaha

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon