CHAPTER 6

2.4K 82 1
                                    

ALEXA's POV

Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Charot hahaha. Naka sarado 'yong bintana ko and may kurtina pa. Actually nagising ako dahil sa alarm clock ko and don't worry hindi ako katulad sa iba na tinatapon 'yong alarm clock kapag gigising.

Niligpit ko muna 'yong higaan ko bago tumayo before pumasok sa banyo. My room has it's own bathroom kaya hindi na ako nahihirapang pumunta pa sa main bathroom namin. Naligo na ako then do my morning routine. Well, regarding to my morning routines, hindi naman ako natatagalan kasi hindi naman ako maarte sa katawan at mukha ko. Suklay, lagay ng baby powder sa mukha and 'yong kilay ko? No need to draw kasi natural 'to.

After kong mag ayos, nagbihis na ako ng school uniform and pumunta sa dining area kung saan nakita ko ang kambal ko na hindi pa rin nakabihis. Nakatapis lang siya sa pang-ibaba niya and may tumutulo pang kunting tubig mula sa buhok niya. Wet look ang kuya niyo, Girl. Benta ko kaya ang isang 'to? Siguro ang laki ng kikitain ko kapag ganoon hihi. May abs 'yan mga beh. Bilhin niyo na para pang allowance ko lang.

"Morning" bati ko sa kanya

"Morning" he greeted me back and inabot sa'kin 'yong pandesal at coffee na inihanda niya para sa'kin.

"How's your hand?" tanong niya bigla.

"Kuya naman, OA ka na ha? sabing okay lang 'to eh! kahapon ka pa" medyo naiinis na sabi ko sa kanya

Tumawa lang siya dahil sa sinabi ko. Tingnan niyo? matino bang kausap ang ganyan? naku naku naku! ibebenta ko na talaga ang isang 'to.

"Bilisan mo nalang d'yan ayaw kong ma late" mataray na sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at pumunta na sa room niya. After 5 minutes lumabas na siya wearing his uniform. Magkaiba kasi 'yong uniform namin sa school. Naka depende kasi sa course. And again, just like yesterday. Sasabay ulit ako sa kanya ngayon papuntang school kahit may sarili naman akong kotse. Nambuburaot ako ng gasolina eh bakit ba?. Hayaan niyo na isang school lang din naman pupuntahan namin eh. Agad naman kaming pumunta sa garage kung saan naka park 'yong kotse naming dalawa.

When he drives nakakarating kami sa school in just 30 minutes pero kapag ako nag drive it only takes 15 minutes. Frustrated drag racer 'to eh, pero balewala lang naman kay Kuya 'yong pagmamaneho ko kasi sanay na siya. Pagdating namin sa school, bumaba na ako sa kotse niya at siya na ang nag drive papunta sa building nila.

As usual, sumulpot na naman 'yong anim ko na bodyguard but this time hindi sila makulit.

"Morning" bati ko sa kanila.

"Morning din" bati nila pabalik sa'kin.

"Napano kayo?" I asked them. Parang binagsakan sila ng langit eh.

"Lack of sleep" halos magkasabay pa nilang sagot.

"Bakit? Hindi ba kayo natulog pagkauwi niyo? Mas nauna pa nga kayong umuwi kesa sa'min?!" tanong ko sa kanila.

"Side mission" JS said at humikab pa.

Tumango naman ako. Habang nasa hallway kami papuntang classroom. Some students are still staring at us lalo na sa'kin. Judge me if you want. Wala akong pakealam. Hanggang titig lang naman 'yan sila eh. Wala kasing naglalakas loob na lumapit sa'min or sa'kin. Hindi naman kami bully pero ewan ko ba kung bakit umiiwas sila. Nandito na pala kami sa tapat ng room ngayon and kunti palang 'yong tao

"Good morning" bati ko sa kanila.

"Good morning, pres"

"Oh? anyare sa mga bodyguard mo, pres? zombie mode yata sila ngayon ah" Angel said habang nakatingin sa boys na pumunta sa upuan nila.

"Hayaan mo nalang sila. Baka lumandi ang mga 'yan kagabi" natatawang sabi ko sa kanya.

After 3 minutes, dumating na ang instructor namin for grammars, pagkapasok niya agad naman siyang nagsimula sa lectures niya. Buti hindi niya napansin na tulog 'yong anim sa likod. In the middle of her discussion bigla nalang may babae na nag excuse sa kanya. Our instructor give an attention to the girl first. We saw that the girl handed her a note. After reading it, tumango lang ang instructor namin at binigay ulit sa babae 'yong note.

"Okay class. Since, we'll be having an emergency meeting at the faculty room. I'll leave you a seatwork to do by pair and Ms. Fordeux, kindly facilitate your classmates" utos ni Prof. sa'kin.

"Paki facilitate nalang ako sa kanila, Alexa. I will give your special activity tomorrow" Prof said sabay abot sa'kin ng fact sheets and tasks na gagawin ng mga classmates ko.

"Sige po" sabi ko naman sa kanya.

"Class, please listen to Alexa" sabi ni Prof. bago siya tuluyang umalis.

"This is a pair work, so, obviously find your partner" I instructed my classmates.

After they find their own partners for the activity binasa ko naman kung ano 'yong dapat nilang gawin. Ganito naman lagi ang nangyayari sa'kin kapag may meetings ang mga instructors eh. Sa'kin lagi pinapasa 'yong responsibilidad nila as instructors. Well, wala naman akong magagawa about sa bagay na 'yon kasi I'm their class president.

After 30 minutes of doing their tasks sinabihan ko na ang mga classmates ko na e report 'yong ginawa nila since ganoon ang nasa instruction. Parang teacher na talaga ako dito. Ako rin 'yong nag rate sa reporting nila mabuti nalang talaga at mababait 'tong mga classmates ko kahit may iilang boys na pasaway but nakikinig pa rin naman sila sa'kin kapag sinusuway ko sila. Sakto namang natapos na 'yong reportings bago tumunog ang time bell.

"Pres, may tasks ba na gagawin sa next subject?" Brient asked me.

"So far, wala pa namang instruction na dumating sa kin kaya relax lang muna tayo" sabi ko sa kanya.

"Pres, pwede kami maglaro ng ML?" tanong naman ni Micheal.

"Yes, you can play but please h'wag kayong sumigaw baka kasi may ginagawa 'yong Math at Science major"

"Oh guys, tara rank game. Ako na tank" Micheal said.

Hays the struggle of being a class president is real. Pinapanuod ko lang 'yong mga classmates ko na busy sa kani-kanilang business, may nag e-ml, tiktok, nanunood ng K-Drama, soundtrip at 'yong anim na tulog ulit.

"Mukhang puyat na puyat bodyguards mo ah?" Rhyme said nang makalapit siya sa'kin. He's our vice president.

"Baka hang-over lang." sabi ko naman sa kanya.

Palusot ko lang 'yong unimon sila kasi you know na.

"Kaya naman pala ang himbing ng tulog" natatawang sabi ni Rhyme.

"Hayaan mo na. Wala rin naman tayong klase eh" sabi ko naman sa kanya.

Liar of the year award goes to me. I'm just protecting our identity naman kaya okay lang 'yon. You know.. white lies

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon