ALEXA's POV
Pagkatapos namin sa mission namin. Naging busy naman kami sa HQ for the whole day ang daming mga papeles na ginawa."Daph" tawag sa'kin ni Rex.
"Can I ask you a question?" tanong niya sa'kin
Nandito nga pala kami sa Field Department Lounge ngayon kasama 'yong ibang field agents na busy sa kanya-kanyang mga ginagawa
"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Wag mo sanang masamain 'yong magiging tanong ko" natatawang sabi niya dahilan para ma curious ako sa itatanong niya sa'kin.
"Ano'ng klaseng tanong ba 'yan?" natatawa ko ding tanong sa kanya.
"A-anong meron sa inyong dalawa ni Glent?"
Natigilan naman ako dahil sa tanong niya
"Bakit mo natanong?" tanong ko sa kanya
"Curious lang ako" sabi niya
"Ahh, nililigawan palang niya ako", sabi ko sa kanya.
"Kaya pala parang sobrang sweet niya sayo" sabi ni Rex sa'kin.
Tumango nalang ako at pinatuloy na 'yong ginagawa ko.
It's already 8 PM and nandito parin kami sa HQ ngayon. Tambak talaga 'yong mga gawain namin.
Maraming agents na din ang umuwi but still nandito parin kami nina Kuya .
Dito nalang siguro kami matutulog
"Sis, Dinner muna tayo?" Tanong sa'kin ni Miya.
"Sure. Gutom na din naman ako eh. Ikaw, Bro?" tanong ko kay Kuya.
"Tapos na ako kumain eh" Kuya Alex said.
"Ahh sige" sabi namin ni Miya.
Umalis naman agad kami ni Miya at pumunta na sa dining hall para mag dinner na.
~~~~~~~
Kinabukasan maaga naman akong nagising at pinagpatuloy na ulit 'yong ginawa ko kagabi.
Malapit na kasi akong matapos.
"Hindi kayo umuwi?" tanong ni Bernadeth sa'kin pag pasok niya sa Lounge
"Hindi" sabi ko sa kanya
"Grabe naman 'yan!" natatawang sabi niya sa'kin.
Natawa nalang din ako.
Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi muna ako sa bahay. Tapos na kasi mga gawain ko sa HQ. Uuwi na ako kasi may report pa akong gagawin para sa school.
Stress na stress na ako hahaha
Pagdating ko sa bahay, agad na akong umakyat sa kwarto ko para maligo muna, pagkatapos kong maligo at mag ayos sa sarili ko.
Umupo na ako sa harap ng computer at sinimulan na 'yong report na gagawin ko.
Sa kalagitnaan ng ginagawa ko bigla nalang nag ring 'yong phone ko.
Asong ulol calling....
Ano na namang trip nito?
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Asa'n ka?" tanong niya sa'kin.
"Nandito sa bahay. Gumagawa ng report" sabi ko sa kanya.
"Pwede ka bang lumabas saglit?" tanong niya sa'kin
"Ano'ng kalokohan na naman 'to, Glent?" tanong ko sa kanya.
Natawa naman siya
"Labas ka lang baby, please" sabi niya sa'kin
BINABASA MO ANG
The President's Secret
ActionAt the age of 18 years old, Princess Alexandria Daphne Fordeux or Alexa is already working on a secret organization called The Organization X. She's working as a junior secret agent and at the same time she's still studying in a well-known school...