ALEXA's POV
Nandito na kami sa hallway ngayon.
Sinusundan lang namin ni Cyrish kung saan kami dadalhin ng Samuel na 'to. Kinalabit ko naman ang kasama ko kaya agad siyang napalingon sa'kin.
"Stay on guard" bulong ko sa kanya kaya naman tumango siya.
Hindi kasi namin alam kung mababait ba ang ibang mga tao rito o kasing sama ng may-ari nitong mansyon.
"Bakit pumunta pa kayo rito?" walang emosyong tanong ni Samuel sa'min.
"Bakit naman? Naghahanap kami ng trabaho eh" Cyrish said.
"Hindi niyo talaga alam ang lugar na pinasukan niyo. Hindi niyo ba alam na pwede kayong mapahamak dito?" seryosong tanong niya.
"H-hindi eh. A-ano palang meron dito? Wala naman sigurong killer sa mansyon na 'to hindi ba? Or mga multo?" Cyrish ask na kunwareng takot. Best actress talaga ang isang 'to kahit kailan.
"I'm warning you girls. Dapat hindi na kayo pumunta pa rito" Samuel said.
"Are you hiding something here?" I asked him.
Pagkagulat naman ang biglang gumuhit sa pagmumukha niya nang marinig akong nagsalita.
"You can talk?" gulat na tanong niya sa'kin.
"H'wag mo akong tanungin pabalik. Answer my question first before I'll answer yours" sabi ko sa kanya.
"Let's not talk about it here" sabi ni Samuel.
Naglakad ulit siya at may binuksang pinto.
"Sam— sino sila?" tanong ng isang babae na nasa loob ng kwarto habang nagsusuklay. Bagong ligo kasi siya.
"Sila 'yong mga bagong katulong dito" Samuel said and lock the doors.
Ngumiti naman 'yong dalawa.
"Guys? What's the meaning of this?" Cyrish said na medyo natatakot. I just rolled my eyes.
"That's not effective with me" sabi ko sa kanila at tinaasan sila ng isang kilay.
"Attitude ka talaga kahit kailan, Sis" Cyrish said
"Oh, before I forgot . Lemme introduce ourselves. Nakakaintindi naman siguro kayo ng english 'di ba?" Cyrish added.
Natawa naman 'yong dalawa.
"Malamang" magkasabay pa nilang tugon.
"Ayown naman pala eh, so. I'm Hannah Cassandra and this maattitude girl standing right next to me is no other than Lhian Pauline" pakilala niya using our fake names na naisip niya rin kanina habang nasa sasakyan kami.
We just use that name to cover our real identity. Nagpakilala naman sa'min 'yong dalawa and ngayon lang namin nalaman ni Cyrish na magkapatid pala sila.
BINABASA MO ANG
The President's Secret
AçãoAt the age of 18 years old, Princess Alexandria Daphne Fordeux or Alexa is already working on a secret organization called The Organization X. She's working as a junior secret agent and at the same time she's still studying in a well-known school...