ALEXA's POV
Naging handa naman kami para sa mga kalaban na dadating.
After a while, may narinig na naman kaming helicopter at bumaba mula rito sina Johnson, Lance, at Granger. Ayos din kasi may dagdag back up kami. The 3 boys hold the 3 oldies habang tinutukan ng baril sa ulo.
"Subukan mong pumalag. Sasabog talaga 'yang bungo mo" sabi ni Lance kay Fernando.
Pagkalabas namin sa opisina ay kaagad naman kaming napayuko dahil sa putok ng mga baril.
"Is everyone safe?" tanong ni Kuya sa'min
"So far" maikling sagot ko.
"Just be alert. If may humarang na kalaban don't hesitate to shoot them" Kuya instructed.
Naglakad na kami palabas ng mansyon. Sh*t! Ang daming ngang kalaban dito. Tahimik naman kaming naglakad nang bigla nalang -
"MGA TANGA! ANO PANG HINIHINTAY NIYO? BARILIN NIYO SILA" biglang sigaw ni Fernando.
Napangiwi naman si Lance at biglang siniko ng malakas ang pagmumukha ni Fernando dahilan para mawalan ito ng malay. Hindi na kami nagtago pa, tutal alam na rin naman nilang nandito na kami. Nakipagpalitan na rin kami ng putok sa mga guards ni Fernando. I thought 'yon lang ang kalaban namin but marami rin pala sa labas ng mansyon pero okay lang dahil nandito rin naman 'yong ibang agents na kumakalaban sa kanila.
"We've got the target! Let's move out" sabi ko sa kanila.
Agad namang nagsitakbuhan 'yong ibang agents palibot sa'min para protektahan kami. After a minute agad namang may mga van ng organization at police car ang pumasok sa loob.
Bumaba naman ang chief of police at nag bigay salute sa'min, so we did the same to him.
"Ipasok niyo na 'yan sa loob" sabi ni Kuya sa tatlo.
"Sir, please put those 3 in maximum security" Kuya said to the police.
"Makakaasa ka d'yan, Agent Falcon" the policeman said and salute to my brother.
"Sir, Please make sure na safe na 'yong mansyon" sabi ko naman sa isang pulis at tumango naman siya bago umalis papasok sa mansyon.
Umalis na agad kami ng mansyon nila Samuel. Pagdating namin sa HQ ay agad akong dumiretso sa Infirmary to check Vale's situation.
"Don't worry, Ate Alexa. Kuya Vale's gonna be fine"
Agad naman akong napalingon sa likuran ko. Si Miya lang pala kasama si Ate Ella.
"Ano 'yang suot mo?" tanong ko kay Miya. Since she's wearing a lab coat tapos naka suot ng tulad sa isang nurse.
"Tinutulungan ko po si Ate Ella. Hindi ba, Ate Ella?"
Tumango naman si Ate Ella as an approval.
"Nakitaan ko kasi siya ng potensyal na maging isang nurse kaya sinali ko na rin siya sa team ko, mas marami mas masaya" Ate Ella explained.
"That's a good news then" sabi ko at nginitian si Miya.
"Successful naman po 'yong pagkuha namin ng bala mula sa likod ni Kuya Vale and he needs to rest nalang po para tuluyang gumaling 'yong sugat dulot ng operasyon and dahil dito hindi po muna siya makakapasok sa school nang ilang araw." Miya said.
"Para ka na talagang professional nurse ah?!" natatawang sabi ko sa kanya.
"Naman, Ate. Kailangan kong e career 'tong work ko" sabi niya sa'kin.
Napalingon naman ako sa wall clock. It's already 4 in the afternoon
"Anong oras ba out mo rito sa infirmary?" I asked her.
BINABASA MO ANG
The President's Secret
AzioneAt the age of 18 years old, Princess Alexandria Daphne Fordeux or Alexa is already working on a secret organization called The Organization X. She's working as a junior secret agent and at the same time she's still studying in a well-known school...