"Isang term lang Luna, pumayag kana." pakiusap sa akin ni Samantha.
"Ayoko nga." agad na sagot ko at hindi ko man lang pinag-isipan yung offer niya.
"Luna, gusto ko lang naman magpahinga. Ayaw rin ni Yael eh." pakikiusap niya pa ulit.
Ang akala naman netong babaeng 'to eh sobrang dali ng gusto niyang mangyare. She's asking me to be the president of the Masteral International University, she's trying to convince me dahil last year pa ay kinukumbinse na ako ng board to accept it.
"Hindi pa nga kami okay ng asawa ko." I replied.
"Eh, kasalanan mo naman 'yun." kumento niya. Oh, tamo. Ako ang bestfriend niya si Andrea pa ang kakampihan niya.
"Bahala siya." saad ko naman.
Sa totoo lang, nahihirapan narin ako. 3 days ng nasa duty si Drei. Hindi rin kami nag uusap at ang mga bata na lang ang binibilinan niyang i-check ako.
"Yung pride mo, LJ." sita niya naman. "Hindi mo naman masisisi si Morgan if she wants to help Maxine. Alam mo namang nag-iisang kapatid na lang niya 'yon."
Kailangan ko na naman bang intindihin 'yon? Meron kasing kliyente si Ate Max, it's a big case and VIP sa ospital nila yung involve. They personally requested my wife to be the personal doctor incharge, eh may patong sa ulo yung pasyente at baka madamay pa yung asawa ko. Hindi niyo naman siguro ako masisisi kung nag-aalala ako.
Napabuntong hininga na lang ako kesa sagutin si Sam.
"Eh, ano nga? Kung ayaw mo makipagbati sa asawa mo, ako na lang batiin mo. Payag ka na, please!" bumalik na naman ang totoong pakay ni Samantha habang kausap mo siya.
"Hoy, Alvarez! Nauubusan ako ng oras sa pagiging VPAA, baka hindi na kami magkita ng pamilya ko kapag pumayag pa ko sa gusto mo." kontra ko ulit sa kanya.
Sa totoo lang gusto ko na dapat bitawan ang pagiging VPAA ng university, it's getting hard for me to handle my busy schedule and tons of paperworks. But with the passion I have in me, kinakaya ko pa din naman.
"Umuwi na tayo, wala ka ng mapapala dyan." mula sa pintuan ng opisina ko nakasandal si Patrice na mukhang tapos narin ang klase para sa araw na 'to. "Out na tayo, check up ni Eya ngayon."
"Yeah, right. Sige na, mauna na kayo." I replied. Wala pa akong balak umuwi, bukod sa mga may pipirmahan pa ako sila Solar at Savi ay hihintayin ko dito.
At my age, everything went smoothly. It's been 13 years since I got married with the same person I fell inlove during college. Nag iisang tao na hinintay ko buong buhay ko.
"Mommy!" Solar happily cheered as she entered my office.
"Hi, Leil." I smiled and hug her. "How's your day, anak?"
"Good, but Savi cried." she replied.
"Why?" I worriedly asked. "Where is she?" I asked again, bakit naman kasi iiyak yung anak ko diba?
"She's with ate First." tukoy niya sa nakakatandang pinsan nila. Malamang ay naiwan ito sa cafeteria at kumain para tumahan ang pinsan niya. "When you and Mama will talk?" seryosong tanong ni Solar habang hawak ang phone niya.
"Nag-uusap naman kami, Soleil." I replied.
"No, she never went home for 3 days." kontra niya naman agad. "She said she'll be home, but she didn't. She asked me to be good and look after you. Alam ko naman pong hindi kayo okay." she added.
"Sorry." mahinang sabi ko.
"Wag sa akin, mommy." she answered. "Kay Mama po." pagpapatuloy niya pa. My heart sunk when I've heard that. Alam ko namang nararamdaman na ni Solar 'yon, maging ni Savi dahil hindi naman na sila mga walang muang pa na mga bata.
BINABASA MO ANG
Teased Of Us
RomanceHighest Ranking : #1 in #gxg Teased of Us : Imperial Series #1 Luna is currently taking her last year in college, before leaving college life she promised to herself that she will make the best out of it. And then her batchmate from biology departme...
