Chapter 1 - Hospital

809 15 1
                                    


KIANA MITO

"Magandang umaga po, ma!" bati ko sa aking ina na nagluluto na. Ngumiti siya at inayos ko ang aking bag at uniporme.

Unang araw ng pagiging sophomore ko ngayon. Papasok na din ang nakababata kong kapatid sa Shohoku.

"Kumain ka muna, Kiana bago ka pumasok." bilin ni mama kaso ayokong makasabay si Yohei pumasok.

"Hindi na po, ma! Dadagdagan ko na lamang po ang baon ko. Ginising ko na po pala si Yohei at naliligo na siya." Tumango si mama at nagsapatos na ako sabay labas ng bahay.

Napatingin ako sa katabing bahay namin.. Kamusta na kaya siya?

Umiling ako at nagsimulang maglakad papuntang Shohoku High.

Ako si Kiana Mito. Section 3 ako ngayong 2nd year. Buti nalang kahit na hindi ako pumapalya sa skwelahan ay hindi nila ako nililipat sa section 1. Ayokong mahiwalay sa mga kaibigan ko.

Nga pala, kaya ayokong makasabay yung kapatid kong si Yohei ay dahil freshman yun, galing pa sa Wako Junior high, basagulero. Grumaduate din ako sa Wako kaya alam ko. Mahilig silang makipag-away ng mga kaibigan niya kaya hindi rin ako masyadong nagd-dikit sakanilang magbabarkada. Noong junior high din sila ay wala na silang ibang inatupag kundi ang panliligaw. Hindi ako sang-ayon doon dahil masyado pang bata si Yohei para doon, may gatas pa siya sakanyang mga labi para sa akin at siguradong sasaktan niya lang kung sino man ang magiging girlfriend niya. Pero hindi kagaya nila, nagkaroon ako ng interes sa isang bagay na hindi ko inaakalang magugustuhan ko. Ang basketball.

Second year ako sa junior high noong nagustuhan ko ang basketball. Dumadayo pa ako sa mga laro nina Oda noon para lang mapanood ang laro ng mga kapwa naming junior high. Doon ko napanood ang mga magagaling na manlalaro na nakakalaban ng basketball team ng Shohoku ngayon.

Dahil din sa pagkahilig ko sa basketball ay lagi akong nanonood ng mga laro ng basketball team ng Shohoku nang freshman palang ako. Noong tryouts last year ay todo nood pa ako sa mga nagtryouts sa unang araw ng practice. Doon ko lang siya ulit nakitang nag—

"Kiana!" may tumawag sa pangalan ko sa likod at.. si Ayako.

Nasa may gate na ako ng school at nakita ko siyang kakapasok lang din.

"Kasection pa rin ba kita?" Biglang tanong niya. "Baka mamaya section 1 ka na ah."

"Uy, hindi. Section 3 ako. Ikaw ba?" Pinakita niya sa akin ang schedule niya at nakita kong section 3 din siya. Nagsabay na kaming maglakad patungong classroom atsaka pumunta na sa kanya-kanyang bangko.

Hindi kami gaanong malapit ni Ayako sa isa't-isa. Kahit na assistant manager ako ng basketball team ay hindi kami ang dalawang tao na maiisip mong magkaibigan dahil hindi naman kami nag-uusap madalas.

Hindi ko siya kinakausap madalas at may kadahilanan yun, kahit na sabihin mong kaming dalawa lang ang babae sa basketball team.

Nagsimula ang araw ng matino. Hindi ko rin nakasalubong o nakita ang kapatid ko kaya ayos ako. Kapag nakikita ko kasi siya ay parang sasabog akong bulkan dahil sa mga kabalastugan na ginagawa niya sa buhay niya.

Kapag break time at lunch ay madalas natutulog lang ako sa classroom. Pero kapag mayroon nang mga practice ang basketball team, madalas dumadaan ako sa gym para maglinis ng locker room nila. Pero dahil first day palang naman ay siguradong hindi pa yun ipapalinis ni Captain Akagi.

Iniyuko ko ang ulo ko at pumikit. Kailangan kong makatulog. Ngayon lang ako nagising ng maaga muli at hindi sanay ang katawan ko.

Sa Biyernes na nga pala ang tryouts kaya hindi na rin ako makapaghintay. May mga sabi-sabi na dito raw papasok ang isa sa mga pinakahihintay kong freshman. Si Kaede Rukawa. Nanonood ako ng mga laban ng mga junior high last year kahit na senior na ako. Inaabangan ko kasi ang mga magagaling na manlalaro na maaaring makalaban namin ngayong taon. Last year ko rin napanood ang performance ni Rukawa at masasabi kong kakaiba ang talento niya sa basketball.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon