KIANA MITONag-ring na ang bell at nagw-warm up na ang mga players ng Shohoku. Nakatayo ako sa gilid ng pinto dahil inaayos ko yung first aid.
Bigla namang pumasok si Coach Anzai na kaagad kong binati.
"Magandang hapon po, Coach." ngumiti siya at tumingin sa mga players.
"Kumpleto na ba sila?"
"Opo, mags-simula na po ang practice game pagkatapos nilang mag-warm up." tumango si Coach Anzai sa akin atsaka pumunta sa upuan niya. Nagmadali naman akong kumuha ng tubig atsaka inabot sakanya.
"Okay, magsisimula na tayo!" sigaw ni Akagi kaya naman natigilan sila sa pagw-warm up.
Napatingin ako kay Miyagi na napansin kong napatingin din.
Biglang nabaling ang atensyon ko sa biglaang pagkabukas ng pinto ng gym.
"Sorry, late ako." preskong sabi ng lalaking kakapasok lang ng gym.
Teka, sino nga ulit 'to?
"Mitsui! Welcome back," lumapit si Kogure sakanya.
"Salamat," tumingin siya sa gawi namin.
"Si bungal ba 'yan?" dinig kong sabi ni Sakuragi.
"Coach Anzai," bati niya kay Coach Anzai at ngumiti naman ito sakanya.
Ngayon pala ang balik niya. Halos hindi ko siya nakilala sa bagong gupit niya dahil mas naging maaliwalas tignan ang mukha niya kahit puno ito ng band-aid.
"Mitsui, sumali ka na sa team nina Miyagi." sabi ni Captain sakanya para magsimula na rin ang practice.
Hawak ni Miyagi ang bola habang mabilis na tumatakbo pabalik sa court nila. Mabilis niyang ipinasa ito kay Mitsui na nasa three-point line.
Pagkapasa niya kay Mitsui ay kaagad niya itong shinoot.
"Pasok!" sigaw ni Mitsui at ngumiti.
"Nice shot, Mitsui!" sigaw ni Kogure.
"Nice pass, Ryota!" pagkadinig ni Miyagi doon ay para siyang asong ulol na tumingin kay Ayako.
Umiling nalang ako at nagpatuloy sa panonood sakanila. Si Ayako kasi ang nago-oras ngayon at ako naman ang nagbabantay ngayon kay Sakuragi.
"Mas maganda 'yang laro kung sinali ako, hmp." singit ni Sakuragi pero hindi ko nalang pinansin. Kaysa naman kulitin niya si Coach Anzai.
Lumipas ang ilan pang minuto at natapos ang practice game. Nanalo ang team nina Miyagi dahil sa hindi inaasahang unity nilang dalawa ni Mitsui.
Puro long shot naman ang ginawa ni Mitsui kaya madali nilang natalo ang team nina Rukawa. Nagulat din ako sa naging laro ni Rukawa ngayon dahil mukhang hindi siya gaanong maliksi ngayon. Suspetiya naman ni Ayako ay inaantok pa siya.
Nagsilapitan naman ang team sa amin para kumuha ng tubig dahil tapos na ang practice at maghahanda na sila para pumasok ng last period.
"Una na 'ko, ate. Hintayin mo nalang ako sa room niyo mamaya, puntahan kita." sabi ni Sakuragi kaya tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagbibigay ng tubig kay Yasuda.
Hinahanap ko naman si Miyagi at inaasahan na lalapit siya sa akin para sa tubig pero hindi ko na siya nakita dahil baka pumunta na siya ng locker room para magbihis.
Huling lumapit sa akin si Mitsui. Inabot ko naman sakanya ang baso ng tubig habang nagpupunas siya ng pawis.
Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko kahit na kanina ko pa siya inabutan ng tubig. Medyo naiirita ako pero hindi ko nalang binanggit dahil baka aalis na rin naman siya.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi