Chapter 8 - Ang Pagbabalik

193 9 1
                                    


KIANA MITO

Naglalakad ako patungong gym nang makasalubong ko si Akagi.

"Kiana, pupunta ka na ba ng gym?" tumango ako at sumabay siya sa paglalakad ko.

"Wala ka bang balita kay Miyagi?" napatungo ako sa tanong niya kasi naalala ko na naman ang nangyari noon.

"Wala po, eh." halata namang nagtaka siya sa naging sagot ko dahil kadalasan ay alam namin ni Miyagi ang nangyayari sa isa't-isa.

"Magiging araw-araw na ang pagp-practice ng team dahil malapit na ang eliminations. Sana umabot si Miyagi dahil mataas ang tiyansa ng team na makapasok sa Interhigh ngayong taon," napangiti ako sa sinabi ni Akagi.

Matagal na niyang pangarap ang maging number one sa bansa at masaya akong kasama si Miyagi sa mga plano niya.

Habang nagp-practice ang team ay tinuturuan naman si Sakuragi ng basic passing ni Ayako.

"Ganito, hawakan mo ng mahigpit tapos.." pagkatapos ipaliwanag ni Ayako ay nagpasahan sila.

Naririnig ko namang napapa-aray si Ayako dahil malakas talaga ang pwersa ni Sakuragi kaya hininaan niya.

"Ano ba, kulang ka sa lakas Sakuragi!" sigaw ni Ayako kaya napatingin si Sakuragi sakanya.

"Kapag nilalakasan ko naman nasasaktan ka!" malakas na pinasa niya ang bola kay Ayako kaya napa-aray na naman 'to.

Marahan akong natawa kay Sakuragi at lumapit sakanila.

"Ako na ang magtuturo sa gunggong na 'to, Ayako." tumango naman siya at nag-assist sa team.

"Ano?! Ang assistant na 'yan ang magtuturo sa akin na henyo?! Ayoko nga!" sigaw ng mokong kaya hinampas ko siya ng malakas sa ulo.

Narinig ko naman ang tawanan nina Yohei sa may pinto ng gym dahil napangiwi si Sakuragi.

"Sabi ko nga ikaw na ang magtuturo sakin ate," medyo nasasanay na rin naman akong ate ang tawag niya sakin dahil napapadalas na rin na kasama ko siya.

Kapag inupakan ko pa siya siguradong maba-badtrip na 'to at mawawalan ng gana sa basics.

Pagkatapos ng practice ay pinaupo ko muna si Sakuragi. Maglilinis pa kasi ang mga freshmen at babantayan namin sila ni Ayako.

Habang nakatayo ako at umiinom ng tubig ay bigla akong tinabihan ni Ayako.

"Nakita kita kahapon, ah," napatingin ako sakanya at naghihintay ng kasunod na sasabihin niya pa.

Saan? Sa kalye?

"Kasama mo ang ace player ng Ryonan," pasimple niyang sabi habang pinipigilan ngumiti.

"Saan?" umakto akong nagtataka at tumingin kina Sakuragi at Rukawa na nagbabangayan.

"Umalis kami nina papa kahapon at kumain sa isang restaurant." bigla akong nahiya sa narinig ko dahil bigla kong naalala yung..

"May dumi ka sa labi."

Napatingin ako sa kamay kong nakahawak pa rin sa kamay niya, ngumiti ako at hinawakan ng mabuti ang kamay niya.

Napapikit ako sa naalala ko, ngumisi naman si Ayako sa akin.

"Bagay kayo," natatawang sabi niya at pinuntahan sina Sakuragi dahil nakita niyang napipikon na 'to.

Akala niya yata may namamagitan sa amin ni Sendoh.

Pagkatapos maglinis nina Sakuragi ay wala na sina Yohei kaya umuwi na rin siya. Kanina pa nagpaalam si Ayako pero wala ako sa sarili dahil nahihiya ako na nakita niya kami ni Sendoh kahapon.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon