Chapter 6 - Namiss kita

205 10 1
                                    


KIANA MITO

Pagka-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si mama at Yohei na nag-uusap. Oo nga pala, kanina pala ang dating ni mama.

"Oh, Kiana kumain ka na doon. Na-late ka yata ng uwi?" naghapunan na pala sila at ako nalang ang hindi kaya pala nag-uusap na sila.

"Ate sayang naman ang practice game kanina, isang puntos nalang eh." tumango ako habang kumukuha ng kanin. Nakaupo naman silang dalawa ni mama dahil mukhang may pinag-uusapan sila bago ako dumating.

"Puro palpak na naman si Hanamichi kanina." tinawanan naman ni Yohei ang kaibigan niya, pero alam ko naman na proud siya doon kahit papaano.

"Pero maganda ang ipinakita niya kanina, kahit hindi ako pabor sa posporong 'yon ay hindi ko maitatanggi 'yon lalo na't baguhan lang siya." tumango naman si Yohei at nagsalita pa.

"Malakas talaga yung ace player ng Ryonan, na si Sendoh 'no ate? Kung wala siya kanina baka nanalo pa kayo, kaya nga pikon na pikon si Hanamichi sakanya." umupo na ako sa tabi ni Yohei at nagsimulang kumain.

Bigla namang napukaw ang atensyon ni mama sa pinagu-usapan namin.

"Si Akira ba ang tinutukoy mo, 'nak?" tanong ni mama kay Yohei.

Nagulat naman si Yohei dahil hindi naman niya talaga kilala si Sendoh, dahil noong mga bata kami ay lagi siyang na kila tita, ayaw sumama kay mama.

Tumango na ako habang ngumunguya. "Aba, magaling talaga sa basketball 'yong batang 'yun ano? Naaalala ko pa dati ay magkalaro lang kayo nun."

Nagulat na naman si Yohei at tinanong ako ulit,"Si Sendoh yung kababata mo, ate?!"

Tumango ako ulit at bigla naman nagsalita si mama,"Edi sasama ka na sakin bukas?"

Napatingin ako kay mama na nakangisi. May binabalak yata 'to.

"Saan po?"

"Kina Akira. Birthday ng mama niya next week pero bukas niya ako pinapapunta dahil aalis sila sa mismong birthday niya." napaubo naman ako dahil nabulunan ako sa pagkagulat.

So, totoo pala yung sinabi niya kanina?

"Bakit kailangan nandun ako, ma?" nagtataka kong tanong, e sila lang naman ang mage-enjoy eh.

Isa pa, ayoko nang makausap si Sendoh. Baka pikunin lang ako non.

"Nire-request na ni Akira dati pa na isama raw kita. Lagi namang ayaw mo kaya ngayon isasama na kita tutal nagkita kayo kanina at baka kinumbinse ka niya." natahimik naman si Yohei sa gilid, nagbabasa yata ng comics.

"Ikaw ba, Yohei? Sasama ka?" tanong ko dahil kung kasama siya ay siguradong pwede akong makatakas.

Mukha kasing pipilitin ako ni mama sa pagsama kung hindi sasama si Yohei sakanya.

"Pass muna, ate. May pupuntahan kami nina Hanamichi bukas." napasapo ako ng ulo ko at nagpaalam siya kay mama na aakyat na raw siya.

"9am ang alis natin bukas." kumindat si mama at binigyan ako ng makabuluhang ngiti saka na umalis.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame dahil hindi na naman ako makatulog. Iniisip ko si Miyagi..

Aabot kaya siya sa eliminations? Sana umabot siya dahil kailangan siya ng team..

Anong gagawin ko kapag nakita ko siya ulit? Bakit feel ko galit siya sa akin dahil hindi ko siya kinausap?

Pano kung—

Napabalikwas nalang ako sa kama at kinuha ang phone ko. Nakita ko namang may isang text pala galing kay.. Sendoh.

Ano, pupunta ka bukas?

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon