Chapter 17 - Galingan mo

195 13 0
                                    


KIANA MITO

Linggo ngayon pero may practice ang team. Malapit na kasi ang first game nila, apat na araw nalang. Hindi kami nagkasabay ni Miyagi sa pagpunta ngayon dahil nagjogging pa siya bago pumunta sa school.

Pagkarating ko ay nakita ko kaagad si Ayako na papunta sa gym. Hinabol ko siya at sumabay sa paglalakad.

"Ayako," tawag ko at ngumiti.

"Good morning, 'di yata kayo sabay ni Ryota?"

"Hindi, kanina pa siya umalis, nag-jogging." tumango siya tsaka na kami pumasok sa gym.

Pagkapasok namin ay nandoon na sila halos. 8AM kasi ang call time at malapit na ring mag 8, pero mukhang wala pa rin si Miyagi. Mukhang wala rin si Sakuragi at Rukawa kahit na dapat nandito na sila dahil ang mga freshmen ang nagla-lampaso ng gym bago magpractice.

"Ako na sa gamit dito sa gym, daan ka munang locker room. Nandun kasi yung jug." tumango nalang ako kay Ayako atsaka na tumakbo papuntang locker room.

Dumaan na ba sina Yasuda kanina dito? Nakasabit lang kasi yung padlock sa pinto.

Binuksan ko naman yung pinto dahil akala ko walang tao dahil Linggo ngayon, diretso kaagad sila sa gym at tahimik sa loob pero mali ang hinala ko.

Nakatayo sa harap ng locker niya si Mitsui na mukhang magpapalit sana ng pang-itaas pero napatigil dahil narinig niya ang pagbukas ng pinto. Napatingin siya sa akin kaya isinara ko kaagad ang pinto.

Ang awkward din dahil hindi naman kami ganoon kaclose, eh magkakilala nga lang siguro kami sa pangalan, baka nga hindi niya pa alam ang pangalan ko.

Maghihintay nalang ako dito sa labas. Sumandal ako sa pader at tumingin sa sahig. Kaagad naman siguro siyang matatapos, ano?

Biglang bumukas ang pinto ng locker room pero hindi siya lumabas.

"Pumasok ka na, nahiya ka pa."

Hindi nalang ako nagsalita at pumasok na dahil naririnig ko pa lang ang boses niya ay napipikon na ako. Naaalala ko na naman kasi yung unang practice niya at pinatapon niya pa sa akin yung baso na pinag-inuman niya.

Hinanap ko naman sa sulok yung jug pero wala. Napatingin ako kay Mitsui na nakatalikod sa akin at itinaas ang t-shirt na suot niya. Nasa may paanan niya yung jug.

Bigla naman siyang humarap sa akin habang wala siyang pang-itaas kaya napaiwas ako.

"Oh, ano? Tatayo ka lang dyan?" masungit niyang tanong.

Nairita naman ako kaya lumapit na ako sakanya kahit na hindi ako komportable dahil nagbibihis siya. Normal lang naman na makita namin silang nagbibihis dahil may mga sitwasyon na nagbibihis din sila sa gym. Naiilang lang talaga ako sa mokong na 'to dahil nga hindi kami close.

Hinablot ko ng mabilis yung jug at tumalikod na sakanya.

"Dalian mo na dyan, malapit nang magsimula ang practice." sambit ko at nagmadali nang umalis dahil hindi ko talaga masikmurang makasama siya mag-isa doon.

Pagkabalik ko sa gym ay nakita ko si Miyagi na tinutulungan si Ayako na mag-ayos nung mga bangko. Pareho naman silang napatingin sa akin.

"Oh, bakit ang asim ng mukha mo keaga-aga?" nakangising tanong ni Miyagi.

Lumapit naman si Ayako sa akin pero bago niya pa makuha ang jug ay may binati siya sa likod ko.

"Oh, Mitsui. Maaga ka ngayon. Galing ka sa locker room?" tanong ni Ayako kahit na alam niyang halata naman dahil dumaan siya sa pinto ng gym na mula sa hallway ng mga locker room.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon