KIANA MITOPumasok ako sa kusina matapos kong maligo at naabutan ko naman si Sakuragi at Yohei.
"Akala ko pupunta dito sina Takamiya?" kumuha ako ng mansanas at hinugasan ito.
"Umalis na, maghapon na sila dito eh." nakatingin lang kaming dalawa ni Yohei kay Sakuragi na kung makakain ay parang hindi pinakain ng isang linggo.
"Hindi man lang ako hinintay!" punong-puno pa ang bibig niya habang nagsasalita siya.
"Teka, bakit nga ba nandito ka?" tanong ko kay Sakuragi at kumagat sa mansanas.
"Sakit naman no'n! Pinapaalis mo na ako agad!" napailing nalang ako sakanya at umupo sa tabi ni Yohei.
"Teka, 'tong ate mo ba nagk-kwento sayo?" bigla akong napatingin kay Sakuragi sa tanong niya kay Yohei.
"Anong kwento naman?"
"Ewan ko, sa lablayp niya!" patuloy lang siya sa pagkain at halos tadyakan ko siya sa pinagsasasabi niya.
"Ano na namang pinagsasasabi mo, Sakuragi ha!" sigaw ko sakanya pero tumawa lang siya.
"Naku, ate! Huli na kita eh! Sino namang kaibigan ang magpapakamanhid katulad mo?" umiling siya at bigla namang natawa si Yohei sakanya.
"Si Miyagi ba 'yan? Anong nangyari?" chismosong tanong ni Yohei sakanya kaya nakatanggap siya ng batok sa akin.
"Aray, ate gusto ko lang naman malaman eh!"
"Kasi—" binato ko kay Sakuragi yung tissue sa gilid, 'yun na kasi ang pinakamalapit na pwede kong maibato.
"Eh bakit ba naman kasi sumasama ka pa kay Ryota sa paghatid kay Ayako?" tuloy-tuloy niyang sabi.
Umirap ako at tumungo. Tumawa naman maya-maya si Yohei.
"Totoo?" tumigil siya para tumawa ulit. "Eh, pinipikon ko lang naman 'yang si ate kay Miyagi eh! 'Di ko naman alam na seryoso pala!"
Hindi naman kasi talaga ako nagk-kwento sakanila. Mas gusto kong sinasarili ang bagay-bagay. Masikreto ako pero hindi rin naman ako marunong magkaila. Kaya kapag may nagtatanong sa akin, hindi ko maitago sa expressions ko ang sagot.
Hindi ako makapagsalita dahil gusto ko mang i-deny sa kapatid ko, ramdam niya na rin naman noon pa na may nararamdaman ako kay Miyagi. Pero pilit ko lang 'yun tinatanggi at mukhang gumagana naman dahil totoo naman na magkaibigan lang kami.
"Ang layo kaya nung bahay nina Ayako dito! Meron namang mas malapit na daan pauwi dito. Atsaka pala 'di naman nadadaanan bahay nila papunta dito eh," napakamot pa ng ulo si Sakuragi.
"Naku, bistado ka na namin ate. Paano ba 'yan?" pang-aasar ni Yohei.
Binatukan ko sila pareho kaya naman muntik nang mabilaukan si Sakuragi.
"Wala akong gusto kay Miyagi. Kaibigan ko 'yun! Kadiri kayo!"
Napatingin silang dalawa sa akin at biglang tumawa.
"ATE NAMAN! HAHAHAHA, KUNG MAGSISINUNGALING KA, GALINGAN MO!" malakas na sigaw ni Yohei.
"OO NGA, KADIRI KAYO SABI MO PERO KONTI NALANG NGINGITI KA NA!"
Kumalma sila kaagad tapos biglang tumingin sa akin ng seryoso si Sakuragi.
"Dami nang tumanggi sa akin, sige 'di ko na id-deny ha. Tayo-tayo lang naman. Pero ate, sigurado ka ba kay Ryota?" bumuntong hininga siya atsaka sumubo nung noodles na kinakain niya kanina pa.
"Eh balita ko baliw na baliw kay Ayako 'yun, diba?" paninigurado ni Yohei.
Hindi naman ako makapagsalita. Masakit masampal ng katotohanan, lalo na sa dalawang ugok na 'to pa galing.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanficI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi