Chapter 20 - Ulan

174 13 4
                                    

HAPPY BIRTHDAY CAPTAIN AKAGI!! ❤️

KIANA MITO

"3.. 2.. 1.."

"YAAAY!! PANALO NA TAYO!" sigaw ng mga freshmen at tumakbo papunta kina Miyagi. Hindi pa rin maipinta ang ekspresyon ni Sakuragi dahil kaagad siyang nafoul out ngayon. 15 minutes palang sa laro ay tanggal na siya.

Inilagay ko sa record book ang score, 103-59. Ang galing ng naging laro ngayon. Ganado silang lahat, lalo na si Mitsui na kada tira ay pumapasok. Silang dalawa ni Rukawa ang napakaraming puntos na nagawa ngayon.

"Kia, tara na." tawag ni Miyagi sa akin kaya naman sumunod na ako sa likod nila papunta sa locker room. Nasa tabi ko naman si Sakuragi na nakabusangot pa rin.

"Ayos lang 'yan, Sakuragi. May susunod pa namang laro. Hindi ka pa kasi ganon kasanay," sabi ko pero nakabusangot pa rin siya.

"Sakuragi!" para bang tinawag ng amo ang isang aso kung makapagreact si Sakuragi sa boses ni Haruko. Lumingon ako sa boses niya at nakita rin sina Yohei at yung tatlong itlog, kasama ang mga kaibigan ni Haruko.

Lumapit naman si Sakuragi kay Haruko na akala mo aso. Kulang nalang maglaway.

"Haruko my lab.." mahinang sabi nito.

"Hello, Kiana!" ngumiti ako at humarap naman siya ulit kay Sakuragi.

"Ang galing mo kanina!" sa sinabing 'yun ni Haruko, umiral na naman ang kayabangan ni Sakuragi.

"Ang galing magpa-foul out kamo!" tawang-tawang sabi ni Takamiya, kaya sinundan ng malalakas na tawa nina Yohei.

"Wala akong pake sainyo, basta ang sabi ni Haruko magaling daw ako!"

"Totoo naman, ang galing ng ipinakita mo kanina,"

"Teka bakit nga pala nandito kayo? May pasok kayo ah?" matalim kong tinignan si Yohei.

"A-ate hindi ganon! Shortened period kaming mga first year ngayong hapon! Lunch palang, pinauwi na kami. Kaya nagyaya sina Haruko na manood." tinignan ko si Haruko para alamin kung totoo nga.

"Oo totoo yun, Kiana." ngumiti siya. "S-si Rukawa? Ayos lang ba siya? Kumain ba siya kanina?"

Natawa ako ng bahagya sa mga sunod-sunod na tanong ni Haruko. Dahil dito, parang naguusok na ang lahat ng butas sa mukha ni Sakuragi kaya tinawanan na naman siya nung apat, pinakamalakas ang tawa ni Yohei.

"Oo naman, Haruko. Kumain siya." awkward na sagot ko pero tinatawanan pa rin nina Yohei si Sakurgai. "Ah.. eh, kailangan na naming bumalik! Baka hinahanap na kami nina coach, umuwi na kayo!" hinila ko na si Sakuragi bago pa niya iheadbutt ang kapatid ko.

"Nagpasa ka ba nung project kay Hikari kanina?" tanong ni Ayako sa akin, dahil katabi ko siya sa bullet train. Si Miyagi naman ay nakatayo, katabi si Mitsui at kausap si Sakuragi.

"Oo nga pala," napapikit ako, masungit pa naman si Hikari, gusto niya agad nagpapasa lahat.

"Nakalimutan kong idaan sa room kanina."

"Sabay ka na sa akin, may inuutos si Coach eh." tumango ako at binuksan ang bag ko para icheck kung nadala ko nga ba yung project.

"Tulungan kita pagkatapos kong ihatid sa room 'to."

Pagkababa namin, nagpaalam na ang iba. Si Akagi, Kogure, Mitsui, Miyagi, Ayako at ako nalang ang natira. Si Coach naman ay may inasikaso kaya umalis na kaagad.

"Uuwi ka na ba, Ayako?" tanong ni Miyagi nang makalapit siya sa amin.

Umiling si Ayako,"Hindi pa, pupunta pa akong school. Sasamahan ko rin si Kiana, dadaan siya ng room."

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon