Chapter 30 - Pagtatalo

217 11 7
                                    


KIANA MITO

"Pasok ka?" tanong ko kay Mitsui. Tinatanong ko nalang siya ngayon tutal siya naman nasusunod kahit na kaladkarin ko pa siya sa loob eh.

Umiling siya."Hindi na, mukhang may bisita ka eh." sabi niya.

"Ha? Wala naman eh. Tara, pasok ka na nga! Ipagluluto kita." sambit ko at nakita ko namang nagdalawang isip siya. Hmm, gusto mo palang ipagluto kita ah. Gusto ko rin kasing mag-sorry sakaniya tungkol kay Yui. Pero hindi ko magawa kung sa public kami mag-uusap. Kahit kaninang naglalakad kami ay kung anu-ano lang ang pinag-uusapan namin.

"Hindi na nga, bukas nalang." ginulo niya na naman ang buhok ko at tumalikod na.

"Ano bang nakikita mo sa buhok ko at lagi mong ginugulo, ha!" sigaw ko sakaniya pero ang tanging nakita ko lang ay ang pagtaas baba ng balikat niya.

Pagkapasok ko ay naabutan ko kaagad si Yohei, at si Sakuragi. Teka pano niya nalaman na may bisita kami?

"Oh. Sakuragi, bakit wala ka kanina?" tumingin ako sakaniya at kita ko ang pagod sa mga mata niya.

Yumuko lang siya at isinubsob ang mukha niya sa palad niya.

"Balita ko nakapag-slam dunk ka daw ng matagumpay, ah. Congrats, Sakuragi!" nakangiting sabi ko. Alam ko kasing iniisip niya na naman yung pasa niya noong Biyernes.

Tinapik ko ang balikat niya,"Proud kami ni Yohei sayo." nakangiti kong sabi at umakyat na.

Minsan kahit gaano pa kayabang si Sakuragi, kailangan niya rin makatanggap ng puri. Lalo na ngayon.

"Ano na naman bang pumasok dyan sa kokote mo at nagpakalbo ka?!" tawang-tawang sabi ni Miyagi na nasa tabi ko. Halos mabingi ako sa tawanan nila, dalawang araw na hindi pumasok si Sakuragi tapos ganyan ang makikita nila, aba natural lang na tumawa sila hanggang sa mawalan sila ng hininga.

"Lalo kang nagmukhang posporo." natatawa kong sabi kaya nakita kong pausok na naman ang ilong niya.

"Oh, ba't ganyan ang mga mukha ninyo?" tanong ko pa nang makita ko ang mukha nilang dalawa ni Rukawa.

"Ah, wala 'to ate. Magligpit ka nalang dyan!" inis na sagot niya at lumabas sila ng gym para kunin yung mop. Sina Miyagi naman at Mitsui ang mga naunang dumating sa mga second year at third year.

Inirapan ko siya at tumungo na sa cr ng gym. Hindi ko naman napansin na may tumbler pala na gumulong sa tapat ng pinto kaya naapakan ko at napaupo ako.

"Kia!" dinig kong tawag ni Miyagi. Nanatili akong nakaupo dahil nang subukan kong tumayo ay hindi ko maigalaw ang kanang paa ko.

Lumuhod siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Ano? Saan masakit? Saan banda?"

"Anong nangyari? Ayos ka lang?" napatingin ako sa kaliwa ko at nakita si Mitsui na nakaupo at alalang-alala.

Tumingin si Mitsui sa paa ko at nakita ang tumbler sa tabi nito. "Naapakan niya yung tumbler, baka na-sprain. Titignan ko ha?" paalam niya bago alisin ang sapatos ko.

Mabilis namang hinawakan ni Miyagi ang palapulsuhan ni Mitsui. "Ako na,"

"Ako na nga, pinayagan na niya ako."

"Ako na sabi, ako ang kaibigan." matigas na sabi ni Miyagi. Wala na akong pakielam sa pagtatalo nila basta ang alam ko lang ay sobrang sakit ng paa ko. Kumikirot ito at hindi ko maigalaw, napapikit nalang ako sa sakit habang nakasandal sa bisig ni Miyagi na nakahawak sa likod ko.

"Ako na! Umalis na nga kayo dyan!" narinig ko nalang ang boses ni Ayako na nagpatigil sa pagtatalo ng dalawa. Hindi tinanggal ni Miyagi ang pagkakahawak sa likod ko kaya sumandal pa rin ako sakaniya. Tinanggal na ni Ayako ang sapatos ko.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon