Chapter 29 - Hatid

148 9 2
                                    


KIANA MITO

"Ganito lang tayo, pakiusap. Kahit sandali lang,"

Hindi ako makakibo dahil sa gulat. Tahimik lang ako habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Saan ka ba galing?" mahinang tanong niya, hindi pa rin inaangat ang tingin niya sa akin.

"Anong nangyari?" tanong ko, hindi ko pinansin ang tanong niya dahil mas gusto kong malaman kung anong nangyari at nagkakaganito siya.

Inangat niya ang ulo niya atsaka ako tinignan. Kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya.

"Mitsui, anong nangyari?" pag-uulit ko, habang tinititigan siya ng diretso sa mata.

Napapikit siya at minasahe ang sentido niya, halatang dismayado,"Natalo kami."

Napa-awang ang labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil maski ako, nagulat. Kaya pala hindi nagt-text o tumatawag si Yohei kahapon? Kasi hinihintay niya akong umuwi bago niya sabihin?

Hindi ko naman in-expect ang kahit ano, eh. Alam naman din nila na mahirap talaga makalaban ang Kainan.

"Ayos ka lang?" 'yan lang ang nasabi ko. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang loob niya.

Unti-unti siyang tumango. Hindi ko alam kung anong meron ngayon sakaniya at may aura siya na hindi ako pamilyar.

"Dapat talaga nai-pasok ko yung three points na 'yun," sumandal siya sa gate namin. Hinawi ko ang kakaunting buhok na nasa noo niya dahil hindi siya naka-wax o gel, mukhang hindi niya nakikita na humahaba na rin ang buhok niya ulit.

"Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo," marahan kong inaayos ang buhok niyang gulo-gulo.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko, iniiba ang topic para mahimasmasan na siya.

Tumango siya,"dumaan ako dito kahapon pagkatapos ng laro, pero wala ka raw."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Bakit ba siya pumunta? Eh mukhang wala naman siyang importanteng sasabihin sa akin.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakapatong sa buhok niya,"Salamat."

Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Nakatingin lang siya ng mariin sa akin at hindi inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Malungkot. Malungkot ang mga mata niya. "W-wala naman akong ginawa para magpasalamat ka." sabi ko, medyo nawawala sa sarili dahil sa titig niya.

"Basta, salamat." binitawan niya ang kamay ko at tumalikod.

"H-huy! Mitsui," tawag ko. Kanina pa siya dito kaya mas mabuti kung kumain na rin siya. Sayang lang ang paghihintay niya kung ganon lang ang sasabihin ko, mukhang wala rin akong naitulong sakaniya.

Humarap siya at tumingin sa akin na para bang tinatanong kung bakit. "Kain ka na sa loob, bago ka umuwi." nakangiti kong sabi.

Hindi siya nagsalita at tumalikod na ulit. Luh? Hinabol ko siya at pumunta sa harap niya para pigilan siya sa paglalakad.

Ngumiti ako sakaniya,"Sige na kasiiii. Sayang naman pagpunta mo rito kahapon."

Tumawa siya ng mahina bago sumagot,"Sinong nagsabing nasayang ang pagpunta ko rito?"

"Ha? Oo kaya! Naghintay ka ng matagal dyan tas ganun-ganon lang aalis ka na agad." napangisi siya sa sinabi ko at umiwas ng tingin.

"Sulit na sulit na kaya, sige na sa Lunes nalang." ginulo niya ang buhok ko at nilampasan na ako.

"Hoy, Mitsui!" tawag ko pa sakaniya pero kumaway nalang siya habang naglalakad palayo.

Inayos ko ang buhok ko at napailing nalang. Ang gulo talaga kausap nun, kahit kelan.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon