How do you like the new cover and title?
—
KIANA MITO
Pagkatapos kong maligo ay napatingin ako sa bintana. Umuulan na naman, nakakainis. Lumabas ako ng kwarto at nagluto ng hapunan namin ni Yohei bago pumunta kay Miyagi.
Hinihintay ko nalang maluto yung kanin nang biglang mag-ring yung telepono.
"Yohei, yung telepono!" sigaw ko sa kapatid kong nakahilata sa sofa.
"Ate, ikaw daw!" ako? Sino naman kaya 'yun?
Nagmamadali akong pumunta sa sofa at kinuha yung telepono sakaniya.
"Hello?"
"Kiana, si Tita Emi 'to." oh? Mama ni Miyagi?
"Ay, tita, hello po. Bakit po kayo napatawag?"
"Hindi mo ba kasama si Miyagi? Hindi kasi siya sumasagot sa tawag ko."
"Hindi po tita eh, bakit ano pong meron? Umalis po ba kayo?"
"Ah, hindi pa pala nasabi ni Miyagi? Umalis ako nung makalawa pa. Sa Sabado pa ang balik ko eh. Iha, pwede bang pakitignan naman si Miyagi sa bahay? May susi sa ibaba nung welcome plant, kung nakalock man ang bahay."
"Sige po, tita. Yun lang po ba?"
"Oo, 'nak. Sabihin mo nalang sakaniya na sagutin niya ang tawag ko, ha?"
"Sige po, tita. Ingat po!"
Pagkababa ko sa tawag ay madaling-madali kong tinanggal ang apron at humablot ng payong.
"Yohei yung sinasaing ko, bantayan mo ha!" tumakbo na ako palabas bago pa man siya makasagot.
Nakakainis naman 'tong si Miyagi. Walang paramdam buong araw, kahit sa nanay?
Hindi nakalock ang bahay kaya pumasok na ako. Maayos ang living room, halatang hindi pa siya humilata rito.
"Hoy, Ryota Miyagi! Nasaan ka?" sigaw ko sa saradong-sarado na bahay. Maski mga bintana, sarado. May hangin pa bang pumapasok dito?
Kung ano yatang hangin na lumalabas sa ilong ni Miyagi 'yun din pumapasok sa ilong niya eh.
Umakyat ako sa kwarto niya dahil may naririnig akong aircon.
Nagulat ako nang makita ko si Miyagi na nakahilata sa kama niya na halatang nilalamig.
"Hoy!" natataranta kong kinuha yung remote ng aircon sa taas ng cabinet niya, at pinatay ito.
"Nilalamig ka na naka-aircon ka pa!" lumapit ako sakaniya at medyo maputla pala siya sa malapitan.
"Sorry na, tinatamad na akong tumayo eh." mahina niyang sabi.
"Teka," inilapat ko ang palad ko sa noo niya. "Nilalagnat ka!"
Sobrang init ng katawan niya, kaya napatayo ako para kunin yung thermometer sa banyo nila.
"Kaya ba hindi ka nakapasok? Kailan pa 'to? Kahapon?" sunod-sunod kong tanong habang hinihintay naming tumunog yung thermometer.
Nakaupo siya sa kama habang nasa tapat niya ako. Halatang masama pa rin talaga ang pakiramdam niya.
"Isa-isa lang," nakukuha niya pang tumawa. Hinampas ko siya ng hindi nag-iisip.
"Ara—" hindi man lang makapagsalita ng maayos dahil sa ubo niya.
Tumunog ang thermometer kaya kinuha ko na. 38.5, may lagnat nga siya.
Bumuntong-hininga ako at tumingin ulit sakaniya. Inuubo pa rin.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
Fiksi PenggemarI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi