KIANA MITO"Hindi sila katulad ng ibang team na nakaharap natin, kaya kailangan natin ng matinding konsentrasyon." dinig kong sabi ni Akagi kay Kogure na nasa pangatlong bangko sa loob ng locker room.
"Teka, gori. Ang sagwa yata ng mukha mo ngayon? Hmm.. 'di ka nakatulog, 'no? Para ka nang b-byahe sa dami ng bagahe mo eh!" sabi ni Sakuragi habang tinuturo-turo pa ang mukha ni captain.
Habang nakikinig ako sa usapan nila ay hindi ko maiwasang mapahikab. Ang aga ko ring nagising kanina, alas singko palang ay nakaligo na ako. Sobrang late ko namang nakatulog dahil biglang hindi itinuloy ni Miyagi yung panonood namin ng pelikula kagabi.
"Salamat, ah. Pasensya ka na hindi tayo nakakain," paumanhin ko kay Mitsui na hinatid pa ako sa bahay namin. Tumango siya at tipid na ngumiti.
"Okay lang, may susunod pa naman." napatingin ako sakaniya sa sinabi niya.
Ramdam niya yatang hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagsalita siya muli,"Ah.. una na 'ko. Salamat pala, dito." sabi niya at sumenyas sa mga paper bag na hawak niya.
"Sus, wala 'yan! Next time, si Yui na kasama mo." tumawa ako. "Sige, ingat ka."
Tumango nalang si Mitsui at tuluyan nang umalis. Maya-maya ay kumatok na ako sa kwarto ni Miyagi. Binuksan niya ito at humiga na ulit sa kama niya.
"Next time nalang tayo manood, Kia." dire-diretsong sabi niya. Teka, anong problema neto?
"Bakit? Anong problema?" tanong ko.
"Wala, ano.. Sige na, bukas nalang." pagtataboy niya sa akin.
"S-sige. Matulog ka kaagad, ah?" sabi ko sakaniya bago ko isara ang pinto ng kwarto niya.
Bumuntong-hininga ako nang maalala ko ang attitude ni Miyagi kahapon sa akin. Baka kinakabahan lang, ayaw lang aminin.
"Ano bang iniisip niyo at hindi kayo nakatulog? Natatakot ba kayong makaharap ang Shoyo?" preskong sabi ni Mitsui atsaka naglakad papunta sa pinto.
Automatic naman na umusok ang ilong ni Sakuragi sa inis.
"Teka, Mitsui! Saan ka pupunta? Mag-uumpisa na niyan ang laro." natigilan naman si Mitsui sa tanong ni Kogure.
"Ah, eh.. Magb-banyo lang." sagot nito. Napailing nalang ako dahil mukha pa siyang mas tensyonado kaysa sa mga pinipikon niya kanina.
Uminom ako ng kape habang kinukulit pa rin ni Sakuragi sina Kogure. Tumingin ako sa katabi ko na hindi nagsasalita at pinaglalaruan lang ang bola na pinapasa-pasa niya sa dalawa niyang kamay.
Hindi rin kami masyadong nag-uusap dahil mula pa kahapon ay hindi niya ako masyadong kinikibo. Pinagpaliban ko nalang muna dahil mukha ngang mas lalo siyang kinakabahan ngayon.
Tinapik ko ang tuhod niya at tumayo na,"Good luck mamaya." lumabas ako ng locker room pagkatapos at nauna na sa loob ng gym kasama ang ilang mga freshmen dahil kailangan nang maglagay ng mga gamit doon.
Nang sumunod sila captain ay napatingin ako kay Mitsui na umupo sa tabi ko. Pinagpapawisan na siya, hindi pa nga naglalaro, mukhang tensyonado.
"Ayos ka lang?" tanong ko habang nakatulala lang siya.
Nakatulala pa rin siya kaya tinapik ko siya sa balikat kaya napatingin siya sa akin.
"Ayos ka lang? Tubig, gusto mo?" tanong ko.
"Hindi na, ayos lang." tipid niyang sagot at tumingin na naman sa malayo.
"Manonood si Yui ngayon, sabi niya sakin." kwento ko pero nakatingin pa rin siya sa malayo. Ano bang problema neto?
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi