Chapter 25: Uwi

146 7 6
                                    


KIANA MITO

Napatingin ako sa relo, 12:30 na! Dadaan si Miyagi rito dahil sabay kaming pupunta sa school, kailangan ko nang maligo.

"Ate! Nandito na si Miyagi!" dinig kong sigaw ni Yohei mula sa baba. Nagmamadali kong isinalaksak sa bag ko lahat ng kailangan kong dalhin. Kumuha rin ako ng paper bag para doon ilagay yung box ng cake.

Ang dami kong dala! Kainis, dala-dalawang paper bag, mukha na yata akong galing nag-shopping.

Bumuntong-hininga nalang ako at hinablot na yung paper bag na pinapaabot ni Yui at yung bag ko.

Kumatok ako sa kwarto ni mama at nakita siyang kumakalikot ng kung anu-ano doon sa cabinet niya.

"Ma, alis na 'ko. Punta lang po akong school, may practice ngayon." napatingin siya sa akin at tumango.

"Sige, ingat ka."

Habang naglalakad kami ni Miyagi ay hindi niya maiwasang mapatingin sa mga dala ko. Kanina pa kami nag-uusap tungkol sa kung anu-ano pero patingin-tingin lang siya sa dala ko, hindi nagtatanong.

"Bakit ba kung saan-saan ka tumitingin, ha?" inis kong tanong sakaniya.

"Eh, kasi naman mukha kang galing sa mall sa dala-dala mo." seryoso niyang sabi pero halatang nagpipigil siya ng tawa.

"Psh, 'wag mo na ngang pansinin! Nab-badtrip lang ako,"

Nanahimik naman siya pero pansin ko pa rin ang tingin niya sa paper bag.

"Ano ba 'yan?"

"Pinapaabot lang, 'wag ka nang magtanong. Pinagtatawanan mo lang ako, e." diretso kong sabi habang nakatingin sa daan.

"Ako na ngang magbubuhat." mabilis niyang kinuha 'yung mga paper bag at hindi na nagsalita.

Hinayaan ko nalang din siya dahil malapit na rin naman kami sa campus. Tsaka hindi 'yan magpapa-awat. Hawak na niya eh.

"Kiana, tara na!" tawag ni Miyagi sa akin habang nakatayo doon sa harap ng pinto. Katabi niya si Ayako.

Napatingin naman ako kay Mitsui na naghihintay sa kabilang pinto ng gym. Nang magtama ang tingin namin ay kaagad siyang umiwas.

"Uhm, Miyagi mauna ka na! May pupuntahan pa kasi ako," paliwanag ko pagkalapit ko sakanila.

"Ba't 'di mo sinabi kanina, sasamahan sana kita."

"Naku, 'wag na! Ihatid mo na si Ayako, may kasama naman ako." ngumiti ako at nagpaalam kay Ayako kaya nauna na siyang lumabas.

"Ingat ka, sunduin kita pagkatapos kong ihatid si Ayako?" tanong niya, kaya umiling kaagad ako.

"'Wag na nga! 'Yan na, kayo nalang dalawa ni Ayako," kumindat ako at tumawa tumingin ulit siya sa akin bago nagsalita.

"Sinong kasama mo?"

"May sasamahan lang ako, 'wag ka na ngang magtanong! Naghihintay si Ayako!" pagtataboy ko sakaniya kaya wala na siyang nagawa at tumalikod na.

Bumalik ako sa mga gamit ko na inaayos ko kanina at nakita si Mitsui na nakaupo sa tabi ng mga gamit ko.

"Tuloy ba tayo?" tanong niya pagkalapit ko. Ngumiti ako at tumango.

"Oo naman! Bakit? Akala mo ba hindi?" mahina akong tumawa at binuhat ang bag ko, pati yung mga paper bag. Mamaya ko na ibibigay, kapag wala na kami rito sa school.

"Ako na," hinawakan niya ang strap ng bag ko pero umiling ako.

"Magaan lang naman, kaya ko na. Paalam na tayo kina Akagi." sabi ko, kaya binitawan niya yung bag ko.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon