KIANA MITOFriday na ngayon, tryouts na ng mga freshmen. Sa sobrang excited ko ay gusto ko nalang matulog sa klase at magising after class kaso hindi pwede. Lunch break na rin naman kaya ilang oras nalang.
As usual, hindi ako kumain. Madalas ay wala talaga akong ganang kumain kapag lunch kaya kapag nasa bahay na, doon ako kakain.
"Kiana, pwede mo ba akong samahan sa gym? Magl-lampaso lang ako ng mabilis." tumango ako at sumama kay Ayako. Wala rin naman akong gagawin eh.
Pagkabukas ko ng pinto ng gym ay nagulat ako sa nakita ko. Sobrang kintab ng sahig, pati mga bola.
"Wow! Naglinis na ba sila kanina?" tanong ni Ayako, pero napatingin ako sa may gilid at nakita si Sakuragi na natutulog.
So siya ang may kagagawan nito?
Ngumiti ako at ginising naman siya ni Ayako. Nagpaalam naman akong pupuntahan ko si Akagi at iniwan ko na siya doon.
Tinawag ko si Akagi pati na si Kogure at kinwento sakanila si Sakuragi.
Tumatawa-tawa pa ako,"Hindi ka makakapaniwala kung gaano kakintab ang sahig ng gym ngayon."
Napangiti naman si Kogure at bumusangot si Akagi. Sabi ko na eh, magmamatigas 'to.
"Ganun naman pala, Akagi eh! Pasalihin mo na siya sa team." kantyaw ni Kogure sakanya.
Nagseryoso ako at tumingin kay Akagi.
"Pero seryoso, ngayon ko lang nakita ng ganito 'yang posporong 'yan. Hindi naman kasi siya interesado sa ganito dati pero napakasipag niya ngayon at desidido talaga siya." tinalikuran ako ni Akagi.
"Kita nalang tayo sa practice mamaya, Kiana!" paalam ni Kogure at natawa nalang kami pareho sa inakto ni Akagi.
Mabilis lumipas ang oras dahil wala namang ginawa ngayong hapon. Nagmadali ako sa cr dahil nagpalit na ako ng damit.
Hindi kasi ako komportable na nakauniform tapos naga-assist ako sa mga players. Madalas ay naka oversized shirt ako at pantalon, atsaka nagpapalit ng rubber shoes.
Hindi ko na hinintay si Ayako dahil may magkahiwalay kaming trabaho ngayon. Ako ang nakatalaga sa tubig at yelo, siya naman sa first aid.
Pagkarating ko sa gym ay nasa harap ni Sakuragi si Ayako, tinatawanan niya ang ugok.
"Pasensya na at late ako." nakangiti kong sabi. Napatingin naman si Ayako at si Sakuragi ay halatang nagulat.
"Ako si Kiana Mito, ang assistant manager ng team. Sana ay magkasundo tayong lahat!" ngiting-ngiti kong sabi, napansin ko naman na natigilan sina Yasuda.
"Ha?! Ate?! Bakit nandito ka?!" takang-taka ngayon si Sakuragi at halata namang nagulat lahat kasama na sina Akagi sa tinawag niya sakin.
Agad akong lumapit sa ugok at binatukan ito.
"Huwag mo kong tatawaging ate!" napahimas naman siya sa ulo niya at umirap.
"Kaibigan niya kasi ang kapatid ko." paliwanag ko kina Akagi kaya tumango ang mga 'to.
Isa-isa namang nagpakilala ang mga second year.
"Apat po kami, yung isa ay nasa ospital pa." pagr-report ni Yasuda.
Bigla ko na naman naalala yung pagtawag niya. Mula noon ay hindi ko na siya nakausap.
Paulit-ulit pa siyang tumawag noon pero si Yohei na ang nakasagot. Sa inis ko naman ay tinanggal ko sa saksakan ang telepono.
Habang nanonood ako ng paglalaro nila ay hindi ko maiwasan mapahanga kay Rukawa. Naaalala ko siya..
Nakafocus naman si Ayako kay Sakuragi na tinuturuan ng basic dribbling. Halata naman ang pagkainis nito dahil hindi siya makapag-yabang.
"Okay, team. May ipapaliwanag si Kiana." pagtawag ni Akagi sa mga players para sa anunsyo.
Kaagad naman lumapit ang mga players habang si Sakuragi naman ay kinukulit si Rukawa habang naglalakad papunta sa amin.
"Mapapadalas ang practice next week, dahil malapit na ang practice game kasama ang Ryonan. Every Saturday, may practice tayo. Tapos Lunes ay lunch break. Miyerkules ay dismissal at kada Biyernes ay lunch at dismissal. Naiintindihan niyo ba?"
"Opo!" sagot nila.
Sumingit naman si Sakuragi,"Oo naman! Kakayanin ng henyong 'to ang kahit anong ipagawa mo, assistant! Pero kung pwede ay 'wag na 'yang basic, henyo naman ak—" bigla naman siyang nakakuha ng suntok mula kay Akagi.
"Manahimik kang gunggong ka."
Kahit naman madalas akong mapikon kay Sakuragi ay minsan natatawa nalang ako sa kayabangan niya. Ang yabang kasi, wala naman maipagmamalaki.
Nagpaalam na ang team at lumabas na ako. Hindi na ako magpapalit pa dahil tinatamad na rin naman ako. Pagkalabas ko ay naabutan ko sina Yohei.
"Ate!" tawag ni Yohei. "Kakain lang kami sa may noodle house, gusto mo sumama?" pag-aya ni Ohkusu sa akin.
"Hindi na, uuwi na ako. Salamat nalang. Yohei, diretso uwi." mukhang hihintayin pa nila si Sakuragi kaya nauna na ako. Nagbihis pa kasi siya.
Tumango nalang si Yohei at napakamot ng ulo. Nagpaalam naman yung tatlo at tinanguan ko nalang din sila.
Habang naglalakad ako ay lumilipad lang ang isip ko. Naiisip ko si Miyagi pero ayoko siyang kausapin. Nasaktan ako sa ginawa niya noong huli ko siyang binisita kaya baka kapag nagkita kami ay doon ko pa lamang siya makakausap ulit.
Malapit na rin ang practice game ng Shohoku laban sa Ryonan. Nagi-isip ako ng maaaring i-rason para hindi makapunta pero hindi pwedeng wala ako.
Mad-dismaya si Akagi at gusto ko rin suportahan ang Shohoku sa laro na iyon kahit practice game lang. Lalo na't nararamdaman ko rin na may pagkakataon kaming manalo dahil kay Rukawa.Iniiwasan ko lang naman ang Ryonan dahil sa isang player eh. Makakaya ko naman sigurong iwasan siya kahit doon lang. Hindi naman siguro kami magkakaroon ng encounter.
Hindi ko naman siguro kailangang makipag-usap kay Akira Sendoh.
![](https://img.wattpad.com/cover/218835565-288-k352761.jpg)
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi