Chapter 11 - Mitsui

199 9 1
                                    


KIANA MITO

Matapos mapatumba ni Rukawa yung outsider, nilapitan siya ni Mitsui at tumawa.

"Lagot na kayo ngayon, hindi na kayo makakasali sa elimination games. Wala—" hindi ito pinatapos ni Rukawa at sinuntok niya si Mitsui.

"Lagot, nagwala na siya," bulong ni Miyagi, halatang-halata ang nerbyos.

"Rukawa, tama na! Itigil mo na 'yan!" sigaw ko kay Rukawa at pumunta sa likod niya. Kaagad naman akong sinundan ni Miyagi.

"Sila ang nauna." may isa pang outsider na pumunta kay Rukawa at akmang susuntukin siya pero pinigilan ito ni Rukawa at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan nito.

"Tama na! Masakit, nabalian na yata ang kamay ko!" ayaw pa rin itong bitiwan ni Rukawa. Magkakaproblema ang team kapag itinuloy niya 'to.

"Tama na nga, Rukawa! Itigil mo na sabi eh!" malakas na sigaw ko kaya napatingin siya sa akin.

Nilapitan naman siya ni Ayako at nagsalita,"Magkakaproblema tayo. Tama na."

"Ganun ba?" binitiwan ni Rukawa ang outsider kaya tumalikod ito. Pero maya't-maya ay bigla siyang humarap kay Ayako at..

"Huwag kang makialam!" sinampal niya si Ayako kaya napahiga siya sa sahig.

"Ayako!" galit na sigaw ni Miyagi at tumakbo papunta sa outsider.

Paulit-ulit na sinuntok ni Miyagi ang outsider na sumampal kay Ayako at sa sobrang galit niya ay hindi rin siya tumitigil sa pagsasalita.

"Miyagi, tigilan mo na 'yan." paglapit ko sakanya pero nasikuhan niya ako sa balikat kaya napahiga ako sa sahig. Natigilan naman siya pero bumalik ulit sa pagsuntok sa outsider dahil napansin ko na lalo lamang siyang nagalit.

"Malaking problema ito, pati ba naman ikaw, Miyagi?" problemadong sabi ni Kogure kaya hindi ko na rin alam kung anong pumasok sa kokote ko at pinuntahan si Mitsui.

Lumapit ako sakanya at nagmakaawa. Kahit na sumasakit na ang balikat ko ay hindi ko 'yun ininda.

"Pakiusap, Mitsui. Umalis na kayo. May pangarap ang basketball team at hindi na malayong marating 'yon sa taong ito. Itigil niyo na 'to, please." nanghihinang sabi ko at luluhod na sana pero bigla niya akong sinampal.

"Hindi mo ba ako narinig kanina? Sisirain ko ang lahat ng nagpapasaya kay Miyagi!" nagulat silang lahat dahil napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas ng sampal niya.

Mukhang nagulat ang lahat sa nangyari pero mas nagulat kami sa susunod na nangyari.

May malakas na kalabog na nagmula sa gitna ng gym. Si Rukawa ay nawalan ng malay. Nakatingin lang si Mitsui sa bakulaw na naghahamon sa gitna.

Ako naman ay lumapit kay Rukawa. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.. Bawat isa sakanila ay inalagaan ko na parang kapatid ko na rin. Sobrang lala ng kalagayan ni Rukawa ngayon..

"Sino pa?" mahinahon na tanong nung bakulaw. Nakita niya naman si Kakuta at sinipa ito.

"Kakuta!"

Kinuha ko ulit ang panyo ko na may dugo kanina ni Miyagi at inilagay sa ulo ni Rukawa. Kailangang mabawasan ang pagdugo.

"Isara niyo lahat ng mga pinto at kurtina!" utos ni Kogure sa mga freshmen kaya mabilis silang tumakbo.

Lumapit naman yung bakulaw kay Shiozaki.

"Tama na! Huwag siya!" sigaw ni Miyagi pero sinipa lang ulit nung bakulaw si Shiozaki.

Tumingin ako kay Sakuragi. Nagmamakaawa na ako na huwag na rin siyang sumali. Anong gagawin namin? Tumingin ako kay Rukawa na wala pa ring malay.

Captain Akagi, anong gagawin namin?

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon