KIANA MITO"Pupunta sina Takamiya mamaya dito, ate." paalam ni Yohei sa akin habang nags-sapatos ako.
Tumango ako dahil wala namang gagawin maghapon 'yan, suspended sila eh.
Nakita ko namang lumabas si Yohei sa gate at bumalik sa loob ng bahay na ngiting-ngiti.
"Jowa mo nasa labas," natatawa niyang sabi.
Nararamdaman ko ang unti-unting pag-init ng mukha ko kaya minadali ko na ang pagsuot sa sapatos ko at lumabas.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Miyagi na nakasandal sa poste sa harap ng bahay namin.
"Tara na? Tagal mo," panimula niya habang sinasara ko yung gate.
"Maaga ka lang ngayon, yabang. Lagi ka namang late." tumawa siya ng bahagya tsaka na kami nagsimulang maglakad.
Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit hindi na laging sinasamahan ni Miyagi si Ayako.
O sadyang ilang araw palang mula nang makabalik si Miyagi kaya masyado pang maaga para mag-isip ng ganon?
"Lalim ng iniisip natin ah," natatawang sabi niya. Tinuon ko naman ang atensyon ko sakanya matapos niya akong punahin.
"Iniisip ko lang quiz mamaya," palusot ko kaya nagulat siya.
"May quiz ba mamaya?!" tanong niya, tumango ako bilang sagot dahil meron naman talaga kaming quiz.
"Psh, cutting nalang ako." piningot ko naman siya kaya napasigaw na naman siya.
"May alam ka o wala, 'wag kang magc-cutting. Mag-quiz ka!" sigaw ko sa tenga niya at binitiwan ito.
Medyo abot ko naman kasi si Miyagi, hindi naman siya ganon katangkad sa akin.
"Oo na," nakangisi niyang sabi. "Basta ba pakokopyahin mo 'ko."
Binatukan ko siya at binilisan ang paglakad ko.
"Manigas ka, kahit kelan 'di kita papakopyahin." inirapan ko siya noong lumapit siya sa akin.
"Para namang 'di mo ko mahal niyan eh," muntik na akong mapahinto sa sinabi niya. Pero pinilit kong ayusin ang sarili ko.
"Kung gusto mong mag-pogi points kay Ayako, mag-aral ka!" sumbat ko kaya napakamot siya ng ulo.
"Hindi ba mas maganda kung tuturuan niya ako para makapasa?" ngumisi siya sabay kindat pa sa akin kaya umirap ako ulit.
"Bibigyan mo na naman ng sakit ng ulo si tita." binatukan ko siya ng sobrang lakas muntik pa siyang masubsob kaya binilisan ko na ang lakad ko at iniwan siya.
"Ang sakit non ah! Halika dito!" nagsimula siyang tumakbo para habulin ako kaya tumakbo rin ako.
Malapit na pala kami sa school kaya tumatakbo pa rin kami kahit may mga taga Shohoku na nakakakita sa amin.
"Ayan na 'ko! Humanda ka saking panget ka!" bakit nga ulit ang pinakamaliksing player ng Shohoku ang hinamon ko sa habulan?
Binibilisan ko pa ang pagtakbo ko nang maramdaman kong hinila niya ako sa bewang ko. Nagkalapit tuloy kami at parang nakayakap siya sa akin patagilid.
"Yiee!! 'Di kayo natapos kagabi 'no?" sinamaan ko ng tingin ang pulang buhok na palapit sa amin.
"Tumahimik ka na nga!"
Naramdaman ko naman ang pagmamadali ni Miyagi na alisin ang pagkakapit niya sa akin at napaubo bigla.
"Ayako~ Good morning!" nandyan na pala. Kaya pala.
Inirapan naman siya ni Ayako matapos tumango dito. Ngumiti naman ako ng tipid sakanya.
"Ayako! Alam mo 'tong dalawang 't—"
"Hanamichi Sakuragi! Kapag hindi ka titigil kakalbuhin na talaga kita!" malakas kong banta sakanya kaya tumahimik siya pero hindi pa rin nawala yung ngisi niya.
Lumapit naman si Miyagi kay Ayako at kinuha ang bag nito. Tumango naman ako kay Miyagi na sumesenyas na sabay na sila ni Ayako.
Pano ako? Kaklase mo rin naman ako, ah.
"Ate, hay nako dapa—" tinulak ko ng malakas sa gilid si Sakuragi at nag-umpisa ng maglakad papasok ng Shohoku.
Naririnig ko naman ang malalakas na yabag ni Sakuragi na papunta sa akin.
"Ate naman! Ang sasabihin ko lang naman ay sasama ako mamaya sainyo! Sabay tayo umuwi." tumango nalang ako dahil wala na rin ako sa mood makipag-asaran sakanya.
"Naku, kung love problems lang, sa akin ka na lumapit ate. Expert ako dyan." mayabang na sabi niya kaya tumingin ako sakanya ng nakataas ang isang kilay.
"Talaga? Kung gusto kong mabasted ng 50 times siguro, lalapit ako sayo." ngumiti ako ng nakakaloko sakanya at tumalikod na para pumunta sa klase ko.
Naririnig ko pa siya na sumisigaw pero hindi ko siya hinarap.
Pagpasok ko sa klase ay nakita kong may kanya-kanyang meeting ang mga kaklase ko, nakita ko rin si Miyagi na nasa tabi ni Ayako.
Napabuntong-hininga nalang ako dahil halata namang napipikon si Ayako sakanya. Umupo ako sa pwesto ko at natulog dahil may 15 minutes pa naman bago magsimula ang klase.
Alam naman na ni Ayako na gusto siya ni Miyagi, hindi ko lang ma-gets kung bakit maka-akto siya ay parang ayaw niya kay Miyagi. Hindi ko rin naman sigurado kung gusto rin ba niya si Miyagi o hindi. Hindi ko siya mabasa.
Isang buong taon kong kasama si Miyagi kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil one-sided din naman ang feelings ko sakanya kagaya ng sakanya kay Ayako.
Lunch break na at may practice mamaya ng first and second period, excused ang basketball team. Malapit na kasi ang elimination games, ang unang laro ng team ay next week na.
Hindi ako tumayo pagka-ring ng bell dahil wala akong ganang kumain. D-diretso nalang ako sa gym mamaya.
"Hoy, tara." paga-aya ni Miyagi sa akin. Umiling ako at sumukob sa desk ko.
Akala ko umalis na siya pero bigla kong naramdaman ang kamay niyang hinila ang kamay ko.
"Ano ba!" napasigaw ako dahil wala talaga ako sa mood. Nakita ko namang nagulat siya. Natigilan din lahat ng mga nasa classroom.
"Anong meron?" tumawa siya ng bahagya na para bang walang nangyari.
"Tara na, kain na tayo," nakangiti niyang sabi. Alam niyang bad trip ako pero hindi niya lang pinapansin.
"Pupuntahan ko si Yohei. Samahan mo na si Ayako." kinuha ko ang lunch box ko at paalis na sana nang bigla niya akong hilahin.
"Suspended si Yohei, hindi ba?" napapikit ako sa sinabi niya, wala na. Alam niyang nagd-dahilan lang ako.
"Tara na," malamig niyang sabi.
"Masama ang pakiramdam ko," dahilan ko sakanya. Tumango nalang siya at umalis na kasama si Ayako dahil sasabay sila sigurado kina Akagi mag-lunch.
Isinukob ko ulit ang ulo ko sa desk ko pero hindi ako makatulog. Ito lang naman ang hindi ko magawa eh. Sa isang taon na magkaibigan kami ni Miyagi, hindi ko maiwasang itago yung selos. Hindi ko maitago pero hindi niya naman napapansin.
Kaya kapag bad trip ako dahil sa selos, hindi niya nalang sinasabayan dahil akala niya galit ako dahil sa ibang dahilan.
Sino ba naman ako para magselos, diba? Kaibigan lang naman ako. Si Ayako yung gusto.
BINABASA MO ANG
His Supporter (Slam Dunk Fanfic)
FanfictionI'll always be his supporter, no matter what happens. UNDER REVISION Ryota Miyagi | Hisashi Mitsui | Akira Sendoh | Kaede Rukawa | Hanamichi Sakuragi