Chapter 32 - Galit

324 15 8
                                    



KIANA MITO

Nanatili lang akong nakatingin sa mga kamay naming magkahawak. Naririnig ko rin ang mga hiyawan ng mga tao sa loob ng gym dahil papasok na kami. Diretso lang ang tingin niya at parang wala lang sakaniya na magkahawak kami ng kamay.

Pagpasok namin sa loob ay nakafocus ang lahat sa laro. Napatingin kaming pareho ni Mitsui sa score. 65-64, lamang pa rin kami pero two minutes pa ang nalalabing oras. Hindi pa rin kami nakakasiguro kung matatalo namin ang Ryonan

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Mitsui sa kamay ko,"Magconcentrate kayo! One point na lang 'yan, kahit anong mangyari huwag niyo silang palamangin!"

"Mitsui!" napatingin sa amin si Ayako at sina Yasuda. Napansin kong papalapit sa amin si Ayako habang nakatingin sa mga kamay namin. Napatingin tuloy si Mitsui at bigla niya itong binitiwan.

"S-sorry.." mahinang bulong niya at umupo sa tabi ni Kakuta. Siniko ako ni Ayako nang makalapit siya sa akin pero hindi siya nagsalita. Nakafocus pa rin ang pansin niya sa laro pero hindi siya nag-atubiling pikunin ako.

Pumunta ako sa upuan niya kanina para ako naman ang makapagsulat sa logbook. Tinignan ko si Miyagi na halatang pagod na pero tuloy pa rin sa paglalaro.

15 seconds nalang. Hawak ni Captain ang bola matapos itong ipasa ni Miyagi sakaniya. Dalawang puntos pa rin ang lamang namin pero kahit ano ay posibleng mangyari ngayon. Katulad noong practice game namin sakanila, nang bumawi si Akira.

Napahawak ako ng mahigpit sa ballpen ko. Magaling na bantay si Uozumi at halatang nahihirapan si Akagi.

Shinoot niya ang bola at halos hindi na ako huminga nang makitang tumama ito sa hoop pero hindi pumasok. Pero mas nagulat ako nang biglang tumalon si Sakuragi at nag-slam dunk.

Pinanood ko silang tumakbo papunta sa kabilang side ng court dahil baka bawian nga sila ni Akira, pero wala nang oras. Napatalon ako sa tuwa nang marinig ko ang tunog na nangangahulugang tapos na. Nanalo na kami. Papasok kami sa Nationals!

Nagsitakbuhan lahat ng players sa gitna ng court para yakapin sila Sakuragi. Napatingin ako kay Mitsui na nakangiti.

"KIANAAAA! NANALO TAYO!" sigaw ni Ayako at tumakbo papunta sa akin para yakapin ako.

Niyakap ko siya pabalik pero nagawi ang tingin ko kay Miyagi na nakatingin sa amin. Umiwas siya ng tingin at pinuntahan si Sakuragi nang makita niya akong nakatingin.

Lalapitan sana ako ulit ni Mitsui nang bigla siyang tawagin ni Kogure. Nginitian ko siya at tumungo na ulit sa bench para kunin ang mga gamit namin habang pumila sila para kunin ang award.

Napatingin ako sa kabilang side ng court. Dumapo ang tingin ko kay Akira na nagpupunas ng pawis habang kausap ang mga juniors niya. Nakangiti siya pero bakas ang panghihinayang sa mga mata niya. Napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi ko man lang siya malapitan.

"Balik lang ako sa locker room baka may naiwan pa pala doon," paalam ko kay Ayako habang nakapila sina Akagi sa gitna ng court.

"Samahan na kita?" tanong niya habang inaayos ang duffel bag niya. Umiling ako,"Hindi na, hintayin niyo nalang ako para sabay-sabay na tayong pumunta kay Coach Anzai."

Pagkalabas ko sa locker room ay may mga nakasalubong akong mga taga ibang school. Pumunta siguro sila ngayon para manood.

Natigilan ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na naglalakad paalis. Nagmadali ako at tumakbo papalapit sakaniya.

"Yui," sambit ko kaya natigilan siya at humarap sa akin.

Lumapit ako sakaniya at niyakap siya. "Kamusta ka na? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis ka ulit noon,"

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon