Chapter 13 - Lakad

185 13 0
                                    


KIANA MITO

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon ay ginamot naming dalawa ni Ayako ang mga pasa at sugat ng buong team. Hindi naman kasi sila pwedeng umuwi ng ganon, baka anong sabihin ng mga magulang nila at baka hindi na sila pasalihin sa team.

Hindi naman pwedeng dalhin sila lahat sa clinic dahil mas lalo kaming mapapagalitan dahil halos lahat ng players ay nandoon.

Hindi pa kami nag-usap ni Miyagi mula kanina. Kinakausap kasi siya ni Akagi tapos sobrang busy ko rin sa mga players.

Tumayo na si Kakuta at nagpasalamat, mukhang siya na rin ang huling gagamutin ko. Nagpaalam na siya dahil gabi na rin at iilan nalang kaming natira dito sa gym.

"Ako na?" lumapit sa akin si Miyagi. Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita si Ayako na nagliligpit.

"Hindi ka kay Ayako?" tanong ko dahil alam ko naman bawat tyansa na makuha niyang makasama si Ayako ay kukunin niya.

Umiling siya at umupo sa harap ko. Kinuha ko naman ang ice pack.

Tahimik lang akong umupo sa harap niya para magka-lebel lang kami.

"Dahan-dahan lang," reklamo niya dahil napansin niya sigurong minamadali ko ang paglalagay ng ice pack sa mga pasa niya.

"Late na, hahanapin ka na ni tita." ma-awtoridad kong sabi kaya napabusangot nalang siya at tumingin sa akin.

Iniwas ko ang tingin ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Sabay tayo, ah?" kinuha ko yung mga band-aid sa box at inumpisahang lagyan yung mga sugat niya sa mukha.

"Saan?" tanong ko.

"Pauwi, gaya nung dati? Dalawang araw na mula nung bumalik ako pero hindi pa rin tayo nagkakasabay pumasok o umuwi." tumingin ako sakanya dahil napansin ko ang titig niya habang nagsasalita siya.

For some reasons na hindi ko mawari kung ano, hindi ko naialis ang tingin ko sa mga mata niya. Parang nalulunod ako sa mga ito o may kung anong droga na nakakaadik na hindi ko matigilan ang pagtitig sa mga ito.

"Yieee! K-I-S-S-I-N-G~!" nagising na lamang ako sa katotohanan nang marinig ko ang sintunadong pagkanta ni Sakuragi habang bini-bwisit kaming dalawa.

Binato ko siya nung alcohol. "Umuwi ka na nga! Gabi na!"

"Sige ate! Basta 'wag kayo dito ni Ryota, umuwi kayo. Mas komportable doon." tumawa pa ang mokong sabay takbo paalis kaya mas lalo akong namula sa sinabi niya. Si Miyagi naman ay napaiwas ng tingin at umupo ng maayos.

Kami na nga lamang pala ang natitira dito. Umalis si Ayako kanina pagkatapos niyang magligpit.

"S-sige ba," idinikit ko na ang huling band-aid at tumayo.

"Hahatid ba natin si Ayako?" tanong ko habang nagliligpit.

Noong freshmen kasi kami, lagi naming sinasamahan pauwi si Ayako. Kasi syempre, hinahatid siya ni Miyagi tapos ako naman pinapasama niya kasi gusto niya sabay kaming umuwi. Hindi naman ako makahindi, kasi.. syempre mas maraming oras na kasama siya, kahit nandiyan yung totoong mahal niya.

"Ah, hindi. Sabay sila ni Rukawa, pinuntahan niya muna kasi sa clinic dahil kahit papano ay cargo pa rin siya ng team." tumango ako at pumuntang locker room. Sumunod naman si Miyagi matapos patayin ang mga ilaw ng gym at nilock ito.

Nagligpit ako sandali habang siya naman ay nagpalit ng t-shirt. Kinuha ko ang bag ko pagkatapos at hinintay siya sa labas.

"Tara na?" tanong niya paglabas at pinatay ang ilaw ng locker room.

His Supporter (Slam Dunk Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon